1 Chapter One

"Hi!"

"Kylee! Finally, you're back!" sabay yakap ng mahigpit sa kaibigan.

"Woah! Ang intense friend ha." natatawang sabi ni Kylee ng yakapin siya ng mahigpit ng kaibigan niyang si Micai.

"Syempre naman, halos two weeks kaya tayong hindi nagkita." anito na may halong tampo.

"Sorry na, may emergency lang kasi."

"Eh bakit parang naka-schedule? Every other month na lang yata may emergency sa inyo."

Natawa siya sa sinabi nito.

"Nagkataon lang naman, sorry na." aniya rito sabay pisil sa magkabilang pisngi nito. "Teka, bakit diyan ka nakaupo?" ng mapansing hindi ito nakaupo sa tabi ng upuan niya.

"Hindi kasi kita ma contact kaya naman hindi ko naibalita sa iyong may bago tayong classmate at siya na magiging katabi mo sa upuan." medyo malungkot na sabi nito.

"Talaga?" aniya habang inaayos ang bag sa upuan niya.

"Actually, pamangkin siya ni Miss Ganza." ang tinutukoy nito ay ang prinsipal nila. "Balita ko ay na involve raw ito sa isang malaking gulo sa dati nitong school sa Maynila. Remember that university na nag offer ng full scholarship sa iyo noon?"

"You mean, Dom Masterson University?"

"Yun nga, apo siya ng may-ari ng school na yun."

"Really? Eh bakit sa school natin siya inilipat? Eh di hamak na mas malaki at sikat ang DMU compared sa Saint Vincent University. At paano naman siya naging pamangkin ni Miss Ganza?"

"From his mother's side. Nag-iisang kapatid ng mommy nito si Miss Ganza. Knowing our dear principal, I'm sure punishment sa kanya ang paglipat rito. Tiyak na 24 hours siyang babantayan ng tita niya." sabay kunwari ay nanginginig sa takot.

"Grabe ka naman, hindi naman ganun ka terror si Miss Ganza."

"Para sa mga katulad mong mabait, masunurin at matalino ay walang problema. Pero kung katulad ng pamangkin niya, tiyak na Martial Law ang mangyayari. Kaya siguro mas pinili nitong maging matandang dalaga. Natakot magkaroon ng anak na katulad ng pamangkin niya. Balita ko kasi, ay walang linggo na hindi ito na e-involve sa gulo. Remember the infamous DMU's Badboy Prince? Siya yun, yung halos everyday ay nag te-trend sa twitter."

"Hmmm...not sure. Hindi naman kasi ako nag so-social media. Pero parang familiar."

"I'm sure kung hindi rito sa school ay sa tv mo narinig yun. Ilang beses rin kasi siyang laman ng news dahil sa involvement nito sa iba't-ibang gulo."

"Ganun siya ka lala?" hindi makapaniwala si Kyline sa mga nalaman tungkol sa bago nilang ka-klase.

Tumango naman si Micai.

"Kaya naman huwag na huwag mo siyang kakausapin, okay? As if wala kang katabi, as if hindi siya nag e-exist." seryosong bilin nito sa kanya. "No worries, parati lang naman yung natutulog sa klase at tsaka takot rin ang mga teachers natin na sitahin siya."

"Okay po." aniya upang mapanatag ang loob nito. Kahit na para sa kanya ay medyo exaggerated naman ang pagkaka-describe nito sa bago nilang ka-klase. Parang mahirap naman kasing paniwalaang may ganung klaseng tao. "Ano nga pala ang pangalan niya?"

"Everyone called him Dom. But his real name is Dominic Ocampo.

Para siyang may biglang naalala sa binanggit nitong pangalan.

"What's his name again?" tanong niya ulit sa kaibigan.

Pero imbes na mukha ng kaibigan ang nasa harapan niya ay biglang mayroong humarang sa harap niya at pagkatapos ay padabog na umupo sa tabi ng upuan niya.

Gulat na napatingin siya sa katabi, habang ito naman ay yamot na nakatingin sa harapan.

"Don't bother to know my name. I'm not interested to make friends or to be close to anyone in this school."

So, this is DMU's Badboy Prince.

