8 Knowing my Ability

Maaaga palang tinipon na ang ilan na mga estudyante gym, pati ako dahil ngayon gaganapin ang leveling. Hindi ko lang alam kung ano ang mangyayari dito pero mukhang excited ang lahat.

Narinig ko lang to sa iba, ang leveling daw ay ginagawa para malaman yung  difficulty ng kapangyarihan mo. Yearly nila itong ginagawa kaya yearly ding nababago ang class ng mga esrudyante.

Ang daming tao ang manonood ngayon. Galing sa iba't ibang department. From Junior to Senior high(kami yung senior).

Nahagip ng mata ko ang mga Royalties. Royalties tawag sa section nila. Nakita ako ni vanessa at ako nama'y kinawayan nito. Nakapwesto sila sa gitna. Ang cute talaga ni vanessa at sobrang bait niya pa.

Hindi nagtagal ay nag simula na rin ang event. May pumuntang babae sa unahan upang panimulan ang event na pinakaiintay ng lahat.

"Good Morning students! Ngayon magsisimula na ang leveling ng taong ito." Wika ng isang babae. Siguro mga nasa 30's palang siya.

Kasabay naman nito ang paghihiyawan ng mga estudyante. So malalaman ko na kung ano ang ability ko. Medyo excited ako sa ability ko kasi malalaman ko na sa ngayon.

"Inaanyayahan po na maupo ang mga estudyante". Wika ulit nito.

Napansin ko din kasi na, hindi lang din pala ako ang nag-iisang hindi pa alam ang kapangyarihan. Meron din palang iba.

Nang sinimulan na, pinapunta ang isang babaeng estudyante sa stage. Nagpalinga linga siya sa paligid. Mukha siyang kinakabahan.

Biglang nabalutan ng harang ang stage. Parang bulletproof glass. Kitang kita ang mataas na kalidad nito.

Nang nasarahan ang babae. Nabago ang paligid na kinatatayuan niya sa stage. Bigla itong naging gubat at biglang may malaking sawa ang sumulpot.

Napasigaw at nagpanic ang babae sa nakita niya at kahit ako naman  siguro. Takbo lang siya ng takbo. Hindi na siya makakibo.

"Nakakakaba naman yung leveling this year" bulong bulungan ng nga estudyante.

Nakakatakot! Ganyan din kaya yung magpapakita sakin? Ayokong isipin na sasalang din ako jan mamaya pero yung thought kasi na ikaw yung nasa loob yun yung nakakakaba.

Sa pagtakbo niya, di niya alam dead na end na pala ang dinadaanan niya. Nang aatakihin na siya ng ahas,

binalot ng nakakasilaw na liwanag ang paligid.

Hindi namin ang pangyayari. Nakita nalang namin na nakabulagta ang babae sa sahig.

In-anounce ng host na ang ability niya. Isa siyang healer. Hindi ko siya masisisi dahil hindi pang combat style ang ability niya.

Kasunod naman nito ay isang lalaki. Nagbago rin ang environment niya at forest rin. May ahas na malaki din na lumabas at siya ay hinabol rin nito.

Sa paghahabulan nabalot ulit ng liwanag ang paligid. Nang mawala ito, nakita namin ang lalaki na naging tatlo. Ang ability niya ay replication

Sumunod naman ang isa sa mga kaklase ko sa class B. Morisette ata name niya. Ganun ulit ang nangyari at ang environment.

Matapos magliwanag ng paligid nakita namin na nakalutang ang malaking ahas. May kapangyarihan siyang telekenesis.

~~~

Dumating na ang oras na ako na ang sasalang sa leveling. Tinawagan narin ako sa stage para sa makapagsimula. Kinakabahan ako sa sawang yon.

Nang ako naman ang sasalang. Kinakabahan ako sa kalalabasan. Tumayo na ako sa gitna ng stage at nagsimula na itong sumara. Baka naman pangit yung powers ko at baka pagtawanan nila ako. Nang magbago na ang paligid.

Unti-unti nang lumabas ang sawa Nakakatakot. Sobrang nakakatakot. Ganito pala yung pakiramdam. Sobrang laki niya at dahil sa sobrang takot ko tumakbo ako ng tumakbo.

Nagtago ako sa likod ng puno ngunit hindi ako nagtagal doon dahil nakita niya rin ako. Nadapa ako at nakita kong sasakmalin na ako nito.

"Shit, what to do" kinakaban kong sagot.

May nakita akong baging na naka hang di kalayuan sa kinatatayuan ko. Inakyat ko ito at tumayo sa sanga ng puno.

"Concentrate Elise, wag kang magpapapatalo sa sawa na yan" ito ang nasabi ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko at nag concentrate. Bigla kong naramdaman ang pag-init ng aking katawan.

Habang lumalabas ang init ng aking katawan, nagulat na lamang ako nang maputol ang sangang kinatatayuan ko. At dahilan ng pagkalaglag ko.

Napasigaw nalang ako sa sakit kasabay ng pagliwanag ng paligid.

"A-a-ano itong itim na usok"

Bago ko tunay na masilayan ang ability ko. Bigla nalang akong nawalan ng malay.

