1 "Tayo ba ay pinagtadhana ng sansinukob?"

SOL ☀️

Ako si Solana, mas kilala sa tawag na "Sol" o "Lana" ng mga malalapit ko na kaibigan. Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto ko tawagin na "Sol", kakaiba kasi, salamat talaga kay Mama at naisip niya ang unique na pangalan na 'yan.

Kapag tinatanong ko siya saan niya nakuha ang pangalan ko, hindi na raw niya tanda kung saan pero noong unang beses niya raw marinig ang pangalan na 'to tumatak na raw sa isip niya kaya noong pinanganak niya 'ko yoon ang pinangalan niya sakin. Astig nga eh.

Ang ganda ng buwan ngayong gabi, ngayon ko lang nakita ang buwan nang ganito ka-ganda. Ewan ko ba, si Kuya kasi inaway ako ayan dito tuloy ako nakatambay sa loob ng kwarto at pinagmamasdan ang buwan. Minsan sa mga hindi mo inaasahang pagkakataon, doon mo makikita kung gaano ka-ganda ang isang bagay.

Tumayo ako sa pagkakaupo at nahiga sa sahig hawak ang niregalo sakin ni Papa na ukelele, nag strum lang ako habang nakatitig pa rin sa buwan na unti-unting tinatakpan ng maninipis na ulap.

"Luna." banggit ko,

Sabi ni Kuya sakin, meron daw siyang kaklase dati na ang pangalan ay Luna, naalala niya raw ako kasi ang pangalan ko naman ay Solana, sabi ko 'anong connect?' binatukan ako tapos sabi niya,

"Tanga, Sol meaning araw, tapos siya Luna meaning moon!"

Hindi ko na-gets noong una, eh malay ko ba!

"Lana! Ano ba hindi ka na ba gigising? kanina ka pa hinahanap ni Mama sa baba! Pag hindi ka pa bumamaba diyan hindi kita isasabay!"

punyeta.

"Ito na bababa na nga eh!"

Ala sais pa lang ng umaga pero ang taas na nang sikat ng araw. Magandang umaga rin sa'yo haring araw.

Syempre dahil male-late na 'ko, binilisan ko na ang kilos para makasabay kay Kuya pag pasok, kung hindi lang ako nagtitipid ngayon hindi ako sasabay sa kuwagong 'to!

"Seatbelt, hoy"

"Seatbelt pa rin" sabay irap sa kanya, istorbo ka sa tulog!

"Alam mo na ba section mo?"

"Oo."

Tipid ko lang na sagot sa kanya kasi inaantok pa talaga ako at hindi rin ako nakakain ng maayos dahil pinagmamadali na ko ni Kuya.

Ilang minuto lang ang tinagal at sa wakas nakarating na rin kami sa school. Syempre dahil nga gutom ako, kahit na kakasabi ko lang na nagtitipid ako dumiretso pa rin ako sa canteen.

"Sis, pabili po ng chicken sandwich."

Oh, hindi ko tropa si Sister, ganon lang talaga namin sila tawagin dito sa school tapos 'yung mga lalaki naman "brother", 'di ba astig.

Nakakabagot talaga 'tong orientation na 'to, teka, tumingin ako sa paligid may mga mangilan-ngilan akong nakikita na pamilyar na mukha pero karamihan hindi ko na kilala. Nandito ako sa classroom, hinihintay si Ambrose na kung late ako, mas lalo na siya, asahan niyo na 'yon palagi.

"Before I forget, since you guys already know me. Kayo naman ang isa-isa magpapakilala."

here we go again.

Bago pa man kami magsimula sa pagpapakilala, bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang napakagandang kuwago, si Ida. Kaibigan ko at kambal ni Ambrose. Teka nga, ba't siya lang mag-isa?

"Ayos ah, hindi niyo naman sinabi na hindi na pala paagahan ang pasok. Asan si Ambrose?"

Lumingon siya sakin na hinihingal pa rin mula sa pagtakbo. Napansin ko rin ang mantsa sa uniform niya.

"Wala akong pake sa damuhong 'yon. Panyo meron ka?"

Inabot ko sa kanya 'yung panyo ko na hindi pa nalalabhan, isang linggo na ata 'yan sa bag ko. Hindi naman niya malalaman eh.

"Anong nangyari?"

Hindi niya pinansin ang tanong ko kaya tumingin nalang ulit ako sa harap, sakto pag lingon ko ay nagkatinginan kami ng isa sa mga kaklase ko, hindi ko siya kilala kaya umiwas na rin ako ng tingin. Ang ganda ko siguro kaya niya 'ko tinitignan.