Hindi niya mapigilang ma-curious sa bagong ka-klase. Refreshing kasi ang dating ng character nito sa kanya.

Gusto niya sana itong sagutin pero naalala niya ang sinabi ni Micai. To act as if he doesn't exist para iwas gulo na rin.

And so, huminga siya ng malalim at tsaka tahimik na tumingin sa harapan.

Kahit nasa harap ang mga mata niya, ay ramdam niya ang pagbaling ng tingin nito sa dereksiyon niya.

"Hindi ko alam na tino-tolerate pala ng school na ito ang mga estudyanteng pumapasok lang kung kailan nila gusto. I can't believe I was transferred to this school." in a mocking voice.

Pagkatapos nitong magsalita ay narinig niyang nagbulungan ang mga ka-klase nila.

Pumikit siya saglit at nag-bilang hanggang sampu bago ito hinarap. Parang gusto niyang matunaw ng magtama ang mga mata nila but thank God she was able to pull herself together.

"Are you talking to me?" kalmadong tanong niya rito.

Napangiti ito in a mocking way. Hindi nito sinagot ang tanong niya. "Two weeks na akong pumapasok rito but ngayon lang kita nakita. Kinakausap mo ang ilang estudyante dito sa loob. That means, hindi ka new student." anito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya. "So alin na lang sa dalawa, na aksidente ka at na hospital for almost two weeks? Or trip mo lang talagang hindi pumasok." puno ng pang-iinsultong sabi nito.

Hindi siya makapaniwala sa mga lumabas na salita sa bibig nito. Bago pa siya nakasagot ay bigla na lamang itong tumayo.

"F**k!" anito bago naglakad palabas ng classroom.

"Mr. Ocampo, where are you going?" tanong ng adviser nilang kakapasok lang. Pero para itong walang narinig.

Napapikit si Kylee sabay hawak sa dibdib niya. First time niyang makaramdam ng pinaghalong emosyon. Ngayon lang din siya nakaranas na kausapin ng ganun. Para tuloy gustong sumabog ng puso niya.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Micai sa kanya.

"I'm okay."

***

"I can't believe sa school na pinili niyo mom. Akala ko ba ay gusto niyo akong tumino." Si Dominic habang galit na kinakausap ang mommy niya sa phone. "Students here are worst than DMU at tino-tolerate naman ng school ang mga bad practices nila."

"Are you sure with what you're talking about? Because that is not what your Tita Danica told me. And besides, diyan kami nagtapos ng tita mo kaya alam ko kung anong klaseng skwelahan ang SVU. So whether you like it or not, ay diyan ka magtatapos ng senior high. At kapag hindi ka pa rin tumino ay sa abroad ka mag co-college. And don't you dare bring your friends from DMU sa San Vincente, Dominic. Kung ayaw mong ipadala kita agad sa US." anito bago pinatay ang tawag.

"Damn!" anito sabay hagis ng phone nito sa sahig.

"Ang sabi sa akin ni Miss Rosales ay hindi ka raw pumasok ngayon sa klase niya, pati na rin sa klase ni Mr. Santos at Mr. Gonzaldo. Care to tell me what happened?" kalmadong tanong ng tita niya habang naglalakad patungo sa office table nito.

Dahil sa tindi ng inis ay hindi na niya napansin ang pagpasok ng Tita Danica niya sa loob ng opisina nito. Kung saan kanina pa niya hinihintay.

"I want to go back to Manila, now."

Walang emosyong tiningnan nito ang basag na cellphone sa sahig.

"No, you can't." with full authority na sagot naman nito. "Kung kaya mong laruin sa mga kamay mo ang mommy mo, well ako hindi."

"That's bullshit! Well, I don't really need your permission. Nagpunta lang ako rito to inform you anyway and not to get your approval." aniya sabay talikod rito.

"Oh really! That's interesting dahil one week ago ay pina-stop ng mommy mo ang lahat ng credit cards mo and access mo to all your bank accounts. So alin na lang sa dalawa, maglalakad ka pa uwi ng Manila? Or lalanguyin mo? Unless you have the power to fly."

"You're just joking right?!" galit na baling nito.

