1 Meet Yohan Lew 1

"Kisha!"

"Louise!"

"Kisha sabay tayo."

"mmm.."

Sabay kaming naglakad ni Louise papasok ng school. Kaibigan ko na siya mula nung high school palang kami. Lahat ng kalokohan lagi naming ginagawa ng sabay. Di rin nagtagal nakarating din kami sa school. Pero bago kami makapasok ng room nakita naming maraming tao ang nakasilip.

"Anong meron ba't ang daming tao?" Sabi ni Louise habang tumitingin sa mga taong nasa labas ng room.

"Ewan ko baka si Kris lang yan. Alam mo naman yun."

Naglakad na kami ni Louise papuntang room at nakipag siksikan kami para makapasok lang. Hindi ko alam kung ano bang meron at silip na silip sila sa room namin. Konti nalang pwede na sila maging giraffe sa sobrang hahaba ng leeg makasilip lang.

"Excuse me.. excuse me.."

"Sa wakas! Nakapasok din!" Sabi ni Louise papuntang upuan niya.

Ako naman nakaramdam ako ng pagod sa pakikipag siksikan sa mga tao sa labas. Naglakad narin ako papunta sa upuan ko. Hindi ko alam kung anong meron pero alam kong si Kris lang naman tinitingnan dito sa room. Dumiretso ako sa upuan ko at natulog nalang.

"Hey, Kish!!"

"mmm..."

"Inaantok ka nanaman ba?"

"Pake mo ba..tsaka pwede ba sabihan mo yang mga fans mo sa labas na umalis na. Gusto ko makatulog please lang kahit 5 minutes lang." sabi ko. Sa totoo lang sobrang tinatamad ako. Ayoko na bumangon kanina eh.

"Hindi ko naman yan fans eh. Sa kapatid ko yan."

"Kapatid??" Inangat ko agad yung ulo ko at tumingin kay Kris. Tumingin si Kris sa may bintana. Sinundan ko ng tingin kung san nakatingin si Kris.

"May kapatid ka?" Tanong ko kay Kris ng pabulong. Wala akong matandaang may kapatid siya.

"Yes, I have.. galing siyang ibang bansa so he can only speak in english."

"Ganun, english.. nosebleed tayo niyan eh." Sabi ko sabay yuko ulit para makatulog.

"Hindi ka ba interesado?"

"Saan naman?"

"To know him. I want to introduce you to him."

"Makikilala ko rin naman siya mamaya kaya tsaka na. Ngayon gusto ko lang matulog kahit konting minutes lang ah." Yumuko ulit ako para matulog. Kaso biglang dumating yung teacher namin.

"Good morning class.."

"Good morning ma'am"

"Kish ayos na.." bulong ni Kris.

"Wala pa ngang 5 mins tsaka kayuyuko ko lang eh..kasalanan mo to kung di mo ko kinausap edi sana nakatulog pa ko." Pabulong kong sabi sa kaniya.

"Sorry ah.." sabi ni Kris sabay ngiti sakin.

"Class you have a new classmate. Mr. Lew.."

Lahat kami tumingin sa kapatid ni Kris habang papatayo siya.

"Hi my name is Yohan, Yohan Lew." Sabay bow. Habang tinitingnan ko siya ng matagal masasabi kong sobrang gwapo niya. Mas gwapo pa siya kesa kay Kris.

"Aba pinagpapantasiyahan mo na ba yung kapatid ko ah." Pabulong na sabi ni Kris.

"Anong pinagpapantasiyan loko ka ba.."

"Eh nakangiti ka na diyan eh"

"Pagnakangiti nagpapantasiya agad di ba pwedeng narealize ko lang na mas gwapo yung kapatid mo kesa sayo." Inaasar ko si Kris dahil siya yung taong mabilis maasar.

Si Kris Lew nga pala ang nagiisang pinakasikat na lalaki sa campus. Gwapo, mayaman, magaling sa sports pati sa acads, mabait etc.. Halos perfect na nasa kaniya na lahat. Pero since nandito na kapatid niya mukhang may katapat na siya.

Pero sino ba talaga si Yohan?

Kung titingnan mukhang nakakatakot siya, di approachable. Makakasundo kaya namin siya?

avataravatar
Next chapter