webnovel

Chapter 1: Welcome Eccentrics

-Quiarra's POV-

Pagmulat ko ng aking mga mata, natagpuan ko ang sarili ko sa ospital, nilibot ko ang aking mga mata at nakita ko sila, sila Mommy.

"Doc! Nagising na ang anak ko!" dinig kong sigaw ni mommy pagkatapos ay bumaling siya sakin, "Hey baby, okay ka na ba?" sabi niya pa, tango lang ang tangi kong naisagot dahil hindi ko pa kayang umusap ng ayos. I dont know what really happens, ang naaalala ko lang ay ang pagsabog ng isang resto kung saan namin dinalo ang christmas party namin ng mga kaklase ko, ramdam ko ang pagtilapon ko at bigla nalang akong nawalan ng malay. Kamusta kaya sila? I hope okay kaming lahat. Dumating yung doctor at hindi ko alam kung anong ginawa niya.

"M-Mom, a-anong petsa n-na?" hirap pero natapos ko ang gusto kong itanong kay mommy. "December 24 na baby, isang linggo kang walang malay, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil makakasama ka pamin sa Pasko" biglang tumulo ang luha na mommy, agad ko namang pinunasan yon.

****

Nagpasko kami sa ospital ng pamilya ko, unti unti ng bumabalik ang lakas ko ngayon, and I felt something weird inside me pero binaliwala ko nalang yon. Nakakabangon na ko kahit papano at ang gusto ko lang gawin ngayon ay hanapin ang mga kaklase ko para malaman kung nasa magandang kundisyon na ba sila tulad ko. Nilibot ko ang paningin ko at tiningnan ang bawat pangalan sa pintuan and I saw his name 'Michael Corin Santiago'  pero Mico ang tawag namin sa kanya. Pumasok ako sa loob at nakita ko ang nurse na nakabantay sa kanya at kausap siya nito, biglang lingon sakin ni Mico kasabay ng matamis na pagngiti niya, as usual suot parin niya ang sunglasses niya with his messy hair. Ginantihan ko lang din siya ng ngiti at nagusap kami dun sa nangyari last week.

After namin mag usap ay lumabas na ko at nakita ko ang kaharap niyang room 'Jasmine Dela Cruz' my bestfriend. Bubuksan ko na sana ang pintuan pero naunang may magbukas nito, si Tita Jazii "O hija buti naman at gising ka na, pasok ka sa loob may bibilhin lang ako, nagbibihis lang si jas antayin mo nalang siya" sabi ni tita at tango lang ang sinukli ko rito. Hindi ako mahilig makipagusap sa mga tao.

Hinintay ko si jas habang nakatanaw ako sa bintana ng room niya. "Quiarraaaaaaa" nabulabog ako sa sigaw niya at paglingon ko bigla nalang niya akong niyakap, "Buti naman okay ka na? Antagal kong hinintay ang paggising mo! Haahahaha" sabi niya, at oo madaldal siya. Tanging ngiti lang tinugon ko dun at niyaya niya kong maupo muna habang siya dada ng dada sa harap ko. Quiarra ang pangalan ko, Quiarra  Vergara.

Napalingon kami ng biglang bumukas ang pintuan at nakita ko ang malapad na ngiti ng mukhang manika nato hays walang pinagbago maganda parin siya 'Michelle Bartolome'. "Miss me?" saad niya kasama parin ang ngiti niyang ubod ng tamis, tumakbo naman si jas para yakapin siya, at hinigit nila ko sabay yakap din, to the point na muntik na kong mawala ng hininga. They're my bestfriends since elementary palang ako. Matapos ang pagkukwentuhan namin na sila lang namang dalawa ang kuda ng kuda, pinabalik na kami sa kanya kanyang kwarto nung nurse. Masaya akong buhay sila at magkakasama parin kaming tatlo.

****

"Quiarra" tawag sakin ng kung sino kaya napamulat ako bigla. Si ' Calvin Remoire', "O? Ginagawa mo rito?" walang emosyong tugon ko sa kanya. "C'mon Quiarra, alam kong ikaw ang may pakana nung pagsabog na nagyari sa resto" usal niya at biglang nanlaki ang mga mata ko, "A-anong sinasabi mo? Why would I do such things Cal?" tugon ko sa kung ano mang kalokohang sinasabi niya, "Ewan ko kung bakit mo ginawa yon Quirra pero alam ko na ikaw ang may gawa non" sabay ngisi niya. Hindi ko siya maintindihan kung bakit ako ang sinisisi niya, "You're crazy Cal! Get outta here you asshole!" pagkasabi ko nun ay bigla siyang tumawa at bago siya lumabas ay narinig ko pa ang mga katagang sinabi niya "Alam ko lahat ng sikreto mo 'arra'." Bigla akong nakaramdam ng kaba, antagal kong hindi narinig ang pangalang yon, hindi pwede to! Binaon ko na sa limot ang nakaraan ko at ang palayaw na yon. Hindi to pupwedeng kumalat.

