1 Sweet Dream

Sa loob ng men's restroom ng unibersidad ay naroon ang binata na si Dawon. Nasaloob ito ng isa sa mga cubicle habang sumusuka. Mayroon pa siyang hang over dahil sa inuman ng mga tropa kagabi.

Paglabas niya sa sink ay nandoon ang dalawang kaklase.

"Oh? Akala ko naman kung sinong manong ang wagas sumuka sa loob, ikaw lang pala." Sabi ni Logan.

Nasa sink ang mga kaklase na sina Marco at Logan habang naghuhugas ng kamay. Nagtawanan ang dalawa at maging si Dowan ay natawa rin sa bungad ng mga kaklase. Nag-bro fist ang tatlo at tinapik ni Marco sa balikat si Dowan.

"Ano ba kasing ginawa niyo kagabi at may hang over ka pa rin?"

"Nagkayayaan lang kami ng mga tropa ko kaya marami rin kaming nainom. I was really drunk last night." Sagot naman ni Dowan.

Di makapaniwalang nakatingin sa kanya si Logan. "Pero sa laki ng katawan mong 'yan, dapat hindi ka nagkakahangover ng ganyan!" Maligalig nitong sabi.

Humilig si Marco sa sink at ngumuso. "Pano ba yan? Mukhang magkakasiyahan tayo mamayang gabi? Pano na iyan eh may hang over ka pa? Anlaki laki ng katawan mo pero madali kang tamaan."

Sa isip isip ni Dowan ay wala siyang pakialam kung pagusapan man ng dalawa ang malaking pangangatawan niya. Batak kasi ang mga muscles nito at alaga sa gym. Hindi kapanipaniwala na pagdating sa inumin ay mabilis itong tamaan at madalas na nagkakaroon ng matinding hang over.

Dahil rin sa magandang hubog ng katawan ng binata ay maraming babae ang lumalapit sa kanya at nagpapapansin. Hindi na iyon maipagkakaila dahil gwapo rin si Dowan. Wala siyang lahing banyaga at purong pinoy ang dugo niya pero napakakisig niya para sa karamihan.

Pero ano nga naman ba kasi ang magagawa niya kung madalas siyang magka hang over? Sadyang matapang lang talaga ang mga alak na iniinom niya. At isa pa, kapag may inuman, lahat ng binigay na alak sa kanya ay iniinom niya. Matindi kung makipag-inuman ang binata.

Sabay sabay na rin silang lumabas ng restroom at dumiretso na para sa susunod na klase. Nauna nang naglakad sina Marco at Logan dahil pinapakiramdaman pa ni Dowan ang masakit niyang ulo na para bang binibiyak.

"Excuse me,"

Isang malambing na boses ang umagaw sa atensiyon ni Dowan. Nilingon niya ang babaeng nakatingin sa kanya na animo'y nag-aalala para sa binata.

"Ayos ka lang ba?"

"A-ah, oo, a-ayos lang ako." Nauutal na sabi ni Dowan.

Oh, fuck... she's hot! Napamura siya sa isip nang makita ang mukha ng babae. Wala itong makapal na make-up ngunit lumilitaw ang maputi at makinis nitong balat. Napakaganda niya. At ang ganitong tipo ng ganda ang hinahanap hanap niya. 'Yung simple lang pero nakakahalina. Maliit lang ang babae at sa tantiya ni Dowan ay hanggang balikat niya lang ito. That sexy body, damn! Hindi rin nakatakas sa mga mata ni Dowan ang nakakaakit na kurba ng dalaga dahil sa suot na fitted dress.

Tumawa ang babae sa natigilang reaksiyon ng kaharap na binata. Samantalang si Dowan ay lalong nahalina sa simpleng pagtawa ng babae.

"Hindi mo ba ako naaalala? Nasa magkaparehong class tayo, 'di ba? At magkatabi pa tayo sa upuan!"

"T-talaga?" Di makapaniwalang sambit ng binata.

"Tingin ko nga nagii-space out ka kaya hindi mo man lang ako napapansin."

"G-ganun ba? Pasensiya na.."

Hindi alam ni Dowan kung bakit siya nauutal sa kaharap ng dalaga. Hindi kasi maipagkakaila na angat ang ganda nito kumpara sa pangkaraniwang mga kolehiyala na laging may makapal na make-up sa mukha. Dagdagan pa ng balat nito na kulay gatas at itim na itim na buhok nito na hanggang balikat kaya naman hindi maiwasan ni Dowan ang mapatitig.

"Huh? Oh, ayos lang." Sabi ng dalaga.

Hindi man lang napansin ni Dowan na mayroon pala siyang katabing magandang babae kaya ganoon na lamang ang pagkainis niya sa sarili at sa masakit niyang ulo. Shit, how dumb I am not to notice this young woman?! Lahat ng 'to ay dahil sa hang over niya.

Naging conscious si Dowan sa kanyang hitsura kaya naman pinagmasdan niya ang sariling repleksiyon sa marmol na pader. Is my hair in proper place? I should look good in front of her.

"Meron nga pala akong soft pad para sa sakit ng ulo. Bibigyan kita ng isa." Binuksan ng dalaga ang dalang maliit na pouch at inilabas ang isang medicine pad. "Alam ko kung saan dapat 'to ilagay para mas epektibo."

