11 Gentle 10

Kinakabahan ako habang nakahawak sa kanyang kamay. Nakapulupot ang kamay ni Kalon sa aking bewang. Papunta kami sa pwesto katabi nila Ella.

Pagdating namin sa kanila. Nakipag beso beso ako kay Ella at umupo sa tabi nito. Kanina pa nagsisimula ang party. Na late kami dahil matraffic ngayon araw.

Nanatiling naka akbay sakin ang kamay ni Kalon habang ang isa naman ay naka intertwined sa isa kong kamay. Hinahalik halikan ito kaya lahat ng katrabaho ko na nadaan sa pwesto namin ay may pang aasar at kilig sa mukha nila. Syempre hindi mawawala ang masasamang tingin ng mga fans ni Kalon.

"Are you bored?" mariin ang tingin nito sakin habang nasa labi ang kamay ko

Hindi ko maiwasang kiligin. Ramdam na ramdam ko ang kiliti sa tyan ko.

Umiling lang ako at iniwas ang tingin sa kanya. Samin dalawa palagi ako ang nabawi ng tingin dahil hindi kaya ng puso ko ang kumikining na mata nya habang nakatingin sakin.

Masyado akong kinakain ng kaba dahil sa pagmamahal na nararamdaman ko sa mata nya. Masyadong malakas ang epekto nya sakin.

Na kahit hindi pa namin sinasabi sa isa't isa ang salitang mahal kita. Sa tingin nya pa lang ramdam ko na ito.

Hindi kami nakisali sa mga pa games dahil kami ang pasimuno. Walang ka thrill thrill kung makikisali pa kami. Kami din ni Ella ang bumuli ng mga prizes na matatanggap nila. Talagang pinaghandaan namin ang araw na ito.

Tumayo lang ako ng niyaya nya akong sumayaw. Dahil sa pagkain namin sya na ang nag ayos. Inaasar pa ko ng nila Severy na sadyang dumaan sa pwesto ko. Nang makita nilang umalis saglit si Kalon sa tabi ko.

"Ayaw bitawan."

"Engeng hair Aira!"

"Sana ol!!" sabay na sabi nilang tatlo

Natawa na lang ako habang pinapanood silang pumila para kumuha ng pagkain.

"Hey." masuyong tawag nito sakin

"Hi." nakangiting ganti ko ng nagpangiti lalo sa kanya

How can someone make me feel this so much love?

Hinila nya ko palapit sa kanya. Na para bang kulang pa ang ganitong lapit. Humiling ako sa kanyang dibdib at niyakap na sya habang nagsasayaw kami sa romantikong musika.

Rinig na rinig ko ang tibok ng kanyang puso ko. Mas rinig ko pa ito kesa sa musika sa hotel.

How can someone make me feel contented?

How can his embrace make me feel safe?

Hindi na namin tinapos ang party.

"Wala ka talagang balak bitawan ako?" nanunudyo kong tanong habang nakatingin sa kamay namin na magkahawak.

Nasa loob na kami ng kotse. Magmula nung natapos kaming sumayaw hindi na nya binitawan ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero mas gusto ko ito hindi ko lang pinapahalata.

Hinalikan nito ang kamay ko bago sumagot. "No." nagkibit balikat na lang ako habang hinahayaan syang magmaneho ng isang kamay lang

Katahimikan ang nanayig samin. Katahimikan na nakakakalma. No awkwardness between us.

Napatingin ako sa kamay namin at napangiti. Hindi mapigilan na ilapit ang kamay nya sa labi ko upang halikan. Na nagpatigil sa kanya.

"What the!" nanlaki ang mata nito habang nakatingin sakin

Namula ang pisngi ko ng makita ang mariin na tingin nito. Na parang sinasabi na hindi na ko makakawala. Na mas hinila ko sya papalapit sakin dahil sa ginawa ko.

Nanatili ang tingin nya sakin. Walang pake sa mga sasakyan na nag iingay sa likod namin.

*toktok*

Tumingin kami sa lalaking galit na nasa labas ng kanyang sasakyan at kumakatok sa amin.

Hindi nya ito pinagbuksan at pinaandar ang sasakyan habang naiwang nakatingin sa amin ang lalaki.

Napailing na lang ako sa ginawa nya. "Ang bad mo!"

"Sa ating dalawa, ikaw ang mas bad. Patay ka sakin mamaya." tumingin lang ito saglit at ngumisi habang nagmamaneho.

Sinamaan ko lang ito ng tingin. Nakaupo kami sa couch sa sala ng condo ko. Lagi na sya dito. Dito na din sya natutulog pero madalang lang na magtabi kami. Minsan kasi pag naiinis ako sa kanya. Sa couch ko sya pinapatulog. Minsan lang madalas ang minsan.

Hinalikan lang ako nito sa labi at natatawang pinisil ang ilong ko.

"Yan ka na naman!" saway ko dito.

"My baby is so cute." hinalik halikan nito ang mukha ko habang masuyong nakatingin sakin

How can someone can have that kind of stare?

Hindi nya ba alam na masama ang tingin nya? Hindi nya alam kung anong epekto sakin ng tingin nya.

Inayos nya ang magulo kong buhok, nilagay nya sa likod ng tenga ko

"Hmm.... Ang haba na ng buhok ng soul ko." ngumiti ako dito at hinalikan ang pisngi nya

"Gusto mo bang magpagupit na ako?" umiling ito at siniksik ang mukha sa leeg ko

"Nakikiliti ako." saway ko ramdam ko kasi yung maliit na halik na nilalagay nya sa leeg ko

Nagtagal sya ng ilang minuto sa ganong pwesto. Umayos ito at tinapat sakin ang mukha.

