webnovel

A Not So Lucky Day

Kakalabas ko lang ng infirmary at nakarecover na rin si Vanessa. Nag sorry ako sa kaniya, pero okay lang lang kasi normal lang daw naman na mangyari iyon. That was my first training, pero do I need to fight them all?

Nasa cafeteria ako para kumain ng almusal para makabawi sa pagkakalatay ko sa infirmary bed. Sabi nga kasi nila isang araw na raw akong tulog.

Binili ko na ang order ko at saka humanap ng pwesto para maupuan.

"Diba siya yung nalipat sa Royalties?" Bulong-bulungan ng mga estudyante sa cafeteria.

Hindi na ako magtataka kung bakit ako ang laman ng mga usapin nila. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung yung bagong lipat na estudyante nasa royalties agad.

I saw Ice in my peripheral Vision na papasok ng cafeteria. Papasok palang siya pero hindi ko na siya pinansin. Kapag pinansin ko yan tiyak na uutusan lang ako niyan.

Napansin kong nahagip ng mata ni Ice ang kinaroroonan ko. Nagkunwari nalang akong hindi siya nakita dahil umagang umaga ayokong masira ang araw ko.

"Ignoring me huh" sabi ni Ice. Napa ismid nalang ako. Ignore-ignore ka diyan, eh siya nga tong nagalit sakin nung isang araw.

"What? Ano nanaman bang ipag-uutos niyo" tanong ko sa kaniya.

"Sorry" nagulat na lang ako sa biglaang panghihingi niya ng tawad. Bakit kaya nag sosorry yung mokong na to?

"Sorry for what?" I said. Pagpapatay malisya ko rito.

Tinanggap ko nalang yung sorry niya besides hindi ko naman sineryoso yon. I need answers rather than apology over that necklace. Nacucurious talaga ako.

"Samahan mo ako may ibibigay lang akong letter" pag-aaya niya sa akin. At para saan nanaman yang letter na yan. Hindi niya ba kayang mag isa? Ang bilis mag shift ng mood ah.

"Para saan naman yung letter na yan? Hindi mo ba kayang mag isa?" I told Ice. Tama naman ako diba? Kaya naman niyang gawin ang bagay na yon.

"Para lang ito sa isang teacher, dalian mo na samahan mo ko. Remember the contract?" Pagbabanta nito sakin. As if naman matatakot ako sa kaniya.

-----

Papunpunta kami sa faculty ng teachers kung saan naglulungga ang mga ito kapag free time at dito rin nagaganap ang meeting nila tungkol sa school and stuffs.

Nakita niyo naman, sinamahan ko si Ice. Hindi ko kayang makipagtalo sa mokong nato. Ayoko ring humantong sa kasamaan ng ugali nito kung di ko siya sasamahan.

"Kanino mo ba ibibigay yan?" Tanong ko kay Ice

"Kay kamatayan" Tipid netong sagot

Aba- aba, kundi ka nga naman pilosopo. Gantihan ko kaya to. Kaso baka umiyak eh.

"Ahhhhh! Bakit ngayon na ba ang araw mo? Sayang sana maaga nakong nagpatinapay at kape" nagpantig naman ang mga tainga nito sa sinabi ko at bahagyang napahinto.

"You always know how to ruin my mood" Ice said in defeat.

"Ako pa ba? Kung nabwibwisit ka mas nabwibwisit ako times 2 times 2" sabi ko.

Napabuntong hininga na lamang si Ice. Bahala siya jan. Siya nagsimula, siya rin tatapos? Pero mas maganda nato tahimik lang. Parang na kamit na  ang Universe Peace.

Habang naglalakad kami, napansin kong pamilyar ako sa lugar ng tinatahak namin. At hindi ito ang daan papuntang faculty ng mga teachers. Parang nanggaling nako sa hallway nato? Saan nga ba?

Huminto si Ice sa tapat ng green na pinto na may nakapaskil na Headmaster's Office. Ah, naalala ko na. Nagpunta na pala ako dito nung first day. Saka nandito nga pala ang lungga ng HM at papa ni Ice.

"Liar, ang sabi mo sa para sa teacher? " nabwiwbisit kong tanong sa kanya

"Di mo na kailangang malaman yun. At isa pa ang hiling ko lang ay samahan mo ako dito, now get in! You're coming with me" Ice. Hindi nako naka usap dahil agad-agad akong hintaka papasok ng mokong.

