4 Chapter 3: Mr. President

Kristine's POV

" Manager mauna ka na muna, naiwan ko kasi yung purse ko sa kotse " sabi ko sa manager ko, andito na kami ngayon sa LeXin (modeling agency) , pangalan ng company ..

" Ipakuha mo na lang kay manong Eddie, alangang bababa ka nanaman eh nasa 17th floor na tayo " sagot naman niya

" Hindi na manager, ako na lang ang bababa, atsaka matanda na rin si manong Eddy baka mapagod " pagrarason ko pero ang totoo niyan hindi talaga ako mapakali parang may mangyayaring masama mamaya or .... basta!! hindi ko maintindihan ..

" Oh siya basta bilisan mo lang " tumango na lang ako

Nang makarating na kami sa 30th floor lumabas na si manager Joyce at sinabihan nanaman ako na bilisan ko daw. Tumango na lang ulit ako at ngumiti ng alanganin. Pinindot ko na ang floor ng basement dahil doon nakapark ang sasakyan namin. Pagkarating ko sa basement kinuha ko na agad ang purse ko sabi pa ni manong Eddy sana daw siya na lang daw pero sabi ko naman sakanya na ako na lang ang bumaba baka kasi mapagod siya , ngumiti lang si manong Eddy .

Nagpaalam muna ako kay manong Eddy bago pumunta sa elevator. Habang papataas ang elavator at papalapit na sa 30th floor parang hindi ulit ako mapakali ' What the hell Kristine kumalma ka nga !! '

25

26

27

28

29

30

*TIIIIINNGG*

Pagkalabas ko huminga muna ako ng malalim ...

" Ma'am do you have an appoitment with Mr. Henderson? " bahagya akong natulala sa sinabi ng secretarya.... unti unting nagproprocess sa utak ko ang sinabi niya ... Henderson !?! No way !! pero hindi naman siguro marami namang Henderson sa mundo, right?? at kung siya man yun ano naman kung siya nga??

" Uhmm Ma'am I'm asking you if you have an appointment with Mr. Henderson. " ay oo nga pala

" Ha ?? Uhmm Yes, " sabi ko

" And Ma'am kindly tell me your name so I can check if you really have an appointment with Mr. Henderson "

" Kristine Courtney " pormal na sabi ko. Agad naman nanlaki ang mata niya .Hindi ba halata, ay!! oo nga pala naka-shades ako , parte na rin kasi yun ng pang araw araw kong suot dahil nga sa sikat ako .. baka may paparazi nanamang makapansin sakin at gumawa nanaman ng hindi totoong storya .

" OH MY GOSH !! IKAW SI MISS KC?!? " napangiwi naman ako sa sigaw niya "I'm sorry but pwede po ba akong magpa-authograph ?!?! " tanong niya at ibinigay ang magazine na kung saan meron akong litrato sa unang pahina nito. Tinanggal ko naman ang shades ko at sinignan iyon. Pagkatapos non ibinigay ka sakanya at nag-smile. Natulala siya pero agad din namang kinuha at pinagmasdan ang sinignan ko.

" Uhhmm if you don't mind kindly tell me where the president's office please?? " agad naman siyang tumingin sa akin at sinabing sorry ..

" This way Ma'am " sabi niya.

Nang makarating na kami sa pinto tumingala muna ako sa nakasulat dito. Agad nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

| President's Office |

| Mr. Alexander Henderson |

WHAT. THE. HELL !!!!

avataravatar
Next chapter