1 CHAPTER 1

"I-ikaw ba— ikaw ba talaga yan?" gulat na naibulalas na ikinataas ng excitement ng makita siya. Ikinalaki pa nito ng mga mata ng malibot ng mata nito ang kanyang naging itsura. "Napakaganda mo talaga." Hindi pa rin makapaniwala na wika nito.

Ngayon lang kasi nito na makita siya na nakasuot ng ganun. Maging ang kanyang itsura napakalaki ng ipinagbago na talagang sa unang tingin masasabing hindi siya. Kahit nga siya ay hindi makapaniwala at hindi makilala ang sarili ng iharap na siya sa salamin.

Tulala na napatitig siya sa mukha niya. Natanong pa nga niya ang sarili kung talaga bang siya ang nasa salamin. Natatawa ang make up artist, dressers at ilang staff na nasa loob ng kanilang lugar kung saan ang ilang artista na katulad niya ay naroon sa loob.

Extra lang siya dati. Sino ang mag-aakala na dadating siya sa punto na mabibigyan siya ng break para makilala ng maraming tao. Napalunok siya habang nakita niya ang mga ngiti ng mga tao na kasama niya. Maging ang mga gaya niyang extra lang sa mga movies at teleserye kinon-gratulate siya. Masaya ang mga ito para sa kanya dahil sa isang napaka laking break ang nakuha niya ng bigla agad siya nagkaroon ng isang big role sa movie ng isang sikat na sikat na director.

Sino nga ba kasi ang mag-aakala na magiging LEAD siya ng isang sikat ding actor. Ang dati nitong Leading Lady ay nawala sa dating position at siya ang pumalit. Siya ang Bida at ito naman ang kontrabida sa kanilang mga eksena ng sikat na actor.

Galit na galit nga ito. Nagwala ito sa set habang tumatakbo ang taping nila.

Galit na galit ito ng masaksihan ng mga mata nito ang kanilang kissing scene at bedscene ng dati nitong Leading Man.

Inggit at ngitngit ang nararamdaman nito habang nagseselos sa ipinakikita na sweetness sa kanya ng mga staff at crew na dati na siyang nag-aasikaso sa kanya. Maging ang director ay inaway nito. Subalit sinagot ito ng pabalang tulad kung paano ito makipag-usap ng hindi maganda.

Pangit kasi ang ugali ng artistang babae. Minsan na nga niya ito nakasama sa isang taping kung saan ay gumanap lang siyang extra. Naalala niya isa siyang paro-paro na pagala-gala habang sumasagap siya nang mga balita na ukol sa bida. Naalala niya isa itong Action-Romance na kinabilangan niya noon. Bali isa siyang Chimay na nauutusan ng amo niya. Yung kontrabida sa dalawang Lead ng movie. Para kumuha ng mga impormation na makasisira para sa dalawang LEAD. Gustong-gusto niya ang role niya don. Haba kasing sumusunod siya sa mga lugar o ginagawa ng dalawang LEAD wala siyang ginawa don kundi ang kumain lang at minsan ay matulog sa set. Pero bukas ang mga tenga niya parang antenna.

"Girl, masaya ako para sayo." naluluha na wika ng kaibigan niya. Naiiyak na talaga ang itsura nito. Hawak ang kamay niya pareho. Lumunok ito. Pinunasan ang luha sa mga mata at pilit ngumiti ng suminghot. "Sorry, naunahan pa kita sa mga eksena mo sa movie." pahayag nito.

"Ano ka ba! Ayos lang. Masaya din ako nandito ka sa pinaka espesyal na araw sa buhay ko." pahayag din niyang sagot dito. Nagsasabi lang siya ng totoo. Mga bata pa sila ay magkasama na silang dalawa. Malulungkot talaga siya kung hindi ito makadadating sa araw mismo kung saan ay ipakilala na siya na bagong Leading Lady ng favorite din niyang actor.

Nuon pa man ay humahanga na siya sa mga pagganap ng kanyang leading man sa mga eksena nito sa mga nakaraan nitong proyekto. Tulad ng maraming movies at teleserye na nagawa nito kung saan napapaluha at napapaiyak siya habang nanunuod.

"Girl, sorry. Masyado ata ako naging nega. Ikaw naman kasi nakakagulat ang mga achievements mo sa life. Sino bang mag-aakala na isang gaya mong gusgusin nung mga bata tayo. Magiging isang napakaganda at very talented na bagong sumisikat na artista. I am happy for you friend." makikita naman sa mga mata nito na masaya talaga ito sa mga achievements na nakuha niya ngayon na sikat na artista na siya.

All her hardships sa pagiging isang talent lang at extra. Ngayon may big role na. Sino ba ang hindi matutuwa sa mga nakamit niya?

