2 Ang Nakaraan...

Matapos malaman ng lahat ang tunay na pagkatao ni Destiny Rose sa pamamagitan ng malaking pasabog at pagpapahiya na ginawa ni Jazmin noong nasa Valentine's Day Launching siya ng bagong libro. Naging malaking pagbabago ito sa buhay ni Destiny dahil ngayon ay alam na ng buong mundo na hindi talaga siya ipinanganak na babae at dati siyang kilala bilang si Joey. Naging sanhi din ito nang pagkabigla ni Gabriele na siyang dahilan upang maghiwalay sila at magtungo sa Italy si Gabriele. Ngunit sadyang ang tunay na pagmamahal ay hindi basta bastang nakakalimot lalo na noong malaman nitong nasa ospital siya dahil sa ginawa ni Jazmin. Madaliang bumalik si Gabriele sa Pilipinas para puntahan si Destiny Rose sa ospital kung saan ito naka confine. Pinagtangkaan ding patayin ni Jazmin si Destiny Rose habang nakaratay ito ngunit naabutan sila ni Lito at napigilan nito ang dapat na maganap na ikapapahamak niya.

Tuluyan na ring natanggap ni Lito ang anak bilang si Destiny Rose dahil sa mga pinagdaanan nito at hndi pag-suko na makuha ang pagmamahal ng kanyang Ama. Sa tulong na rin ng Posisyon ni Lito bilang Hepe ng Pulisya ay nahuli nila si Jazmin at nasampahan ito ng kaso sa pagtagkang pagpatay kay Destiny.

Sa kabilang banda naman, nalaman na ni Armani na ninanakawan siya ng sariling kapatid na si Bethilda. Ngunit dahil sa mahal na mahal nito ang kapatid, hindi ito nagdalawang isip na patawarin ito na siyang naging dahilan naman ang pagbabago na ni Bethilda.

Sa isang magandang tanawin ni Destiny Rose siya muling nagsimulang maging masaya. Kasama ang mga mahal sa buhay at sa harap ng mga ito, buong pusong lumuhod si Gabriele sa kanyang harapan kasabay ng pag angat nito sa isang box kung saan naroon ang dating singsing na itinanggi niyang kunin dahil ang gusto niya ay kung tatanggapin niya man ang singsing ay yung kapag kompleto na siya at walang tinatago kay Gabriele at ngayon ang panahong iyon. Ang panahong siyang siya na ang kaharap ni Gabriele, wala na siyang itatago sa kahit kanino dahil alam niyang tanggap na tanggap siya nito at mahal na mahal.

Lahat ay masayang masaya para sa narating ni Destiny Rose mula sa mga masasakit na pinagdaanan niya.

Mula sa watawat na may pitong kulay, tulad ng pag-ibig ito ay walang nakikitang anyo, kulay, nakaraan, katayuan o anumang kasarian. Lahat ng tao ay may karapatang mahalin kahit ano ka man o sino ka man. Iyan ang bagay na maiiwan ni Destiny Rose kailanman.

avataravatar
Next chapter