webnovel

Each Night We Are Apart

ssincerelyyours · Urban
Not enough ratings
4 Chs

Chapter 1

"WHAT IS UP, guys? Welcome back to my channel! Today, I'm with my cousin, Justin," I elbowed him, telling it's now his cue. Naintindihan niya naman ang ibig sabihin ng gesture ko so, he smiled to the camera and waved his hand.

"Yes, 'cause you are guys special, we granted your request to do the whisper challenge with her," he said.

I'm a struggling influencer. Noon ko pa pinangarap na ma-discover thru YouTube. As of now, I only have less than 2,000 subscribers. One of the reasons why I want to pursue this is because of my expenses. Hindi kami mayaman, that's why I want to help my parents. My mom is an OFW, she's been there for five years already. Being away with her sucks. May kulang, although nandito si Papa, iba pa rin yung feeling ng may nagaalagang ina.

"Thanks, Jus! Ikaw lang naman talaga ang habol ng mga subscriber ko e. Nakakaselos na," I said jokingly.

"Gwapo ko kasi," he responded, flashing his gorgeous smile.

"Sige na, naghihintay na sayo si Ate Jamie, magagalit yun sayo," I said, Ate Jamie is his girlfriend. If I'm not mistaken, mag tu-two years na sila.

"Yeah, thanks. Bye!," he said and turned his back to me.

I started editing our footages. May alam ako rito kasi most of time, puro video ang mga projects sa school and since, ako ang madalas na may laptop sa grupo, ako na ang nag-eedit.

Noon, VivaVideo lang ang gamit ko. Nakakatawa kasi may watermarks pa tuwing nagpapasa kami. Pero ngayon, Adobe Premiere na ang gamit ko. Syempre, hindi tayo magse-settle for less.

I uploaded our video noong natapos na ako. I was satisfied kasi may 5 views na sya. Maliit man, pero iba yung epekto sakin. Nakakataba ng pusong isipin na may mga naghintay para lang mapanood ako.

I also updated my Instagram account, informing my followers that my new video is up. Pagkatapos nito ay pinatay ko na ang aking laptop. I decided to go to the wet market para mamalengke ng mga kailangan namin sa bahay. Kailangan ko rin kasing bilhan ng bagong P.E. pants ang kapatid ko dahil sa masyado ng bitin sa kanya.

I grabbed my cellphone and sling bag saka nag-ayos ng kaunti. Lumabas na ako ng bahay at pumara ng tricycle. Tuwing nasa byahe, gusto ko laging naka-earphones. Ewan ko ba, ang gaan kasi sa pakiramdam. Hindi ko naririnig yung ingay sa kalsada, yung busina ng mga sasakyan at iba pa.

Mabilis lang ako sa palengke, bumili ako ng prutas, shampoo, biscuits at bigas. Ako lang ang nandito sa bahay ngayon kasi may pasok si Ana, kapatid ko. Sinigurado kong ayos na ang lahat pagdating ni papa, nagagalit kasi yun sa tuwing nadadatnan niyang magulo ang bahay.

Nagbasa muna ako ng notes ko sa Math habang hinihintay maluto yung sinaing ko. Hindi ko alam kung sa pagod ba to pero bumibigat ang talukap ng mga mata ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"IAN, naglalaro ka na naman ng apoy?," I asked my younger brother. Ang tigas talaga ng ulo.

"Kuya, look! I know how to light posporo na," he said smiling, as if he didn't do anything wrong.

I snatched the matches to him and put it inside my pocket. He's just seven for Pete's sake!

"Kiddo, I told you not to touch this right? Saan mo yon nakuha?," I asked him. He looked at me and pout his lips.

"Nakita ko pong nakalagay sa may guard house kanina. Sorry po," he said.

"Sige na, go back to your room," I ordered. Hindi na naman sya nagpumigil at umakyat na sa kanyang kwarto. I also went to my room and opened my laptop.

I smiled. She posted a new video.

"JOECEL!," Napaangat ako sa pagkakatulog ng marinig ko ang sigaw ni papa. I heard him searching the house and opened my room's door.

"Nasunog na yung sinasaing mo! Ano ba naman yan, Joecel? Ang laki laki mo na, puro ka pa rin kapalpakan!," I made him mad again. I sighed.

"Sorry, pa," I looked down. I went to our kitchen and checked the rice. Napalayo ako sa kaldero dahil kumalat ang sunog na amoy nito.

Nilagay ko sa plato ang bandang nasa gitna dahil hindi naman ito masyadong naapektuhan. Nagsaing na lang ako ulit para mamaya. I heard the door opened. Lumabas si papa, maninigarilyo na naman siguro.

I decided to stay in the kitchen para hindi na ulit masunog, baka ma-strike two ako nito, lagot na. Habang naghihintay, sakto namang pagdating ng kapatid ko.

"Hi, ate! Maaga ang uwian namin kasi maaga rin po kaming dinismiss ni Ma'am, meeting daw," she explained.

I smiled. "Magbihis ka na, kakain na tayo," sagot ko.

Pinatay ko na ang apoy at pumunta sa labas. Tama nga ako, nagsisigarilyo na naman si papa. Tinawag ko sya para makakain na kami pero hindi raw sya sasabay, mamaya na.

"Kumusta ang school?," tanong ko kay Ana habang kumakain.

"Ayos naman ate, marami lang kaming assignments pero keri naman," sagot niya.

Nagkuwentuhan lang kaming magkapatid tungkol sa nangyari sa kanya kanina. Nang matapos kami, akmang liligpitin ko na nag pinagkainan pero pinigilan ako ni Ana.

"Ako na ate, kaunti lang naman. Doon ka na sa kwarto mo," she said.

Hindi na ako nagkumento pa dahil talaga namang pagod na rin ako. Pagkatapos mag toothbrush at mag hilamos ay dumiretso na ko sa aking kwarto.

I checked my YouTube account. Marami ng likes and comment ang video ko. Pero isa lang ang hinanap ng mga mata ko.

Napangiti ako. Hindi ako nagkamali.

Hello, gorgeous! It's good to be back, huh?