Sinenyasan ng dalaga si Dowan para lumapit at para mailagay na ang soft pad sa ulo ng binata. Hindi na nagawang yumuko pa ni Dowan para lumapit dahil naiilang siya sa dalaga na kaharap. Pero mas lalong nanigas sa kinatatayuan si Dowan nang ang dalaga na mismo ang lumapit at sumubok na tumingkayad para ilagay ang soft pad.

Habang papalapit ang dalaga ay hinihiling ni Dowan na sana'y hindi siya nangangamoy alak. Dahil kung sakaling ganoon, nakakahiya 'yon para sa kaharap na magandang dilag.

"Whoa..! matangkad ka talaga!" Nakangiting sambit ng dalaga habang pinapasadahan ang kabuohan ng binata.

Nang makalapit ay doon napansin ng dalaga na hanggang balikat lang siya ng binata.

"Gaano ka katangkad?"

"186 centimeters," Sagot ni Dowan.

"Wow, angswerte mo naman!"

Hangad din ng dalaga na magkaroon siya ng mas mataas na height para mas mahing kumpiyansa siya sa sarili. Madalas kasi siyang napagkakamalan na high school student dahil sa height niya.

"Tingin ko hindi kita maaabot. Kailangan mong yunuko."

"Yeah, sure." Yumuko si Dowan paraaabot ng dalaga ang kanyang ulo. Magkapantay na ang kanilang mga tingin.

Bago pa man mailagay ng dalaga ang soft pad ay narinig nila ang ang boses ni Logan. "Oy oy, ano 'yang ginagawa niyo? Wag kayong ganyan! Nasa public place kayo, eh!"

"Sino yang bata na 'yan? Oy, Dowan! Bata pa yan, huy! Pumili ka naman nang naaayon sa edad mo." Pasaring ni Marco.

Kumunot ang noo ni Dowan at masama ang tingin nang bumaling sa dalawang kasama na hindi pa pala nakaalis. Gusto niyang umalis nalang ang dalawa at wag nang mang istorbo pa.

"Alam niyo, hindi magandang magsabi ng mga ganyang bagay. Mga malisyoso." Sambit ng dalaga.

Napatitig muli si Dowan sa dalaga dahil mayroon din itong tinatagong katapangan. Akala niya ay hindi ito pumapatol sa mga ganoong kalokohan. Pero kaya nitong ipagtangol ang sarili.

Napansin naman nina Marco at Logan ang masamang tingin na pinupukol ni Dowan kaya naman dumiretso na ang dalawang 'to paalis.

"Madalas ka rin bang makarinig ng ganoong mga komento?" Sabi ng dalaga habang binubuksan ang soft pad. "Kapag nakikita nila ako, lagi nilang simasabi na maliit ako, pandak, o kaya mas bata sa edad ko, pinapalampas ko nalang. Di ko nalang pinapansin kapag isa o dalawang beses 'yung nangyayari. Pero pagpaulit ulit nalang, hindi ko na naiiwasang magsalita."

Nang matanggal ang nakadikit sa soft pad ay marahan itong dinikit ng dalaga sa likod ng tainga ni Dowan.

"Bakit kaya kailangan pa nilang husgahan ang tao dahil lang sa hitsura? Sa totoo lang, naiinis ako 'don." Ani ng dalaga.

Nakangiti lang si Dowan hanggang sa mailagay na ang soft pad sa kanya. Namamangha siya sa ugali ng taong kaharap. Marunong itong magbigay ng sariling opinyon mula sa mga bagay bagay.

"You're right..." Ani Dowan.

"Ayan, okay na! Tara na," Masiglang sabi ng dalaga nang matagumpay na nailagay sa binata ang soft pad.

Nauna nang maglakad palayo ang dalaga para sa klase nila ngunit naiwan lang na nakatayo si Dowan at nakatingin sa kaklase.

"You're name...?" Nahihiyang tanong ni Dowan.

Lumingon ang dalaga at nagpakawala ng isang ngiti na muling naghatid ng kakaibang pakiramdma kay Dowan.

"Hmm?" Inosenteng tanong ng dalaga.

"What's your name?"

"Ah, ako si Isabela!"Masiglang sabi nito. "At ikaw?"

"Ako si..."

"Dowan!"

Napamulat si Dowan mula sa isang panaginip. Napanaginipan na naman niya ang unang araw na pagkikita nilang dalawa. Ang tagpo na iyon ang madalas niyang nakikita sa tuwing ginagambala ang isip niya ng mga tanong kung paano haharap sa panibagong umaga.

Tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ni Isabela. May masiglang ngiti sa mga labi nito habang nakatitig sa gwapong mukha ni Dowan.

Shit, umaga na naman. Iyon nalang ang tanging nasabi ni Dowan sa isip nang magising sa realidad. Kung ang karamihan ay nagpapasalamat sa panibagong araw na dumarating, hindi ganoon iyon para kay Dowan.

Bangungot kung maituturing ang sumasapit na umaga dahil alam niya na ang mga susunod na mangyayari.

I'm dead... again.

Next chapter