"Why? Do you find it funny? Well, I have another joke for you my dear nephew. Sa akin mang-gagaling ang lahat ng financial assistance na kakailangan mo habang nasa poder kita. Which will depend on how you behave. At dahil sinira mo ang cellphone mo for no valid reason, starting today ay kailangan mo ng sanayin ang sarili mo ng walang phone. Unless maawa ako sa iyo ay maisipan kung bilhan kita ng bago."

Halos maglabasan ang lahat ng ugat nito sa leeg sa tindi ng nararamdamang galit.

"I hate you and mommy! Pare-pareho lang kayong lahat! Sana ay sumama na lang ako kay Daddy! Sana ay hindi na lang ako gumaling! Sana ay hinayaan niyo na lang akong mamatay!" puno ng galit na sabi ni Dominic rito bago lumabas at pabalibag na isinara ang pintuan ng opisina.

Agad namang lumambot ang ekspresiyon sa mukha ni Danica ng makalabas si Dominic sa opisina. Naaawa siya sa pamangkin, alam niya kung saan nanggagaling ang galit nito at naiintindihan niya iyon. Pero kailangan nilang maging mahigpit ng kapatid niya ngayon. Matagal na nila itong tino-tolerate at kung hindi nila ito magawang baguhin ngayon. Paano na lang ang kinabukasan nito? Mukhang wala naman kasi itong gustong gawin kung hindi ang sirain ang buhay nito. Mahirap man pero kailangan nilang subukan. Alang-alang sa kinabukasan ng pamangkin niya.

***

Napaupo sa sahig si Kylee sa gulat. Ihahatid niya sana kay Miss Ganza ang report na kailangan nito from their adviser pero laking gulat niya ng biglang bumukas ang pinto ng opisina nito at lumabas si Dominic. Halos mabingi siya sa lakas ng pagsara nito ng pintuan.

"What are you doing?" inis na tanong nito sa kanya ng makita siya nitong nakaupo sa sahig.

"What do you think?" tanong niya rin rito habang inaayos ang sarili para makatayo.

Hindi man lang nag sorry?

"Are you really this clumsy? Or you're just doing this on purpose?" anito habang nakatayo sa harap niya with folded arms.

Wow! Gwapong-gwapo sa sarili?

Hindi siya ang klase ng tao na madaling mainis dahil katulad ng Daddy George niya, ay kasing haba at tibay yata ng Great Wall of China ang pasensiya niya. Pero parang itong tao yata sa harap niya ang susubok sa tatag ng pasensiya niya.

Nang sa wakas ay makatayo siya, ay hinarap rin niya ito.

"Hindi ko alam kung saan nanggagaling yang kayabangan mo. I have friends from DMU pero hindi naman sila ganyan kayabang. And Miss Ganza is also a nice peron. For sure pati na rin ang parents mo. So it only means, mayabang ka lang talaga." aniya rito.

Pero napa-atras siya ng makita ang biglang paniningkit ng mga mata nito at ang unti-unti nitong paglapit sa kanya.

"You don't know anything about me and my family. The next time I'll hear you say things like that. I'll make sure that you'll suffer." Anito na may halong pagbabanta.

Bago pa siya makapagsalita ay nawala na ito sa harap niya.

Kung ibang tao siguro ang nakarinig ng mga sinabi nito sa kanya ay tiyak na manginginig na ang mga ito sa takot, knowing his background in DMU. But not her, instead of fear ay mas nanaig ang curiosity niya kay Dominic. Kakaiba kasi ito sa lahat ng lalaking nakilala niya.

And also, she has this weird feeling rin kanina pa. Para kasing nagkakilala na sila nito noon pa man. Though, wala naman siyang naaalala.

Haist!

Kababalik lang niya ng school pero parang exhausted na agad siya sa dami ng nangyari.

Focus, Kylee. Dominic Ocampo is obviously a red flag to your simple yet happy and peaceful life. Kung gusto mo ng tahimik na buhay, iwasan mo siya. Okay?!

"Okay!" aniya sa sarili.

Kaya naman inalis niya na lamang sa isipan ang tungkol kay Dominic at nakangiting pumasok sa loob ng opisina ni Miss Ganza.

avataravatar
Next chapter