Maya-maya, siya na 'yung tumayo para magpakilala, "I'm Lumiere Nalah Nievez, but you can call me Luna." nakangiti pa niyang sabi. Ang ganda ng pangalan niya, parang ang yaman!

Hindi nagtagal si Ida na ang magpapakilala, tapos susunod na 'ko punyeta ka Ambrose hindi mo sinabing a-absent ka ngayong araw!

"Ida Isabela Santos, let's all have a peaceful school year and to achieve that, don't talk to me that's all. charot." sabay upo.

Natawa tuloy 'yung iba pati si Ma'am, hala guys hindi nagbibiro si Ida. Walang salitang biro sa vocabulary niya.

"Okay, next"

Tumayo na 'ko kasi wala naman akong choice.

"Hi! I'm Solana Elaine Nicolas, I'm nice!"

Short and simple lang tayo dito friends.

Tapos na sana ang introductory part keme kung hindi lang may pumasok ulit na kuwago at walang iba kung hindi si Ambrose.

"Sir, first day of school and yet you're late?"

Naglakad papunta sa direksyon namin si Ambrose, "Sorry Ma'am, this won't happen again."

"Aasahan ko 'yan. Anyway, tapos na sila magpakilala and it's your turn."

Umayos siya nang pagkakatayo , "Ambrose Ian Santos and I promise not to be late for the whole school year."

Kung nakakamatay ang tingin, kanina pa tumba si Ambrose dahil sa masasamang tingin ni Ida. 'tong kambal na 'to pag nainis ako paguumpugin ko eh.

"Kayong dalawa, kanina pa kayo sa classroom ha. Ano bang problema niyo?"

Sabay silang bumuntong hininga saka humarap sakin.

"Eh kasi 'yung isa diyan kung hindi ba naman kukupad-kupad 'di sana sinabay kami ni Daddy pag pasok, ayon iniwan tuloy kami. Ang ending, I had to commute!" irita na sabi ni Ida.

"Eh malay ko ba naman kasi na umaga pala ang klase ko!"

"What a fucking lame excuse you got there bro! Ang sabihin mo, makupad ka lang talaga!"

"Whatever."

"Alam niyo kayong dalawa, ang bababaw niyo. Tara kumain na tayo nakakagutom kayo kausap."

Dumiretso kami sa canteen para kumain syempre, nakita ko agad si Kuya kasama 'yung tropa niya. Grade 7 palang kasi ako tapos si Kuya naman third year na. gurang.

"Sis, isa nga chicken sandwich then dark chocolate milktea with pearls po. shelemet."

Aalis na sana 'ko kaso may kumalabit sa'kin.

"Uhm, excuse me?"

Paglingon ko si Luna pala. Ang ganda...ng pangalan mo.

"Oy!" hindi ko kasi alam ano sasabihin?

"Order ko kasi 'yang nakuha mo" tapos medyo ngumiti siya.

Chineck ko kung akin ba 'tong hawak ko, and guess what ladies and gays, hindi ako nag order ng two slices of pizza at blue lemonade.

"Ay, sorry eto oh." Sabay abot sa kanya. shuta naman nakakahiya, gutom na gutom?

"Okay lang hahaha, may table ka na?"

"Meron na, ikaw? Gusto mo sumabay samin mag lunch? Tara!"

Niyaya ko siya kasi friendly ako.

"Kambal, sasabay sa'tin si Luna. Classmate natin siya."

Sabay akong nilingon ng kambal, magkatabi sila sa upuan tapos kami naman ni Luna na kaharap nila.

Gets niyo?

"Hi! Single ako hehe" Sabi ni Ambrose.

Kapal ng mukha.

"Ambrose walang may pake." sabay irap ni Ida.

Inabot ni Ida 'yung kamay niya kay Luna para makipag shakehands. "Hello, I'm Ida. I'm guessing you're a transferee? from what school?"

"Uh, I'm Luna sa kabilang baryo lang ako galing, sa St. Ignatius, then we moved here last week, biglaan lang talaga."

"Oh? eh bakit kayo lumipat? balita ko pa naman magandang school ang St. Ignatius!"

Kahit kelan ang daldal ni Ida, minsan napaka unpredictive ng ugali nito, kanina ang sungit ngayon ang daldal tsk.

"Hoy Ambrose 'wag mo titigan si Luna!"

nakakainis ka!

"What? I'm just admiring the beautiful view!"

"Beautiful view my ass, Ambrose."

Tinaas niya 'yung dalawa niyang kamay sabay sabi ng, "Okay, jeez calm down Lana!"

Tinawanan nalang kami ni Ida at Luna.

"Oh my god! magkatunog 'yung nicknames niyo! Ang hassle!"

Ha? Oo nga 'no? guess we're meant to be? charot!

"From now on, call me Sol. Aight?"

avataravatar