1 Meet him - Chapter 1

Veronica's POV

Nagising ako sa isang ingay na narinig ko habang natutulog, pero hindi ako naglakas loob gumising.Hating gabi na rin at hindi ako makagalaw sa takot na may isang bulto na nasa harapan ko ngayon.Alam ko na hindi ito tulad ng isang multo, at tila isang tao na papalapit sakin at nasaharapan ko lang.

Natatakot ako at hindi ko kailanman aalisin ang nakatalukbong kong kumot, hindi ko na alam ang gagawin ko at na natili lang.Hanggang sa naramdaman ko ang pagdagan ng dalawang kamay sa magkabilang parte ng kama ko.Kaya sinubukan kong alisin ang kumot para makita siya pero bigla siyang naglaho.Kasabay ng paggising ko, umaga na at isa lang pala siyang panaginip pero bakit parang totoo.

Umalis na ako sa kama upang magluto, hindi parin ma alis sa isipan ko kung ano nga ba talaga ang pinahihiwatig ng mga panaginip ko.Parang may masama siyang balak, pero isang panaginip lang iyon.Kaya nag focus na lang sa ginagawa ko dahil maya maya ay may pasok na rin kami.Nahain ko na ang niluto kong pang - agahan at mag isang kumain sa lamesa, wala na rin kasi ang mga magulang ko at kuya ko na lang ang pumupunta dito paminsan minsan upang makapag dalaw.

Nakapag asawa na rin kasi si kuya at may anak na kaya ako na lang natira dito sa bahay.Niligpit ko na ang pinagkainan ko at pumunta sa kwartoupang makapag  ligo.Habang naliligo ako napansin kong may scythe na shape sa palad ko.Nagulat ako at kinamot ito pero hindi ma alis, ngayong araw na to parang andaming nangyari sa akin, napasapo na lang ako sa noo.

Pumasok na lang ako na tila walang nangyari, pinakalma ko ang sarili ko at tumayo ng diretso.Habang naglalakad hindi ko maiwasang tumingin sa paligid para akong na paparanoid.Na karating na ako sa room at umupo, bigla naman akong kinausap ng bestfriend ko.

"Huy! bakit ganyan ang awra mo?" tanong ni Misty ang kaibigan kong madaldal, walang araw na hindi nya ako kinausap.Hindi na lang ako kumibo na tila walang kumakausap sa akin.

"Ay taray hindi na sumasagot." naiinis na, 'ano naman kasing sasabihin ko?'.Na may napaginipan ako na multo, o tao na muntik ng may gawin saakin?.Hindi naman yun kapanipaniwala para sa kanya kasi, pagtatawanan lang ako nun.

Dumating na ang professor namin at agad na umayos ng upo si Misty may exam pala ngayon.Shit! hindi ako nakapagreview sana naman may maisagot ako.Napalinga-linga ako sa paligid at tinignan ang mga classmate ko ang seryoso ng mga to ah.Inapakan ko naman ang paa ni Misty na malapit lang sa akin at kinausap sa mata na 'tulungan mo ako sa exam'.Pero ang gaga inirapan lang ako at sinabing 'bahala ka diyan', nag focus na lang ako sa exam at pinilit na intindihin ang mga tanong, buti naman at may naisagot pa ako kahit bilang lang.Natapos na rin ang exam at umuwi na ako, wala na rin kasi kaming klase pagkatapos nito.

Pagabi na rin at hindi na ako nag abalang kumain pa,tinamad na akong magluto lalo na't ako lang naman mag-isa dito sa bahay.Kaya napagpasyahan ko na lang matulog, linggo narin kasi bukas at mamimili pa ako ng mga groceries.

"Veronica…" sabi ng isang boses ng lalaki, na nakakakilabot, nagsitayuan lahat ng mga balahibo at ko hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kumot.Kasabay nito ang isang malakas na hangin na nanggagaling sa terrace ng kwarto ko.

Nakaramdaman ko na naman ang prisensya niya at ang paggapang ng mga kamay nito sa bawat gilid ng kama at nakapaibabaw sa akin.Inalis ko ang kumot ko na nakabalot sa akin, kailangan ko siyang makita at pigilan sa mga maaaring gawin niya.Kasabay ng pag alis ng kumot na tanging humaharang para makita ko siya ng tuluyan.Napatigil ako ng makita ang isang bulto ng lalakeng gwapo na nasa ibabaw ko at nakatopless, fit ang katawan at halatang nakakapang-akit.

"Sino ka?" tanong ko na may halong pagkalito, abat saan galing to?.If I know wala akong boyfriend at na kasara lahat ng pinto.Kaya naman nag freak out ako at tinulak siya pero hindi ko magawa, masyado siyang mas malakas kesa sa akin.Teka hindi kaya…isa siyang mag nanakaw, at balak akong gahasain?.

"Maxamus Dear…"  bulong niya ng mahina pero nakakakilabot, at tiningnan ako ng na ka ngisi.Kailangan kong magising, panaginip lang ito, kinurot ko ang braso ko pero meron akong nararamdaman na sakit.'So it means gising ako?' sabi ko sa isip ko habang tinutulak siya palayo, this can't be.Tumutulo na ang luha ko at nagmamakaawa para lubayan niya ako, pero kahit konting awa wala akong ma kita sa mga mata niya.

"Shit, don't cry… I won't do any thing" pagpapanic niya at pinunasan ang luha ko gamit ang thumb niya at umalis sa ibabaw ko.Unti - unti namang naging brown ang mga mata niyang kanina lang ay kulay pula.Hawak- hawak niya ang ulo niya at pabalik balik na dumaan sa harapan ko at parang tuliro.What happend? Aware na ata siya sa ginagawa niyang mali hays.

"Please gumising ka na."command niya sa akin sa kalmadong pamamaraan.

"Wait…what pero paano?." paano nga ba ako magigising eh parang totoo na nga ito.Kinurot ko pa yung braso ko pero may nararamdaman naman akong sakit.Ang gulo, panaginip na naman ba to?.

"Then, kiss me." sabi niya ng na kangisi, pinagloloko na naman ako nito.Saka anong kiss siya diyan tsk bahala siya.Inirapan ko na lang siya at umupo sa side ng kama.

"Mga hokage moves mo rin eh no?." inis na sabi ko, aba para paraan rin tong lalakeng to.

"Kahit maghintay ka pa ng magdamag diyan hindi ka parin magigising, bahala ka manghihina ka niyan." pangungumbinsi niya pero hindi ko parin yun gagawin no way!.At anong manghihina ka diyan, hindi ako kaylanman manghihina para lang sa isang halik.

"Edi mag hintay!." pagsusungit ko sabay irap, naghintay pa ako ng ilang oras pero wala paring nangyari.Kaya sinunod ko na, ayaw kong ma kulong sa panaginip ko duh, saka kasama tong lalakeng to.Ako na ang nag first move at hinalikan siya pero isang minuto pa ang na kakalipas wala paring nangyari, kaya tinulak ko siya.Parang na enjoy pa nitong gagong to at tumatawa.

"Sabihin mo kasi yung pangalan ko." turan niya at na iinip na, ang arte nito.

"Maxamus…" sigaw ko ng malakas at nagising, tinignan ko ang paligid nasa kama parin ako nagising at umaga na naman, panaginip nga lang talaga iyon pero parang nagiging totoo pag na nanaginip ako.

avataravatar