-Mico's POV-

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa labas, out of my curiousity lumabas ako para tingnan kung anong nangyayari. Nagkakagulo sila at nakita ko ang nanay ni Calvin na nagiiyak. Wait, what? Bigla nalang akong tumakbo papunta ron sa hindi ko malamang dahilan at nakita ko si Calvin na bali ang leeg at wala ng buhay pero ang ikinagulat ng lahat ay nakalutang siya sa ere. How the hell did this happen?

I'm still in shocked sa nangyare, meron pang ibang katulad ko? Tanong ko sa sarili, at oo hindi ako ordinaryong tao, 'I can control and read people's minds'.

"Hey" tawag sakin sabay lingon ko sa nagsabi nito, si 'Zack Frei Asuncion', "Hey" tugon ko sa kanya, "Nabalitaan mo na siguro ang nangyare kay Cal?" dagdag ko at tumango naman siya, "Yeah right, he deserves it" pagkakasabi niya non ay bigla siyang ngumisi. Sinubukan kong basahin ang isip niya pero hindi ko magawa. "Stop wasting your time reading whats on my mind Mico, its useless" bigla siyang umalis at iniwan akong naguguluhan sa mga sinabi niya. Pano niya nalaman? Katulad ko ba siya? Hindi rin ba siya normal? Puro tanong ang namayani sa isipan ko ngayon.

****

Jan 09, 2017

Tapos na ang maikli naming bakasyon at may pasok na naman, nakakalungkot dahil nabawasan kami ng isang kaklase sa hindi parin malaman na kadahilanan. Natigil ang pagiisip ko ng biglang tumunog na ang bell, hudyat na magsisimula na ang una naming klase. Pumasok ang adviser namin si Miss Cynthia.

"Goodmorning class, nabalitaan ko ang nangyari kay Calvin Remoire at maging ako ay nalungkot sa kanyang pagkawala ngunit pinagtataka ko ay kung bakit siya nakalutang, wala paring makapagsabi kung pano nangyari yon kaya siguro tinago ng mga taga ospital ang tungkol dun." ngunit parang walang may pake sa pagkawala niya, lahat ay abala parin sa kanilang mga sarili. Baka dahil hindi naman nila close si Calvin, maging ako ay hindi rin pero nakakalungkot parin. Paglingon ko ay nakatingin na saakin si Zack at bigla siyang ngumisi at nilagay ang hintuturo niya sa may bibig niya, senyas na tumahimik ako sa nalaman ko.

"Dapat lang siguro sa kanya yon" nagtinginan sa kanya ang lahat. Si 'Alya Monique Sebastian' di makapaniwala ang iba sa narinig nila at ang iba naman ay mga walang emosyon na nakatingin lang sa kanya. "Anong ibig mong sabihin Alya?" tanong sa kanya ni Miss, "Tss, dapat naman talaga patay na yan nung sa--." nakatingin parin sa kanya ang lahat ng biglang tumayo si 'Blake Cardoval', "Shut up Alya" pagkakasabi niya nun ay biglang tinikom ni Ayla ang bibig niya at hindi na naipagpatuloy pa ang sasabihin. Nakaramdam ako ng kaba, parang may alam sila sa mga nangyayari. Katulad ko rin kaya sila? May kapangyarihan rin kaya sila?.

Magsasalita pa sana si Miss ng biglang dumilim ang paligid at nakita ko ang paghinto ni Miss. Para siyang naistatwa, nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto sa likuran, pati kami ay hindi makagalaw, siguro may kapangyarihan din siya na katulad ko. Nakita ko siyang dumaan sa may gilid ko, nakaputi siya at nakamaskara rin kaya hindi ko siya makilala. Papunta siya ngayon kay Alya at parang may hindi siya magandang gagawin dito, maging si Alya ay hindi makagalaw at laking laki ang mata niya sa sobrang takot. Biglang may lumabas na patalim sa kamay at isasaksak na dapat niya ito kay Alya ng biglang may yumakap na lalaki dito at sabay silang nawala na parang bula. Tumingin sakin yung nakamaskara bago may humawak sakin at bigla nalang akong napunta sa ibang lugar. Nakita ko si Alya at ang iba pang mga kaklase ko na isa isang napapadpad dito. Pagtayo ko ay may nabasa ako sa gilid

'WELCOME TO ECCENTRIA ACADEMY'