2 Meet Yohan Lew 2

Tuloy tuloy ang class at inaantok parin ako. Bakit ba kasi di ako makatulog ng maayos. Lagi nalang...

*kriiinnnggg*

"Ok class dismissed"

Nagsi labasan agad yung mga kaklase namin. Gutom ako pero inaantok ako..

"Hey sleeping beauty kain na tayo." Tinapik ako ni Kris.

"Pwede bang bilhan niyo nalang ako ng pagkain ko sa canteen pleaseee.." nagmakaawa ako kay Kris at Louise.

"Kish ayaw mo ba makilala si Yohan?" Pabulong na tanong ni Louise.

"Eh hindi naman yan mawawala eh marami pang time para mameet ko siya." Sabi ko kay Louise sabay tingin kay Yohan.

Hindi niya kami pinapansin at nakatingin lang sa labas ng bintana.

"Sayang yung chance Kish!" Sabi ni Louise.

"Panong sayang? Mamayang uwian pwede naman kasama parin natin yan." Sabi ko kay Louise.

"Pagkami naging close ni Yohan ah walang sisihan."

"Bakit ako mag sisisi naman.."

"Wala naman pagsisisihan si Kish kung maging close man kayo ni Yohan nandito naman ako para kay Kish. Right Kish?" Sabay akbay sakin ni Kris.

Kahit kelan talaga napaka hangin netong Kris na to.

Tiningnan ko nalang si Kris ng masama at nabaling ang tingin ko kay Yohan. Nakatingin siya sakin..

Kahit nakatingin na ko sa kaniya di parin umaalis yung tingin niya sakin.

"Dahil nakatayo ka nalang din naman sumama ka na." Sabi ni Kris sabay hawak sa kamay ko.

"Yohan let's go." Yaya ni Kris kay Yohan.

Agad naman kaming pumunta sa canteen at kumain. Bakit ba hindi ako masanay sanay na laging maraming nakatingin samin?

Siguro dahil nadagdagan pa kami ng isa at may itsura pa.

Pagkatapos namin kumain bumalik na kami agad ng room. Naglesson agad at mabilis na natapos ang class ewan ko siguro dahil nakinig na ko sa class kaya nabilisan ako sa oras.

"Uwian na!! Kish tara na!" Sabi ni Louise sakin habang nagliligpit ako ng gamit.

"Guys una na kayo may meeting akong aatendan eh. Ingat nalang kayo." Sabi ni Kris sabay takbo palabas ng pinto.

"By the way, Yohan you can go with Kish. Kish favor please." Sabi ni Kris sabay makaawa sakin.

"Hindi niya ba alam pauwi at kelangan pa niya sumabay?"

"Kish make friends ok. Be good love you!" Sabi ni Kris sabay alis.

"Loko ka Kris I hate you!!" Sigaw kong sagot.

"Hoy baka mamaya magkatuluyan kayo nun." Sabi ni Louise na nangaasar.

Ever since naging close ko si Kris lagi na niya kong sinasabihan ng I love you na para sakin ay normal lang. Para sakin kapatid ko na siya.

"Can we go now?" Sabi ni Yohan.

"Okay let's go."

Naglalakad na kami pauwi nila Louise. Si Yohan nasa likod lang namin hanggang sa hihiwalay na si Louise ng daan samin.

"Kish bye bye! Yohan bye!" Kumaway samin si Louise at kumaway ako sa kaniya.

"Bye ingat ka ah."

Humarap ako kay Yohan.

"Yohan let's go"

Nagsimula na ulit kaming maglakad at kapantay ko na si Yohan. Ang tahimik. Sobrang tahimik. Walang nagsasalita saming dalawa. Ilang minuto pa ang lumipas ng bigla siyang nagsalita.

"So you're my brothers girlfriend?"

"Girlfriend? No I'm not. We're just friend."

"Okay."

Bumalik sa pagiging tahimik ang paligid. Lumipas ang ilang minuto nakadating na ko sa harap ng bahay.

"Yohan bye!"

Agad akong tumalikod sa kaniya at naglakad papuntang gate.

"Kish!"

"Yes?"

"I can talk and speak in Tagalog."

"Nakakaintindi ka?"

"Oo naman."

Nakatingin lang ako sa kaniya at walang masabi.

"Sige una na ko bye."

Agad siyang naglakad paalis habang ako nakatulala sa gulat. Nakakaintindi siya ng tagalog? Nagtagalog siya? My gosh..

"Humanda ka sakin Kris!" Pabulong kong sabi sa sarili ko.

avataravatar