"Okay lang, basta masaya ako na nandito ka. Pero wag mong masyado ipangalandakan na gusgusin ang mga itsura natin noon. Baka mamaya maniwala sila sa mga pinagsasabi mo." biro niya ng pabulong.

"Ikaw naman, biro ko lang naman yon. Saka sino magiging gusgusin noon? Alagang safeguard ata tayo." pilya pa rin nitong sabi. Makulit pa rin ito tulad ng noon. May isang taon na rin pala, nang sila nagkahiwalay. Gawa ng biglang lumipat ito sa pagtatrabaho sa probinsya.

"Elizabeth, ayos ka na?" tanong ni Derek.

"Yes po" sagot niya.

"Okay sige, be ready. Maya-maya tatawagin ka na para pumunta sa set. Make sure na okay ka na para sa opening interview mo at ni—" naputol na pahayag ni Derek ng tawagin ito nang isang staff ng bigla nalang raw magkagulo.

Madali na umalis si Derek. Hindi na ito nakapag paalam sa kanya. Umalis na ito nang sabihin na pupuntahan niya muna raw ang nangyayari na kaguluhan. "Do you think sino kaya ang nanggugulo na yon?" takang tanong ng kaibigan niya.

"Hindi ko rin alam." kumimpit ang balikat niya sa pagtatanong ng kaibigan niya na ngayon nagawa na pala nito yumuko para ayusin ang laylayan ng suot niyang gown.

Para siyang nanghuhula habang naghihintay na tawagin siya. Gusto man niya ang tumungo sa kung saan ay nangyayari ang nasabing kaguluhan. "Naku girl, maniwala ka sa hindi." napansin agad niya ang pagkabalisa sa mukha ng kaibigan niya.

"Bakit?" para siyang binuhusan ng mantika sa itsura niya. Napalunok siya ng maisip ang nanggugulo kaya ay si— Hindi nga siya nagkamali ng ikwento ng kaibigan ang nakita nito sa mismong area kung saan gumagawa raw ng eksena ang dating leading lady ng kanyang leading man. Dito niya rin nalaman na dati pala ito mga magkarelasyon na ikinabagsak ng kanyang mundo.

Nanginginig ang mga kamay niya na pinagdikit. Sobrang lakas din ng kaba niya ng bigla na lang hindi niya napigilan ang mapaiyak at manikip ang kanyang dibdib.

"Girl?" takang sambit sa pangalan niya. "Okay ka lang?" pangangamusta nito. "Namumutla ka" napansin pala nito ang pagbabago sa itsura niya. Nilapitan siya nito at napapitlag ng mahawakan ang nanlalamig niyang kamay. "Girl okay ka lang ba talaga?" tanong ulit nito ng tuluyan na talaga umagos ang mga luha niya sa mga mata. Nagulat ang kaibigan niya maliban sa pagtataka nito sa nangyayari sa kanya.

"Bakit umiiyak ka?" tanong na naman nito habang dumukot sa bulsa. Kinuha nito ang isang panyo at binigay sa kanya. Pinunasan nito ang mga luha sa mga mata niya bago ito iabot sa kamay niya. Napahugot ng malalim ang kaibigan niya ng hindi malaman kung paano siya patatahanin lalo na nang makita na nasira na talaga ang maganda niyang mukha.

Nagkalat ang mga make-up niya. Ang eyelashes niya natanggal at nasira. Ang eyebrows niya kumalat na rin ng hindi sinasadya ay mapunasan ng kanyang isang kamay. Ang eyeliner niya nasira at kumalat sa mukha niya. Para na tuloy siya isang vampire ang itsura nakatatakot titigan na parang mga multo sa mga horror movie or sa mga horror house.

Bakit nga ba siya umiiyak? Naitanong niya habang ayaw tumigil ang pagbagsak ng mga luha sa kanyang mata. Tuloy lang ito sa pag-agos at pag iyak.

Hindi naman ako dapat nasasaktan. Pero bakit nasasaktan ako? naitanong niya rin sa sarili niya.

Bakit nga ba siya nasasaktan at umiiyak? Kung wala naman dahilan para umiyak siya at masaktan.

Please, tama na. Tumigil ka na, please tigil na.

"Girl, ano bang problema?" tanong sa mahina at naghihintay ito ng sagot. Huminga siya. Nag-angat siya ng kanyang mukha. Nagkasalubong ang mga mata nila ng mag tama ang mga ito at nag-usap. Hindi niya masabi ang dahilan ng pag-iyak niya. Hindi niya gusto ang mag-alala ito at magalit sa kanya. Hindi niya maamin ang naging desisyon at pinasok niya kung bakit siya ngayon nasasaktan ng sobra.

