1 Prologue

Mabigat ang paghinga ko

Hindi ko alam kong anong nangyayari pero isa lang ang alam ko parang nangyari na ito sa akin. Nag iiba ang atmosphere, pinagpapawisan na rin ako at nanginginig ang mga kamay ko.

"Ano bang nangyayari sakin?!"inis kung bulong. Umiling na lang ako at tinungo ang bahay nya.

Habang palapit ako ng palapit sa kinaruruonan nya mas lalong lumalakas ang pintig ng puso ko. Nasa eskinita na ako at medyo madilim na rin pero may liwanag parin mula sa poste na syang nagbibigay ilaw sa daan.

Papasok na sana ako sa eskineta ng may napansin akong dalawang anino sa di kalayuan. Hindi ko alam pero na alarma ako kaya unti unti rin akong lumapit. Unti unti lumabas ang liwanag  ng buwan mula sa mga ulap kaya nakita ko kung sino ang may ari ng dalawang anino.

Unti unting bumagsak ang mga luha ko at sumisikip na rin ang dibdib ko. Akala ko ba? Di nya gagawin ang ginagawa sa akin ni Kian?. Umiling lang ako at pinunasan ang nga luha ko. Dahan dahan akong umatras sa kinatatayuan ko pero may biglang tumunog na isang nang sya ng bigay ng kaba sa akin.

NA APAKAN KO YUNG KAHOY BWESIT!!

Agad akong lumingon sa gawi nya at nakatingin na sila parehas sa akin. "S-shan!"tawag sa pangalan ko.

Walang kibo naman akong umalis ka agad at rinig ko parin ang pag tawag nya sa pangalan ko. Nakakabingi!!

"S-shan saglit! Mag papaliwanag ako!"higit nya sa braso ko.

"Wag ka nang mag aksaya ng laway mo. Sapat na yung  nakita ko para lubayan ka"matamis na ngiting sabi ko at hinila pabalik ang kamay ko. Iniwan ko sya doong tulala habang tuloy parin ang pag agus ng mga luha nya.

Wala siyang karapatan umiyak!.

"S-shan ayus ka lang ba?"nag aalalang tanong nila Kate.

Ngumite naman ako sa kanila at "Oo ayus lang ako. Diba matapang ako? Kaya bakit ako iiyak?"biro ko sa kanila. Kahit ang totoo durog na durog na ako sa loob loob ko. Iniwan naman nila ako at pumasok na sa unit nila. Oo magkatabi lang ang unit namin.

Pangtatlo ko na itong bote ng alak. Pero ewan ko ba di parin ako nalalasing, siguro ganito talaga pag wasak na wasak ka.

Kinapa ko naman sa bulsa ko ang cellphone ko at dinayal ang number ng kuya ko. "[Hello Bebe gurl? Anong kailangan mo?]"rinig ko sa kabilang linya at halata naman na nasa bilyaran na naman ito dahil sa ingay.

"Ibook mo ako papuntang America. Ngayun din"utos ko kay kuya Gian.

"[Okay bebe gurl as you wish!]"sagot nya.

"Thank you kuya and don't tell anyone na aalis ako especially to kate and Francine. Okay?"request ko sa kaniya at alam ko naman natutupad ito.

"[Okay bebe gurl!]"sigaw nya sa kabilang linya. Pinatay ko na ang linya at ibinulsa ang cellphone ko.

Tinungga ko ulit ang isang bote ng  alak at mapait na ngumeti.

"The history repeat by its self....."mahinang bulong ko.

avataravatar
Next chapter