13 Chapter 11: Secrets

Felix's Pov

Pagkaalis niya ay bumalik ako sa lugar kung saan kami galing. Tinignan ko ang Lignum Vitae. Nagsimulang pumatak ang mga luha ko. Napaluhod ako dahil nanghihina ang mga tuhod ko

Sana hindi mo ako kamuhian. Sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko.

"Aphrodite" banggit ko sa pangalan niya habang umiiyak

Kasabay ng pag iyak ko ay ang pagbagsak ng mga dahon mula sa Lignum Vitae. Senyales na malapit na

Marami akong gustong sabihin sayo pero hindi ko magawa. Ayokong iiyak ka sa harap ko at magmamakaawang bumalik ako dahil hindi na pwede. Wala ng pag asang makabalik sa mundo namin. Patawarin mo ako dahil nagsinungaling ako sayo. Sabi ko sa sarili ko na magpapakatino na ako pero hindi ko pala kaya.

Nagkamali ako. May nagawa na namang akong kasalanan pero hindi ko yon pinagsisihan. Sa lahat ng kalokohang ginawa ko. Sa lahat ng patakarang nilabag ko eto lang ang hindi ko pinagsisihan. Sana maintindihan mo ako kapag dumating na ang araw na hinihintay ko. Ayokong sabihin sayo dahil baka masaktan kita. Itatago ko na lamang na sikreto sayo ito. Ngayon pa lang humihingi na ako ng tawad

Hindi na ako makakabalik samin kahit yon pa ang hinilingin ko sa puno. Sana maintindihan mo ako kung bakit ginawa ko ito. Alam kong mali pero ginawa ko. Alam kong bawal pero nilabag ko

Umibig ako ng taga kabilang mundo. Umibig ako sa tao.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulgol ako. Dahil sa ginawa ko maglalaho na ang Ekbasis. Hindi ko alam kung gaano pa tatagal ito pero iisa lang ang alam ko, malapit ng maglaho ito

Hindi ko ginustong mangyari 'to. Hindi ko inaasahang mahuhulog ako sayo. Hindi ko dapat nararamdaman to. Gusto kong tumigil habang maaga pa pero hindi ko mapigilan yung puso ko. Masaya ako kapag masaya ka. Malungkot ako kapag malungkot ka

Kapag sinunod yung puso, nagiging tanga. Kapag naman sinunod yung isip, hindi nagiging masaya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala naman akong masabihan ng nararamdaman ko. Kalalaki kong tao pero bakit ganito ako.

Hindi ko alam kung kaylan nagsimula basta ang alam ko nahulog na lang ako sayo bigla. Ang sakit para sakin dahil alam kong hindi tayo magtatagal. Kahit anong gawin ko hindi tayo pwede. Parehas tayong nabubuhay sa magkaibang mundo kaya walang pag asang magkasama tayo. Mas mabuti siguro kung hanggang dito na lang tayo at manatili sa kung anong meron ngayon.

Ang hirap magpanggap sa harap mong ayos ako kahit hindi naman talaga pero kaylangan kong tanggapin na hindi tayo para sa isa't isa. Kapag nawala na ang Ekbasis kasama ako, ako na angnakikiusap sayo na humanap ka ng iba. Sana makahanap ka ng taong pasasayahin ka. Yung kayang higitan yung mga ginawa ko dahil baka sa panahon iyon ay wala na ako

avataravatar
Next chapter