1 Don't Tell

Hindi ko akalain na ang hula pala ay nakakamatay. I thought it was a harmless thing to do.

Isang araw sa centro, magkakasama kaming magkakaibigan. Naghahanap ng pwedeng masakyan pabalik ng campus. Wala naman na kaming dapat daanan pa, ngunit napahinto kami dahil sa kuryosidad. Nakita namin ang isang babae.

Kilala ang babae dito dahil isa itong manghuhula. Hindi namin alam kung totoo ang hula o hindi. Hindi ko pa naman nasusubukan magpahula kasi takot ako.

At dahil sa kuryosidad namin, napagkasunduan na magpapahula kami.

Una ay si Carmela. Si Carmela, ngayon ko lang siya naging kaklase. Dahil konti kami sa section, naging magkaibigan lang din kaagad kami.

Hindi ganun kalakas ang pagsasalita ng babae. Pero sigurado ako sa narinig ko.

"May aninong nakasunod sa'yo."

Yun lamang ang narinig ko.

Hindi naman siguro mananakit ang aninong tinutukoy ng babae.

Ngunit akala ko lang pala yun. Dahil simula ng nalaman namin yun, maraming nangyaring kababalaghan.

avataravatar