Ang sabi niya 'get in' bakit kailangan akong kaladkarin?

~~~~~~~

"Nice seeing you again Ms. Jerrera, by the way. Ang pagsama mo dito ay hindi isang coincidence. Actually pinatawag kita kay Ice" HM

"Bakit po?" magalang na tanong ko kay Headmaster kasabay ng masamang tingin ko kay Ice. Kitang kita naman ang nakakayamot na ngisi nito sa kanyang mukha. Bwisit.

"I want to deploy you on your first mission. Kabilang ka sa Royalties at nag-eexpect akong gagawin mo yung makakaya mo. Kasama mo narin si Ice as your mentor" Pagpapaliwanag sakin ni HM.

"Sir, about my ability po, hindi ko pa po kasi siya kontrolado. Involved po ba ang ability ko sa misyong ito?" Tanong ko kay HM.

"Alam mo, di ko alam kung bobo ka o bobo ka talaga. Ang dami mong tanong" Iritadong pagkakasabi ni Ice.

"Kung makapagsalita ka ah! Ikaw ba ang kausap ko. Heto pera pambili ng kausap mo" literal na binigyan ko siya ng pera galing sa wallet ko. Halimaw talaga to.

"Haaaaa?!! SUMASAGOT KAPA?" Ice kasabay ng masasang tingin sa akin.

"Okay I hope we calm down our asses right now" HM habang naglalabas ng masamang presensya.

"Yes sir!" sabay na banggit namin ni Ice.

Ngumiti naman si HM at nagpatuloy sa pagpapaliwanag sa misyong ito. Samantalang nanatili kaming tahimik at nakikinig ni Ice. Hindi ko talaga alam kung mag-ama tong dalawang to eh. Ang layo ng personalities.

~~~

Nasa dorm na ko at nagpapahinga. Nakakabaliw din yung mang amang yon. Hindi ko talaga makita kung san banda sila relative. Baka naman ampon si Ice. Tama baka nga ampon siya.

Nilabas ko yung kwintas na binili ko bago ako pumunta dito. Ang ganda talaga. Di ko alam kung bakit ko to binili, basta nagandahan lang ako kaya binili ko nalang. Bukas na pala yung mission namin ni Ice.

Medyo kinakabahan ako kasi first time kong sumama sa isang mission na para sakin. Dapat lang pala akong kabahan dahil si Ice ang kasama ko.

~~~

Madaling araw palang ay nakabihis nako. Medyo mahaba-haba daw ang biyahe at nagtataka ako bakit kaya di nalang sila gumamit ng portal eh mas madali nga kapag ganun.

Habang nakatitig ako sa salamin, hindi ko maiwasang mamangha sa pendant ng kwintas na nabili ko. Napagpasiyahan kong suotin ito kasi sayang naman kung di ko gagamitin.

Nagulat na lamang ako nang may kumatok sa pinto. Baka si Ice na to. Kinuha ko na ang mga kakailanganin ko bago lumabas.

Speaking of the devil, si Ice nga. Malinis at maayos ang pormahan nitong black tucked Turtleneck sleeves. Na pinarisan ng white jeans at brown shoes. Iba ang pormahan dudes.

"Ang pangit mo" Pagbati nito sa akin. Aba-aba. Gandang good morning nun ah.

"Alam kong pangit ka, please lang Ice di ako salamin. Nananaginip kapa ata" Sambit ko.

"Say what you want. Kitang kita naman sa mga mata mo na na star struck ka sakin kanina hahaha" Sabi ng mokong. Nanahimik nalang ako sa sinabi niya. It is my first time hearing his genuine laugh.

"Bwiset ka talaga" ito na lamang ang nasabi ko sa kanya.

Lumabas na kami sa Dorm Area at tinahak ang daan papunta sa meeting place. Nakaka miss din pala maglakad  lakad ng ganitong oras. Malamig ang paligid at tahimik. Napansin kong malapit na kami sa bus na maghahatid sa amin.

I think I lost this time. I'll admit it this time. Wala naman sigurong masama if magiging honest ako. Napahinto si Ice sa pagkakakapit ko sa sleeves ng shirt niya.

"Ice" banggit ko.

"Y-y-you really l-looked go- ood today" sinabi ko habang namumula ang aking mukha sa kahihiyan

Nakatingin ito sa akin at hindi ko makita kung anong ekspresyon ang nasa mukha nito dahil sa dilim ng paligid.