webnovel

Chapter Two

"As punishment for skipping three of your classes yesterday. Kailangan mong linisin ang buong covered court." narinig niyang sabi ng tita niya ng ipinatawag siya sa opisina nito.

"Are you serious!?" hindi makapaniwala si Dominic sa narinig.

Akala pa man din niya ay ibinili na siya nito ng bagong phone kaya siya pinatawag sa office.

"This is not fair." galit na sabi niya rito.

"SVU has always been fair sa lahat ng estudyanteng nag-aaral rito. Hindi porke't pamangkin kita ay hahayaan ko na lang ang lahat ng mga lapses mo, Dominic."

Natawa ang binata sa narinig.

"Are you sure that you've been fair to everyone?"

"Yes and I have all the records to prove it to you." kampanteng sagot nito.

"How about Miss Kylee Chen's record. Let's say, from her last year's record up to now?"

Kitang-kita sa mukha ng tita niya ang pagkabigla.

"She has a special case."

"Really. Well, I will not accept that stupid punishment then unless kaming dalawa ang maglilinis ng buong covered court." anito habang nakatingin ng deretso sa tita niya with folded arms.

"No! Kylee's case is--" Kontra ng tita niya, pero naputol ang ano mang gusto nitong sabihin ng may biglang magsalita sa likod niya.

"Game!"

Napalingon si Dominic sa likod niya. Nakita niya si Kylee na nakatayo sa may pintuan habang nakangiti sa kanila. May dala itong mga folders.

"Pinabibigay po ni Miss Rosales." anito sa tita niya ng makalapit sa table nito.

"Thank you, you may now go back to your classroom." na parang nag-aapurang lumabas na ito sa opisina.

"I don't think so." si Dominic.

"Dominic!" ang tita niya habang nakatingin sa kanya ng masama.

"What?! I thought this school is fair to all of its students?"

Huminga muna ng malalim ang tita niya, parang may gusto itong e-explain pero hindi nito malaman kung papaano iyon sasabihin.

"It's fine, Miss Ganza. To be fair with everyone, ay tutulungan ko po si Dominic na linisin ang buong covered court." nakangiting sabi nito.

"You don't have to do this, Kylee. You may now go back to your classroom both of you. I'll talk to you Dominic about this separa--." pero hindi na nito natapos ang sasabihin dahil sa pagkagulat nito ng bigla na lamang hilahin ni Dominic si Kylee palabas ng opisina. "Dominic!"

***

"Wait!" Hinihingal na sabi ni Kylee at huminto sa paglalakad. Gusto niyang hilahin ang kamay na hawak-hawak ni Dominic pero ayaw siya nitong bitawan.

"Parang yun lang hiningal ka na?"

"Sa haba ng binti mo, isang hakbang mo lang ay halos tatlong hakbang na ang katumbas nun sa akin." aniya habang minamasahe ang dibdib. "At tsaka sinabi ko na naman sa iyong tutulungan kita hindi ba? Kaya pwede bang pakawalan mo na ang kamay ko?"

"No."

Natawa siya sa naging sagot nito.

May trust issue ba ang taong ito?

"Tutulungan kita, promise." aniya habang nakatingin ng deretso sa mga mata nito.

Umiwas ito ng tingin sa kanya bago nito pinakawalan ang kamay niya.

"Subukan mo lang akong takbuhan. I'll make sure that you'll suffer the consequences." banta nito sa kanya. Tiningnan lang siya nito saglit pagkatapos ay umiwas ulit.

"Ang harsh mo naman." aniya. "Tayo na nga sa covered court at ng matapos tayo ng maaga." aniya rito bago nagpatiunang maglakad.

Nang mapansing hindi ito sumunod sa kanya ay nilingon niya ito.

"Oh, bakit natulala ka na diyan? Ikaw yata itong may planong tumakbo eh." natatawang sabi niya rito.

Hindi siya sigurado kung ngiti talaga ang nakita niya sa mga labi nito. Dahil parang hindi man lang ata iyon umabot ng isang segundo.

"Ang ingay mo." reklamo nito at ilang segundo lang ay nasa likuran na siya nito.

"Wait!" sabay habol rito.

***

Hindi makapaniwala si Danica sa nakita niya. Habang naglalakad kanina ng mabilis upang masundan niya ang dalawa ay naglalaro na sa isip niya ang posibleng mangyari habang kasama ni Kylee si Dominic. Alin na lang sa dalawa, madatnan niyang nag-aaway sila? Which she doubt dahil likas na mabait at pasensyosa ang dalaga. Or makita niyang umiiyak si Kylee.

Pero iba ang nasaksihan niya. Ngumiti ang pamangkin niya for the first time after the accident 10 years ago. And it was so genuine that she almost cried.

Can Kylee save his nephew? Or kapahamakan ang dala ni Dominic para sa dalaga?

