10 Training

Maaga palang nagising nako para magprepare sa training ko. Sabi kasi ni HM ngayon daw ako magsstarr kaya dapat maaga palang ay handa nako. Medyo awkward padin kami ni Ice, pero inuutus-utusan niya pa din ako.

Kahapon tuwang tuwa si Vanessa na dito na ako mag-iistay. Na inform naman sila kahapon na dito na ako mamamalagi sa Royalties. I am now an official member ng Royalties.

Nag ayos na ako ng sarili at pagkatapos lumabas na rin ako sa aking kwarto. Sakto namang pagbukas nito ay ang pagbukas ng kwarto ni Ice. Gulo-gulo yung buhok niya at asual napaka cold parin.

"Morning" mahinang bati ko. Tumango-tango naman ito bilang pagtugon. Sabay na rin kaming bumaba upang mag umagahan.

"Good Morning Elise!" Masayang bati sakin ni Vanessa. Napaka cheerful ng babaeng to. Tsaka napaka bait pa. Naka higa sa sofa si Kyle at nakaupo naman sa gilid si Dyke.

Si Stacy naman ay nasa table at ang sama parin ng tingin sakin. Ano kayang problema nito at laging galit sakin. Maganda si Stacy, bitchy nga lang.

"Kuha ka nalang ng almusal diyan El" banggit sakin ni Vanessa. Medyo napakunot ang noo ko sa pagpaangalan niya sakin.

"El nalang itatawag ko sayo cute yun pakinggan eh hehe" Vanessa while scratching her nape.

"Sige okay lang. I'm fine with that" sagot ko.