Bata pa lang siya paghahangad na agad ng atensyon ang nais niya. Bata pa lang siya walang kwenta ang naging paglaki niya dahil sa kulang na kulang siya sa atensyon mula sa kanyang pamilya. Anak nga siya ng isa sa mayamang pamilya sa lugar nila. Subalit magulo ang pamilya na pinagmulan niya. Hindi masaya kundi impyerno para sa kanya ang buhay na meron siya. Mga demons ang turing niya, kung pangalanan niya ang ilan sa mga taong kasama niya sa napakalaki na bahay nila.

Kahit nakakaangat nga masasabi ang pamilya nila. Sa dami ng negosyo at kung ano-ano na wala naman siyang pakialam sa kung anong trabaho o pinaggagawa ng pamilya niya. Anak lang kasi siya sa labas. Patay na ang tunay niyang Ina na nagsilbing kasambahay sa bahay ng ama niya. Tumira ang Nanay niya bilang kirida ng kanyang ama. Sama-sama sila sa iisang bubong kung saan ay nakatira ang marami niyang mga kapatid na tulad niya anak sa iba't-ibang babae ng ama niya.

Sobrang gulo. Masakit sa ulo at napakasakit sa puso na malaman na wala siyang puwang sa pamamahay na yon. Kaya't umalis siya bata pa lang siya non. Nagdadalaga pa lang siya ng umalis siya ng hindi nagpapaalam. Okay naman ang mga kapatid niya. Ang ayaw niya lang don sa bahay na yon ang dalawang kirida ng ama niya, at ang tunay nito na asawa na naghahari-harian sa Mansion. Basta ayaw niya talaga don kaya naglayas siya at wala na rin siyang balak na bumalik don.

Ayaw niya ng magulo na pamilya.

Kaya lang isang gulo din pala ang mapapasukan niya ng hindi niya alam at wala siyang kamalay-malay.

Ayaw na niya sa ganito. Pero anong maaaring gawin niya na ngayon napasukan na niya? Makalalabas pa ba siya kung naiipit na siya sa mga taong alam niya hindi na siya palalampasin at tiyak na pupulutin na siya sa kangkungan sa oras na makalabas ang lihim niyang relasyon sa lalaking pinagkakaguluhan ngayon sa labas ng room nila.

Kinakabahan talaga siya sa totoo lang. Anong malay niya aabot siya sa ganito. Hindi niya naisip ito. Pero ngayon na nangyari na. Saka lang siya nakaramdam ng takot. Nagugulumihanan man siya nung una. Pero ang kanyang pinakikinggan lang ang nararamdaman lang at tinitibok lang ng puso niya. Nagkamali ba siya don? Sa bagay na pagsunod niya lang sa binubulong ng puso niya? sa tinitibok nito.

Anong pagkakamali ba don ang nagawa niya? Ang magmahal ba? O, ang ipinagkatiwala niya agad ang— naputol ang pag-iisip niya. Biglang lumakas ang boses ng mga naririnig niya mula sa labas.

Ayaw niya silipin lalo't nasira na ang lahat ng make-up na inilagay sa kanyang mukha. "Girl, mukhang mas lumapit na malapit lang sila. Palakas ng palakas ang ingay, panigurado nasa labas na sila." pahayag nito. Ang tinutukoy nito ang mga maraming media na nabanggit rin nito kangina.

Tama ang kaibigan niya mas lumakas na talaga ang ingay na nanggagaling sa labas. Dahil ang tinutukoy nitong kaguluhan at ang narinig niya kangina sa usapan ng director nasa labas na talaga ng pinto ng kwarto kung saan ay naroon pa rin siya. Nagawang humarang ng kanyang mga staff— ngayon ay mga nasa labas na rin ang mga ito sa mga taong gumagawa ng kaguluhan kasama ng dating leading lady ng kanyang leading man.

Narinig niya ang mga sumisigaw. Kilala na niya ang isa sa mga boses na narinig niya na nagnanais pumasok.

"Girl, tungo lang ako sa may pinto para makatulong sa mga staff na pumipigil sa mga tao na nagnanais makapasok dito. Baka makapasok. Mukhang palagay ko ikaw talaga ang kanilang pakay." aniya na sabi ng lumakad na ito at hindi na niya napigilan na wag siyang iwan.

Ilang sandali pa nga ay tuluyan na niya narinig ang mga tao na nakapasok sa loob ng kanyang kwarto. Ang ilan sa mga kasamahan niya, ang mga extra sa ginawa nilang movie ay mga nagulat din ng mapansin ang mga mata ng maraming media na nakaturo ang mata sa kanya.

Nais niya ang tumakbo. Takasan nalang ang mga taong ito. Subalit paano pa siya tatakas na ngayon nasa likuran na niya.

avataravatar