***

Hindi naman ganun kagulo ang covered court dahil araw-araw naman iyong nililinis ng mga janitors ng school nila pero napagod pa rin siya sa ginawa nilang pag va-vacuum sa buong floor ng covered court.

Akala niya hahayaan lang siya ni Dominic na maglinis mag-isa. Pero nagulat siya ng kumilos rin ito. Though may mga pagdadabog in between na hinahayaan na lamang niya.

Matapos silang mag vacuum ay napaupo silang pareho sa sahig.

Hindi niya napansing nakatingin pala ito sa kanya.

"Hindi ka ba nag e-exercise? Ang dali-dali mo kasing mapagod at hingalin." komento nito.

"Nag gi-gym ako noon. Pero recently ay hindi na, medyo busy na kasi sa school." aniya habang itinatali ang buhok niya. "Bakit? Ikaw ba may time ka pang mag exercise nung nag senior high ka na?"

"Well, varsity ako ng DMU Basketball Team. Hindi man ako nag gi-gym, araw-araw naman kami halos naglalaro sa school."

"Wow! varsity ka pala?" nakangiting hinarap niya ito. Hindi na niya napansin ang ilang strands ng buhok niya na hindi niya kasamang naitali.

"I'm the Team Captain to be exact." proud na sabi nito.

"Ang galing!" hindi niya mapigilang pumalakpak sa tuwa.

Kumunot naman ang noo nito.

"Seryoso ka talaga? Wala ka talagang alam tungkol sa akin?"

Umiling si Kylee.

"Aside from apo ka ng may-ari ng DMU at pamangkin ka ni Miss Ganza, ay wala na. Though may mga usap-usapan sa school na parati ka raw na e-involve sa iba't-ibang gulo kaya inilipat ka rito."

"Yun lang?"

"Bakit? May mas malala pa ba doon?" curious na tanong niya.

Natawa ito.

"Hindi ka ba nag so-social media o nanonood ng tv?"

"Social media? Hindi masyado. Though may mga accounts naman ako but I seldom open it. Sa tv naman, hindi masyado unless required kami sa klase na manood ng current events."

"Your weird." naiiling na sabi nito.

Maya-maya ay sinenyasan nito ang isang lalaking kanina pa nakatayo may pintuan ng covered court. Itatanong niya sana kung sino ito pero parang may ideya na siya ng tumatakbo itong lumapit sa kanila habang bitbit ang dalawang plastic bottles ng mineral water, towel at extra shirt.

Pagkatapos nitong ibigay kay Dominic ang mga bitbit nito ay agad itong umalis at lumabas ng court.

Nagulat siya ng ihagis sa kanya ni Dominic ang isang mineral water. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes niya kaya nasalo pa rin niya iyon kahit na nagulat siya.

"Thank you."

"You're welcome." anito.

Binuksan niya ang hawak na mineral water at akmang iinom na sana siya ng makita ng peripheral vision niya ang biglang paghubad ni Dominic ng t-shirt nito.

Kaya imbes na ang bibig ay ang mukha niya ang nakainom ng tubig.

Nagulat sila ni Dominic pareho. Parang gusto niyang maglaho sa hiya.

"Woah! Are you okay?" nag-aalalang tanong nito.

"Yeah, I'm fine." aniya habang umuubo in between.

Ibinigay nito sa kanya ang towel na hawak nito.

"It's okay, may towel akong dala sa locker." aniya habang pinupunasan ng kamay niya ang mukha niya. Ingat na ingat na hindi mapunta ang mga mata niya sa katawan nito.

Kylee...relax!

"Are you sure you want to go outside with that look?" anito sabay tingin sa dibdib niya.

"Huh?"

Nang tingnan niya ang tinutukoy nito ay nanlaki ang mga mata niya. Basang-basa pala ng tubig ang sa may bandang harapan niya. Kitang-kita tuloy ang bra na suot niya.

Parang gusto niyang magpalamon sa lupa sa tindi kahihiyan. Awtomatikong napatayo siya galing sa pagkakaupo sa sahig at tumalikod rito.

Lord, ano po bang ginawa kung kasalanan sa inyo today? Bakit naman po ganito?

Narinig niya ang bahagyang pagtawa ni Dominic.

"I've seen more and worst than that Kylee. So just chill, okay? Use this to cover yourself" Anito sabay lagay sa towel sa balikat niya.

Bago pa siya makasagot ay naglakad na ito palayo sa kanya habang nagsusuot ng t-shirt.

"Thanks for helping me by the way." anito habang kumakaway ng nakatalikod sa kanya.

Nakalabas na si Dominic ng covered court pero tulala pa rin siya habang nakatayo.

Dinama niya ang dibdib niya. Hayun na naman ang hindi niya maipaliwanag na kaba.

Napapikit na lamang siya habang sinusubukang bumalik ulit sa normal ang pintig ng puso niya.

Next chapter