9 The Necklace

Nakakapagod kasi kanina pako pinaglilinis ng Ice nato sa kwarto niya.

"Get me some chips" aba't nakuha pang magpa abot ng chichirya. "Opo ser, sandali lang po" tugon ko kay Ice.

Nasa kwarto nga pala ako ng mokong na to ngayon dahil busy daw siya at nangangailangan ng tulong.

"Bakit nga pala parang busy na busy ka Ugly-cocky-guy Ice?" Sinamaan  niya ako ng tingin. Mukhang hindi niya nagustuhan yung sinabi ko ah.

"Ugly what? ! Where did you get the courage to say that I'm ugly?" He said while rasing his eyebrow.

"Wala po, hindi naman po sa ganon master!" Pasigaw kong sabi sa kanya na mas kinairita niya.

"And now you're shouting at me? Tawagan ko nga si Dad" sabi niya habang hawak ang phone at itatapat na niya sa kanyang tenga.

"Nonono. Joke lang hehehe" I said while he smirked at me. Ang lakas talaga ng pangblockmail niya. Ni hindi ako maka palag.

Pinagpatuloy ko nalang yung paglilinis ko. Kuskos dito ng sahig. Kuskos don. Walis dito. Walis doon. Wala namang kalat linis ako ng linis pinag tritripan niya ata ako eh.

Tinignan ko yung ilalim ng kama niya. Habang naglilinis, may nakita akong kwintas na gold na may clover pendant. Na curious ako. Naka box pa siya at parang matagal na siya doon.

Kinuha ko yon at inilabas na transparent na kahon nito.

"What the heck! Where did you get that!" Galit na sabi ni Ice. Medyo napaatras ako kasi yung galit is hindi na yung natural na galit it's rage.

"Sorr-".

"Get out of my room! Now!" Ice said with authority. Dahil sa takot napa atras na lamang ako. Bakit naman ang laki ng galit non. Weird. Bahala na nga aayusin ko nalang yung gamit ko sa kwarto.

𝗜𝗖𝗘'𝗦 𝗣𝗢𝗩

Galit na galit ako nung nahanap ni Elise yung kwintas na niregalo sakin ng ex ko. That was when I was a junior here in Dillian High.

Ayoko lang maalala yung nangyari, hindi ko lang maiwasan ang malungkot. My phone rang at nakita ko na si Dad ang tumatawag. Agad agad ko itong sinagot.

"Yes Dad?" I asked. "I want you to train Elise. Nakita mo naman diba yung power niya. She is overpowered kaya siya nakabilang sa Royalties. I what you and the company to train her. "

"Yes Dad" I answered before ending the call. Paano yan, ang awkward pa naman ng nangyari ngayon.

It's my fault rin naman nagpakagalit kasi ako ng sobra. Ni wala nga siyang Idea sa nangyari. Napabuntong hininga nalang ako.

~~~

𝗘𝗟𝗜𝗦𝗘'𝗦 𝗣𝗢𝗩

Pagkatapos magalit ni Ice, dumiretso ako sa kwarto na lilipatan ko. Na katapat ng sa walang kwentang tao.

Mas malaki yung kwarto na ito kaysa dun sa dorm ko. Maganda siya at maaliwalas. Yung theme color ng kwarto ko is black. Matched siya sa power ko at natutuwa ako.

Naisip ko nanaman yung pagkagalit ni Ice sakin. Nakakatakot din pala magalit yon. Nacucurious ako dun sa pendant. Bigay ba yon ng kaibigan niya?, ng ex niya?, ng magulang niya?.

Medyo na bobored ako. May fridge din sa kwarto ko pero wala pang stock. Wala ding chips siguro bukas pa dadating kasi kakapasok ko pa lang naman sa room. 

Nilabas ko nalang yung cellphone ko at balak kong icheck yung notifications ko. Naalala kong wala nga palang signal dito kaya wala akong macocontact sa labas ng school.

Pero yung dito sa loob pwede atang maka contact. By the way, wala pa pala akong sim card na exclusive for Dillian High.

Nag-ayos ako at naghanda sa pagbili ng sim card. Nag suot lang ako ng tshirt, jogging pants, rubber shoes at cap. Dinala ko rin yung pouch ko para paglalagyan ng phone at pera.

Pinihit ko na ang door knob at pag bukas neto kasunod nito ang pagbukas ng kwarto ni Ice. Magkatapat nga pala kami ng kwarto.

Matapos niya kong sulyapan. Nagdirediretso na siya pababa at mukhang may gagawin muna siyang ka busybusyhan- nanaman.

Nag-antay ako ng konting oras kasi ang awkward naman diba kung sabay kaming bababa lalo na't nagalit siya kanina.

Makalipas ang ilang minuto bumaba na rin ako. Nagulat ako ng nakita ko si Ice na nanonood ng TV sa sala.

Nagdirediretso nalang ako at hindi siya pinansin. Bahala ka diyan nagalit galit ka eh.

~~~

"Magkano po ito?" Tanong ko sa tindera ng sim card.

Binili ko na ito at inilagay ko na sa phone ko at pina activate ko. Yes. May sim card nako. Kaso wala pang laman ang contacts ko.

Oo nga pala, si Ms. Aika! Saka yung guy sa class A ata yun, yung Gabriel ba yon. Super nice nung guy na yon pwede ko rin siyang iadd. Sa Royalties? Saka na nga.

Kumain muna ako sa fast food resto. Ang sarap talaga kumain. Habang busy ako kumain binili ko na yung ice cream na binili ko rin na naka cup. Akala ko walang ice cream dito. Sarap na sarap ako sa Ice Cream nang biglang may nagsalita sa harap ko.

"Masarap ba?" Wika ng isang lalaki

Nang tignan ko kung sino ang nagsalita si Dyke lang pala. "Uy kamusta Dyke! Nasan na yung iba? Busy ata kayo ngayon ah" sabi ko.

"Ah break namin pala ngayon napadaan lang ako dito at swerteng nakita kita" sabi niya habang tumatawa.

"Parang eto rin yung first encounter natin ah hahahaha" dagdag nito.

Oo nga, naalala ko yun yung nag mall ako. Nakita rin ako ni Dyke na kumakain ng Ice Cream at madungis din.

"Oo nga no." I said while laughing.

"Kanina nga pala may pinapalinis sakin si Ice. Eh may nakita akong kwintas na gold sa ilalim ng kama niya. Tapos bigla nalang siyang nagalit ang weird."

"Ah eh yun ba hehe, wala lang yun wag mo nang isipin yun ganon lang talaga si Ice" weird na pagkakasabi ni Dyke.

Napatango-tango nalang ako. Umalis na rin si Dyke dahil may aasikasuhin pa daw sila kaya. Ayoko munang bumalik sa Dorm namin baka nandun pa yung mokong.

Ano kaya kung puntahan ko na si Ms. Aika para makuha number niya sige na nga. Tumayo na ko at dumiretso papuntang infirmary.

Habang naglalakad, naalala kong bukas na nga pala yung training ko. Naaexcite ako para bukas.

avataravatar
Next chapter