"Hmm...." habang masuyong nakatingin sakin. "I love you." nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa ulo nyong lumalapit sa akin

The next thing I know, we're kissing each others lips.

Nagising ako ng may naramdaman na may nakapatong sa tyan ko. Umikot ako at nakita ko payapa nitong mukha.

Nakangiting sumiksik ako dito. Nanlaki agad ang mata ko ng mapansin na naka topless ito. Lumayo ako ng konti upang silipan ang kalagayan ko. Nakahinga ako ng makitang naka damit pa din ako at may short sya. Sadyang wala lang pang itaas.

Hinalik halikan ko ang pisngi nya habang tulog. Hindi ko maiwasan lalong mahulog sa kanya.

Sobra sobra ang respeto na pinaparamdam sa akin ng taong ito. I know we both can't handle the emotion we felt when we kiss. But he manage to stop before we do something we both regret.

Magmula kasi ng nag open up ako dito na ayokong nakikipag sex. Or wala akong hilig dito dahil masyadong traditional ang nasa utak ko. Mas malakas ang will ko na ikasal muna bago mangyari ang bagay na iyon.

Kahit naman naging panget ang pakikitungo ng family ko sa akin. May galang pa din ako sa sarili ko. Hindi ako yung tao na ipapahamak ang sarili dahil lang pakiramdam ko na walang nagmamahal sa akin.

Umalis na ko sa tabi nya upang maghanda ng pagkain namin para mamaya.

Aalis din kasi agad kami para sa outing na hinanda ng company. Masyado akong excited sa pupuntahan namin dahil sa outing may taga ayos na sila Sir Keres kaya wala kaming alam ni Ella kung anong mangyayari sa loob ng tatlong araw.

Kalalabas ko lang sa bathroom ng makita kong nagising na si Kalon. Tumingin agad ito sa akin at ngumiti.

"Morning." paos na bati nito

Lumapit ako at tinulungan itong tumayo

"Kumilos ka na. Male late na tayo." tinulak ko agad ito papasok ng bathroom

"Someone's seems excited."

Naka ready na lahat ng gamit namin kaya kumain lang kami at bumyahe papunta sa parking lot ng company. May bus kasing gagamitin kaya no hassle talaga sa mga may sasakyan man o wala.

Hinanap agad ng mata ko sila, Hyeri at nakita ang mga ito na nakaupo sa tatluhang upuan.

"Hello girl!" tawag pansin sa akin ni Hyeri.

Naka upo sa bintana si Severy habang nasa gitna naman si Eilan na mukhang natutulog. Nasa daan side naman si Hyeri na alive na alive ang aura. May nakasabit pang camera dito.

Lumapit ako dito at natatawa dahil kinukuhaan ako ng pictures habang naglalakad

"Baka naman ma full na agad yan."

"Grabe ka! Dinelete ko na lahat ng naka save dito para lang wag mangyari yun."

Hinala ako nito at nagpictures kami sa loob ng bus. Habang pinagtitripan naman sila Eilan at Severy na antok pa. Konti pa lang ang tao sa bus. Kaya malaya kaming nagagawa ang gusto. Mamaya pa kasing 8 ang alis. Kanina pa kong 5 gising. 1 hour pa bago kami umalis.

Pumwesto kami malapit sa dulo. Nilagay ni Kalon ang maleta sa dulo ng bus. Habang bitbit ko naman ang sling bag ko at may isa pa syang bag na bitbit.

Maraming stop over na nangyari dahil sa patay gutom namin na kasama. Mabuti na lang at hindi bad mood si Sir Keres kaya nagagawa ng iba ang mag ingay. Palibhasa kasi na kay Ella lang ang atensyon ni Sir.

Nang dumating ang tanghalian. May stop over ulit na nangyari pero ngayon ay naghiwa hiwalay kami at babalik pagtapos ng isang oras.

Sumama samin sila Severy. May libre pa silang lunch dahil sila Kalon ang nagbayad. As silang dalawa ni Sir Keles dahil hindi nagpaawat si Kalon.

"No. I insist." pamimilit ni Kalon

Tumingin naman sa akin ang tatlo na parang nanghihingi ng tulong. Umiling lang ako. I respect Kalon decision kaya kahit sa simpleng ganyan hinahayaan ko na lang sya.

Hindi ko naman kasi sya ginawang partner para maging alipin ng mga salita ko. Ginawa ko syang partner dahil mahal ko sya. If he respect me and my decision. I also respect him. It's a give and take relationship.

Kaya tumingin kay Ella ang tatlo. Napabuntong hininga na lang si Ella.

"Honey, let him be." masuyong sabi nito

Bagsak ang balikat ni Sir at pumayag sa gusto ni Ella. Kaya ang dalawa ay pumila, sumama si Kalon para makasigurado.

"Bakit hinayaan mo lang si Kalon?" tanong agad ni Hyeri pag alis ng dalawa

"I respect him." maikling sagot ko

"Pero infairness ha," pambibitin nito at tumingin kay Ella "tiklop sayo si Sir." umiling kaagad ito

"Hindi totoo yan. Sadyang minsan lang ako makisawsaw sa gusto nya. Kaya once na nakiaalam na ako sinusunod na nya ang desisyon ko." halata ang hiya sa mukha nito

Sabay na napabuntong hininga ang tatlo

"Sana ol."

"Grabe! Literal na third wheel na third wheel ang ganap natin." may diin na sabi ni Eilan na ikinatawa namin

"Last mo na yan!" saway ni Hyeri na late maka gets sa joke ni Eilan.

Tahimik lang ang pagkain namin. Pero hindi maiiwasan ang pang aasar sa mukha ng third wheel kapag inaasikaso kami ni Ella ni Sir at ni Kalon.

avataravatar