2 Chapter 1: Welcome back Kristine!!!

Kristine's POV

After 4 years

" Goodbye Pat - pat " naluluhang sabi ko kay Patrick

" Ano ba! wag ka ngang umiyak baka pagkamalan pa nilang pinapaiyak kita atsaka susunod din naman ako next week, don't worry :) " atsaka niya pinunasan ang mga luha ko ,, napangiti naman ako sa ginawa niya, naaalala ko nanaman lahat ng tulong na nagawa ni Patrick para sakin mula noong nakipaghiwalay siya sakin.

Ayokong banggitin ang pangalan niya , hindi naman sa bitter ako pero nang dahil sa kanya nawalan na ako ng ganang mabuhay, muntikan na akong nagpakamatay noon buti na lang andyan si Patrick para pumigil sakin, mula sa pagmomove on ko hanggang sa pagbabago nandiyan siya palagi. Sa katunayan nga isa na akong sikat na modelo ngayon. Nagsipag ako kaya ako nakarating kung san man ako ngayon, tungkol naman kay Daddy wala na akong balita mula sa kanya hindi ako nagpakita sa kanya dahil nahihiya ako, hindi ko siya pinakinggan noon at sumama sa kanya .

" Salamat sa lahat Patrick :) . Kung hindi dahil sayo hindi ako makakarating sa kinalalagyan ko ngayon " saka ko siya niyakap, saka na lang kami naghiwalay nang narinig nanamin ang pagtawag nila sa mga pasahero pabalik sa pilipinas ..

" Sige pumasok ka na sa loob, baka maiwan ka pa ng eroplano " saka kami nagtawanan " Pero seriously mamimiss kita Krung - krung " natawa naman ako , tinatawag niya akong krung - krung kapag naglalambing o nang aasar siya

" Sige na nga. Oh sige ikaw rin, baka naghihintay na si Sheril, diba monthsary niyo ngayon ? " namula naman siya O//O .. ahahahaha oo may girlfriend siya, naging sila last month " Sige na, bye :) " ngumiti naman siya pabalik atsaka ako tumalikod at pumasok sa loob ng airport .

-----------------------

"LADIES AND GENTLEMEN: WE have just landed at the Ninoy Aquino International Airport and we are now taxiing to the NAIA Centennial Terminal 2. Welcome to Manila! FOR your safety, please remain seated with your seatbelts fastened until the fasten seatbelt sign has been switched off......." bigla akong nagising ng narinig ko iyon,, agad naman akong nag ayos ng sarili ..

Nang makalabas na kami ng eroplano nagpunta ako kung saan nailagay ang aking mga baggahe at lumabas sa airport, isinuot ko ang shades ko bago lumabas ..Pero nagulat ako nang may mga sumisigaw sa labas...

" Kyaaaaahhh !!! KC !!! "

" WELCOME BACK KC !!! "

At marami pang ibang bumating fans ko saakin. Tinanggal ko ang shades ko at ngumiti sa kanila. Haaaaayy!! nandito nanaman ako sa Pilipinas. Kung saan ko naranasan ang pinakamasamang bangungot ng buhay ko. Sana hindi na ulit mangyari yon.

Xander's POV

* Tok tok tok *

" Come in " pagkakita ko sa investigator ko agad akong tumayo

" Sir may nasagap akong balita na kararating daw ni Ma'am KC dito sa Pilipinas, ito po ang mga litrato " saka niya ibinigay saakin, tinignan ko ng mabuti ang litrato niya, ibang-iba na talaga siya . Bumalik ulit lahat ng sakit ng nararamdaman ko.

' Kung sana naging matapang ako, kung sana ipinaglaban ko siya, meron pa sana siya ngayon sa tabi ko ' at tuluyan ng lumabas ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan .

-----------------------------

avataravatar
Next chapter