Isang napakatahimik na klase ang nadatnan niya pagkatapos niyang magpaalam saakin, nasa likod lamang ako ng inuupuan niya. Napapansin ko ang pananahimik ng kanyang mga kaklase. Mukhang gumana ang paninindak ko kanina kaya wala nang nangahas na lumapit at awayin siya.
Buong maghapon kong pinagmasdan ang kanyang ginagawa, nakikinig man o nagsusulat.
Pauwe na siya at akoy patuloy parin na nakasunod sakanya.
Nakayuko na animoy may nakakahawa siyang sakit ang gawi ng paglalakad niya. Kailan ba siya maglalakas ng loob na humarap sa tao at itaas ang kanyang noo.
Tao siya at isang napakagandang babae na ginawang perpekto ng Panginoon. Kailan niya ba masasabi iyan sa isip at puso niya.
Tahimik siyang pumasok sa loob ng kanilang bahay ngunit bago mangyare iyon ay nagpakawala muna ito ng isang malalim na paghinga. Mukhang ihahanda na naman niya ang kanyang sarili sa pangaalipin ng kanyang Ina.
...ngunit hindi pa man siya gaano nakakapasok sa loob ng kanilang tahanan ay may isang matandang lalaki ang tumawag sakanya mula sa Gate ng kanilang bahay.
"Ikaw ba si Ria? Ang nagiisang anak ni Rosalinda?"
Nagtataka siyang tumango sa tanong nito. Ria pala ang kanyang pangalan. Nagsasalitan ang mga mata ko sa kanya at doon sa matanda.
Hindi ko maipaliwanag ang emosyong pinapakita noong matanda, ngunit may mga butil ng luha ang lumandas mula sa mga mata nito.
Dali-Dali nitong niyakap si Ria na ipinagtataka naman ng dalaga.
Hindi ko maipaliwanag ang mga nangyayare, gusto ko man silang tanungin ngunit hindi pwede dahil naubos na ang kandila at kailangan ko pa itong ilaan para matapos ko ang aking misyon.
"Ikaw nga ang nawawala kong Apo. Ang tagal kitang hinanap, dito lang pala kita matatagpuan."
Pinagmsdan kong maigi ang ekspresyon ng mukha niya ngunit wala ni kahit ano akong nakita rito.