15 Chapter 13: That Kiss

"AHHHHHHHH!"

Napasigaw ako sa gulat. Si Felix naman ay napatayo at lumayo bigla sakin. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya.

Pinakiramdaman ko ang sarili. Wala namang masakit sakin saka nakadamit naman kami pareho. Jusko ano ba 'tong naiisip ko. Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na hindi ganong klaseng lalaki si Felix pero hindi ko talga maiwasang isipin

Tumikhim siya para mawala kahit papano yung awkwardness. Lumabas siya ng tree house kaya bumangon na ako. Nag ayos ako ng sarili saka napagdesisyunang lumabas nadin ng tree house

Hindi ko na nakita si Felix kaya pumunta na lang ako sa water falls. Ayos nadin yon para kahit papano ay mawala yung awkwardness sa pagitan namin. Lumapit ako sa water falls saka tumlaungko. Tinignan ko ang tubig. Sobrang linaw at linis nito. Halos nakikita ko na ang sarili kong refleksyon dito

Ilang minuto pa akong tumitig don hanggang sa nakita ko sa reflesyon ko sa tubig na nasa likod ko si Felix. Napatayo naman ako bigla. Humarap ako sa kanya pero agad ding nagsisi. Sobrang lapit na naman namin sa isa't isa. Ang liit lang ng pagitan namin at halos ramdan ko ang bigat ng paghinga niya

At heto na naman ako, bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Parang kinikitili ako sa tuwa. Maski ako hindi ko mapigilan ang aking sarili. Umatras ako para magkalayo kami pero nawalan ako ng balanse at nahulog sa falls. Sinubukan akong hawakan ni Felix para hindi ako mahulog pero huli na ang lahat at nilamon na ako ng tubig. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko

Hindi naman ganon kalalim ang tubig ay hanggang dibdib ko lamang ito. Naghabol ako ng hininga ng makaahon. Bumungad naman sakin ang nagaalalang mukha ni Felix

"Ayos ka lang?" tanong niya sabay lahad ng kamay sakin. Tumango lang ako biglang sagot

Tinignan ko ang kamay niyang nakalahad sakin. Natuwa agad ako sa aking naisip. Imbis nana abutin ito ay hinawakan ko ang braso niya sabay hila sa kanya kaya nahulog din siya sa falls

Hinawi niya ang basa niyang buhok saka tinignan ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay saka tumawa. Napailing na lang siya sa ginawa ko

"Sana hindi na lang kita tinulungan" nakangusong sabi sakin ni Felix

"Ang arte mo naman!" reklamo ko saka sinabuyan siya ng tubig

Nagbasaan kaming dalawa at natigil lang ng malagyan ng tubig yung mata ko

"Ouch" daing ko sabay kuskos sa mata ko. Naramdaman ko naman lumapit siya sakin

Nagulat ako ng hawakan niya ang magkabilang pisnge ko para maiharap sa kanya. Natigilan ako. Parang biglang nawala yung tubig sa mata ko dahil sa ginawa niya. Tinitigan niya ako. Huminto ang tingin niya sa labi ko. Nakitang kong gumalaw pataas baba ang adams apple niya senyales ng paglunok. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Biglang nagblangko ang isip ko. Hindi ako makagalaw. Ni hindi man lang ako makalayo dahil ang lapit namin sa isa't isa

Sa wakas ay binitiwan niya ako saka lumayo sakin. Napahilamos siya sa kanyang mukha saka tumalikod sakin. Para naman akong napako sa kinatatayuan ko. Parang ang tagal mag process sa utak ko yung nangyari

Dahil hindi ko alam kung ano ang irereact ko kaya tumalikod na lanag ako saka napagpasyahang umahon na

"Aphrodite"

Natigilan ako. Sa unang pag kakataon ay tinawag niya ako sa totoong pangalan ko. Bigla na naman bumilis ang tibok ng puso ko at hindi na matigil ang pakiramdam na parang may lumilipad na mga paru paro sa tiyan ko. Kahit tinawag niya ako ay hindi ako lumingon at nanatiling nakatalikod lamang sa kanya

Naramdaman ko na lang na may humigit sa braso ko bago magdikit ang mga labi namin. Nakita ko siyang nakapikit habang hinahalikan ako. Parang kinukuha non ang buong lakas ko. Biglang naghina ang tuhod ko

Hindi ko alam pero may parte sakin na gusto ang ginawa niya at ayaw din at the same time dahil wala naman kaming relasyong dalawa. Sa huli ay wala din akong nagawa at pumikit na lang din saka hinalikan siya pabalik. Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa namin. Ni hindi ko nga sigurado kung may nararamdaman ba talaga ako para sa kanya

Naramdaman ko na lang sa ilalim ng tubig na hinapit niya ang bewang ko palapit sa kanya. Hindi ko na nakayanan at nagpaubaya na 'ko sa kanya. Nalulunod ako sa mga halik niya. Naramdaman ko na lang ang sarili ko na isinabit ko ang aking mga kamay sa batok niya. Lalong lumalim ang halikaw namin. Nauubusan na ako ng hininga pero hindi parin kami tumitigil. Lumipat ang hawak niya sa batok ko

Pagkatapos ng ilang minutong paghahalikan namin ay saka lang kami tumigil. Siya ang unang kumalas sa halikan. Parehas kaming naghahabol ng hininga pagkatapos non. Pinagdikit niya ang noo namming dalawa. Halos hindi ako makatingin sa kanya dahil sa hiya. Pakiradam ko kanina pa namumula ang pisnge ko

Lalayo na sana ako sa kanya pero ayaw niya akong bitawan. Kunot noong tinignan siya ko siya pero nginisihan niya lang ako

Fuck that smirk.

Tumikhim ako sabay tulak sa kanya palayo saka naglakad paalis sa lugar nayon. Medyo nahirapan pa akong makaalis don dahil basang basa ako at dumudulas lamang ako pakyat

"Taga lupa!" tawag sakin si Felix. Ilang beses niya akong tinawag pero hindi ko siya pinansin saka umalis sa lugar na yon

Nako! Wag niya akong matawag tawag na taga lupa at hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa niya at hinding hindi ko yun makakalimutan

Hindi ko na siya hinintay na makaalis don. Dumiretso na ako palabas ng Ekbasis. Hindi na ako nagpahatid sa kanya at baka kung ano pa mangyari kung gagawin ko 'yon

Kahit basang basa ay bumalik na ako sa mundo namin. Nagpalit agad ako ng damit pagkadating ko sa apartment. Nagpupunas ako ng basang buhok saka umupo sa sofa. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman tuwing naiisip ko yung ginawa niya pero bakit nga ba ako pumayag? Bakit ako nagpaubaya? At higit sa lahat, bakit hinalikan ko din siya pabalik?!

What the heck?!

Hindi naman kami in relationship para gawin yon. Hindi naman sa sinasabi kong may mga karelasyon lang dapat ang gumagawa non pero ano ba kami ni Felix? Magkakilala ba kami? Magkaibigan ba kami? Ni hindi ko pa nga sigurado kung gusto ko siya o may nararamdaman na ako para sa kanya tapos gagawin namin 'yon

Sa likod ng maamo mong mukha ay magaling ka pa lang humalik putcha

Isa lang naman ang hinihingi ko.

Gusto ko ng lebel okay….lebel lang

avataravatar
Next chapter