"I'm done" wika ni Stacy bago umalis ng table namin. Mukhang ayaw niya akong kasabay kumain. Umupo na rin si Ice at kumain.

~~~

Nag-bihis ako ng magaan na damit. Hindi ako nag suot ng masyadong fitted kasi masyadong mahirap gumalaw kapag ganon. Pinagprepare na ako nila Dyke dahil ngayon na mag sstart ang training ko dito sa training room.

Nasa training room kami ngayon at may kalakihan siya kaya pwede kang mag all out kung kaya man.

"Okay Elise now you choose kung sino magiging opponent mo sa amin. Don't you think na mag i-easy kami sayo okay" sabi ni Dyke. U-moo nalang ako sa sinabi niya.

"Ang hirap mamili kung sino ang makakalaban ko ngayon" sabi ko sa kanila. Wala pa naman akong alam sa powers ko.

"Paano ako makakalaban hindi ko pa alam kung paano gamitin ang power ko?" Tanong ko sa kanila.

Tinapik nalang ako sa braso ni Vanessa "kaya mo yan. Royalty ka kaya di na natin kailangan makita pa kung anong kaya mong gawin. Combat agad" sabi ni Vanessa

"Guys ako na nga muna ngayon" wika ni Vanessa. Isa siyang nature mage. paanon?

"Wai-" nagsalita ulit siya bago ko matapos ang sasabihin ko.

"Wag mong minamaliit ang isang nature Mage" wika niya sa akin sabay kindat.

"Do your best Eli" pahabol naman nito.

Pumunta na kami sa magkabilang sulok ng room. Nagulat na lamang ako ng biglang nagbago ang surroundings ko. Kagaya ba to nung sa Gym?

Nung una simpleng gym lang ako pero ngayon nasa gubat na ata ako. Nagbabago din kaya ang environment sa training room kapag gagamitin?

"Woah" ito nalang ang akin nasabi. Hindi kaya may malakas ahas nanamang lalabas?

"Focus El" matigas na sabi ni Vanessa. Hindi pako nakakapag salita ng biglang may malaking plant trap sa harap ko. Sobrang laki niya. Alam nyo ba yung venus fly trap na halaman? Ganun ang itsura niya.

Now I know, this room ay hindi nababago ang environment kagaya ng gym. It is part of Vanessa's power. Ang lakas niya!

Tumakbo ako upang maiwasan ang higanteng fly trap. Nakaiwas ako ngunit hindi ako naiwasan ang matatalas nitong ngipin. Nahagip ang kaliwang binti ako at nahirapan ako tumakbo.

Napatingin ako sa gawi ni Vanessa. Seryoso siya sa labang ito. Dapat ay seryosohin ko rin. Nag concentrate ako at dinama ang aura at presensiya ng paligid.

Ipinikit ko ang mga mata ko at pinakikiramdaman ang paligid. Nababalutan ng kapamgyarihan ni Vanessa ang buong trainin room.

Ang dilim wala akong makita. Pero ang sarap sa pakiramdam kasi ang kalmado.

Sa gitna ng kadiliman, nakaramdam ako ng pag init ng aking katawan. Is this my ability? Napansin kong nag iba yung temperatura ng katawan ko na para bang may kakaiba. Idinilat ko ang mga mata ko para makita ang nangyayari

Kasabay naman nito ang presensiya na papalapit diretso sakin. "ELISE!!!" sigaw nila Dyke at Vanessa.

Ngunit bago pa ako tamaan ng nito na ginawa ni Vanessa. I swinged my hands as my defense. Nagulat na lamang ako sa pangyayari. Nakita kong putol putol ang vines na ititira dapat ni Vanessa  Tinignan ko ang mga kamay kong may mahahabang kuko na gawa sa itim na usok.

Nakakamangha. Nakita ko namang napa ngiti si Vanessa. Napa buntong hininga naman ang iba pang Royalties sa nasaksikan. Magaan sa pakiramdam ang Dark Claw.

Hiniwa hiwa ko ang vines. Nagulat nang makitang abot ito sa kinatatayuan ni Vanessa. It's a long range attack. Pagkatapos mawala ng barrier ni Vanessa.

"100 leaf spears!" Nanlaki ang mga mata ko sa inilabas ni Vanessa.

Napatayo bigla si Dyke at mukhang nagiging intense ang laban. Pinunasan muna ni Vanessa ang galos niya sa pisngi bago iunleash ang 100 leaf spears. Napakadaming dahon na may matutulis na dulo.

Hindi ako maka isip kung anong gagawin. Inisip ko nalang na kailangan kong mag upgrade ng claw. At hindi lang claw pati speed ay kailangan kong iupgrade.

Ginawa kong mas malaki ang Dark Claw at Dinirediretso ko lang ang pag cut sa leaf spears na dumidiretso sakin.

Hindi ko ring maiwasang magalusan dahil hindi ko kayang i clear lahat ng dahong papunta sa direksyon ko.

Napatingin ako sa punong malapit sakin. Habang kinacut ako ang spears umakyat ako sa puno. Ng nasa sanga na ako nito.

Kailangan ko ng defense. "Dark Armor!" Bigla nalang akong nabalutan ng itim na usok at nag form ng armor.

Mas binilisan ko pa ang pag cut at nahihirapan na si Vanessa mag defend. Nagagalusan na rin siya.

Tumalon ako ng napaka taas. At ginamit ang Dark Claw hanggang sa mabawasan ang 100 leaf spear. Shit! Ang dami hindi ko kayang hiwain lahat.

"Dark Barrier!"

Nag barrier ako upang hindi ako taamaan nito. Sa sobrang lakas ng laser, maaring mabasag ang barrier ko. Isa pa nasa ere ako mag-isip ka Elise. Mag-Isip ka.

Inalala ko kung anong mga ability na nagamit ko na. Ang Dark Claw, Dark armor at ang Dark Barrier. Kapag nag barrier ako mababasag lang din siya at tapos ang laban na ito. Kapag nag armor naman ako, ganun din.

Nag isip ako ng isang sword at wing need ko ito para sa laban. Kailangan ko itong gamitin.

"Black Winged Regalia!" Saktong masisira na ang barrier lumipad ako sa itaas. Parang battle knight ang itsura ko at mayroon akong itim na malalapad na pakpak.

Nabigla naman ang lahat sa ipinakita ko. Pati sarin si Ice. Gamit ang espadang nasa kamay ko, pakiramdam ko kaya kong makipag sparring sa ilang knights. Ramdam ko ang kakayahan ng ability na ito.

It's me vs. 10,000 knights approximately to beat me. Just like a spead of light I headed towards Vanessa as she used another ability.

"Flower Harmony!" naglabas siya ng mga bulaklak kung saan ito ang naging dahilan ng pagbagal ng aking galaw.

"Sorry Vanessa"

Natamaan si Vanessa ng spada ko at siya naman ikinahimatay nito.

Napaluhod na lang ako sa sobrang pagod.

"Elise! Vanessa!"

nairinig ko ang boses nila Dyke at Kai. Bago ako tuluyang mawalan ng malay.

avataravatar
Next chapter