~~~

Nagising na lamang ako dahil sa ingay ng paligid. Pagdilat ng mga mata ko may naaninag akong mga pigura ng tao na nag-uusap. Pamilyar ang kanilang mga boses. Medyo malabo yung image dahil siguro sa pagod ko. Ano nga bang nangyari?

"That's  rare, I haven't seen anyone used that power"

"Tama"

Dahil sa ingay nila, napilitan narin ako bumangon at tuluyang nakita ang pagmumukha ng mga taong nakapalibot sakin.

Sila pala to. Ang Royalties. Nakakapag taka bakit naman sila nandito? Ano bang nangyari?

"Gising ka na pala, kamusta na pakiramdam mo?" Wika ni Dyke.

"Okay naman na ako, medyo maayos na yung pakiramdam. Ano bang nangyari di ko naaalala yung nangyare." sinabi ko kay Dyke.

Nandito rin si Ice at hindi ko inaasahang magsasalita ito.

"Hoy slave! Tumayo ka na jan at uutusan pa kita" sambit ni Ice.

"Ang kapal naman ng mukha mo" nanghihina kong banggit. Napatalikod nalang si Ice sa sinabi ko.

"Congrats nga pala sayo Elise. Isa kang dark mage" Vanessa.

Isa akong dark mage? Medyo matagal-tagal bago nag sink-in sa utak ko yon. Ang cool naman, so hindi naman ako mahina? Rare nga siya. Nakakatuwa sa pakiramdam na malaman mo yung ability mo.

"Pinapatawag ka nga pala ni HM(headmaster)" kai

"Hala! Bakt daw ako pinapatawag ni HM?" biglang nagising yung diwa ko nung nalaman kong pinapatawag ako ni HM.

Nag kibit-balikat nalang si kyle kaya di nako nagtanong pa. Si kai yung tipo na mysterious at pa shy type at yun yung nagpaattract sa kanya bukod sa itsura niya. I'm looking forward to know more about him.

"Come on guys may gagawin pa tayo." Sabi ni Stacy bago sila mag si alisan. Tinignan pako ni Stacy ng masama bago tuluyang maka alis.

Napabuntong hininga na lamang ako.  Nakaka gulat yung mga pangyayari ngayon at kailangan ko pang bumisita sa HM's Office.

Maya maya pa ay nag out na rin ako sa infirmary para maka pag prepare sa pagpunta kay HM.

"Naku naku Elise. Pang-ilang araw mo palang nasa infirmary ka nanaman ah" pagbibiro sakin ni Aika.

"Ayun nga po eh. Baka maging pangalawang higaan ko nna yung bed dito Aika haha"

Pinirmahan ko na yung log book bago umalis sa lugar.

~~~

Nandito na ko sa tapat ni HM at as usual ang tindi talaga ng aura ni sir. Anong power kaya ang meron siya? I'm curious.

"Ms. Jerrera, from now on you are now a member of Royalties." HM.

Okay. Member lang pala ng Royalties. It's not a big deal anyway. Wait, Roya-

"ROYALTIES!!!?" Nabila ako sa sinabi ni HM.

Seryoso ba si sir? Royalties? Ni hindi ko nga pinangarap na mapabilang sa grupong yon eh. Nandun kasi si Stacy.

"HM, hindi naman pong magandang biro yan. Nakakagulat naman po. Ano po bang meron sir." Pagmamaka-awa ko.

"Wala ka naman talagang dapat ikapangamba. Well in fact dito ka naman talaga dapat mapabilang. Pero mag uundergo ka muna ng training. Your training will start tomorrow kaya be ready. You may leave" mahabang sabi ni HM. Bago inikot ang kanyang swivel chair patalikod. Ahhhhhh.

~~~

Nakabusangot ang mukha ko habang naglalakad. Sino ba naman kasi ang matutuwa na makikitira ka sa lungga ng Ice na yon. May contract nga rin pala ako kay Ice na magiging slave niya ko for some reasons.

Dumiretso agad ako sa room ko at inamoy-amoy ang room ko.

"Mamimiss kita, sana mamiss mo din ako kahit ilang araw palang kitang nagagamit." Nag ayos na rin ako ng mga gamit.

Nang matapos na ang aking paghahanda, tinahak ko na ang daan papunta sa Royalties' Dorm. Medyo isolated siya sa normal dorms kasi special yung mga tao don.

Nang nasa tapat nako ng pintuan ng dorm ng Royalties. Hindi ko maiwasang kabahan. Ano kaya yung nag-aabang sakin jan.

Naalala ko, narinig ko kanina bago unalis yung mokong at kasama niya. Sabi niya may gagawin pa sila. Baka walang tao ngayon dito.

Nagtry ako kumatok sa pinto at walang response mula sa loob. Pinihit ko ang door knob at napansing hindi naman pala naka sara. Pumasok nalang ako sa loob. Sana wala yung mokong na yon dito.

To my surprise, the jerky ass Ice is staring directly at me as if I've done something wrong.

avataravatar
Next chapter