webnovel

Alaala Na Lang

"Hi! Kumusta ka na? I'm sure you're okay right? Masaya ka ba? Siguro naman 'di ba? Yun lang naman ang tanging hiling ko eh, ang lumigaya ka kahit hindi ako ang dahilan. Hahaha! Ayaw kong umiyak pero, hindi ko mapigilan eh, pasensiya na.

Sobrang tagal na din pala no? Halos dalawang taon na din. Sobrang saya natin dati. Sobra. Hayy! Nakaka-miss ang mga panahong yun. Kung pwede lang sanang makabalik sa mga araw na 'yun, sa mga panahong 'yun, gagawin ko nang paulit-ulit. Ah~ pwede pala, yun nga lang, hanggang sa isip na lang, hanggang sa mga alaala na lang.

Naalala mo pa ba kung paano tayo nagkakilala? Kung saan nagsimula ang lahat?

Ako, alalang-alala ko pa bawat detalye.

Sobrang dilim ng langit nang araw na yun, malakas din ang buhos ng ulan at maya't-maya ang pagkulog at pag-kidlat.

Nasa waiting shed ako, naka-upo, nanginginig dahil sa sobrang ginaw. Dahil sa nabasa ako dahil sa pagtakbo papunta sa waiting shed.

Bigla kang dumating, naka-jacket na kulay itim, maong na itim at kulay itim din ang payong na gamit mo. Natawa ako nun, nasabi ko sa sarili, 'Um-attend siguro si Kuya ng libing."

Nang humarap ka sa akin, napasigaw ka, kaya mas lalo akong natawa sayo. Kahit paano panandalian kong nakalimutan ang lamig na nadarama ko. Akala mo, multo ako. Biruin mo nga naman, takot ka pala dun?

"Hindi ka multo 'di ba?" yan ang eksaktong sinabi mo. Dahil sa natutuwa ako sayo, pinaglaruan kita, nagpanggap akong multo. Awoo~ Hindi ko kita ang itsura mo nun, dahil sa hood na suot mo, pero alam kong takot na takot. Hahaha! Wala naman talaga akong balak na gawin 'yon, kaya lang ang cute mo kasing matakot.

Nakaka-inis nga lang dahil bigla akong napabahing ng ilang ulit. Nabuking mo tuloy ako. Hahaha. Ganitong-ganito ang sinabi mo, "Ikaw! Ang sama mo!" Hahaha. Para kang bata.

Muli akong napabahing, napansin mo siguro na naginginig din ako, kaya lumapit ka sa akin, hinubad ang suot mong jacket at inabot ito sa akin. Sinuot ko ito, pero kulang pa rin. Nilalamig pa din ako.

"Nilalamig ka pa din ba?" nang tanungin mo yan, dun ko nakita ang mukha mong napaka-gwapo. Ubod ng gwapo. Sobra. Akala ko, nagha-hallucinate lang ako. Hahaha.

Pinitik mo ang noo ko, ang sakit non kaya nabalik ako sa realidad. Natulala na pala ako sa kagwapohan na taglay mo. Hahaha.

Inulit mo ang tanong mo sa akin, kung nilalamig pa din ba ako kaya tumango ako. Bigla kang umupo sa tabi ko at yinakap ako ng sobrang higpit. Nagulat ako non, at sobrang bilis ng tibok nang puso ko na parang lalabas na ito sa ribcage ko. Hahaha.

First time kong mayakap ng ibang lalaki at gwapo pa. Swerte ko naman. Nagsisimula pa lang akong pagpantasyahan ka pero binasag mo na agad yun.

"Huwag mong lalagyan ng malisya 'tong ginagawa ko, nakakaawa ka kasi." Ang sama mo! Hahaha.

Hanggang sa 'di ko namalayan, naka-tulog na pala ako.

Nang magising ako, wala ka na. Nakaalis na. Tumigil na din ang ulan at sumi-sikat na ang araw. Napabuntong-hininga na lang ako. Malaki ang pagpapasalamat ko sa iyo at sa jacket mo na suot ko pa rin nang magising ako. Pero, nanggagalaiti din ako sayo, kasi naman sinong matinong lalaki ang iiwan ang isang babaeng mahimbing na natutulog sa isang tagong waiting shed. Baliw lang ang gagawa nun!

Pero may dahilan ka pala. Sobrang lalim ng dahilan mo.

Months passed at hindi na kita nakita ulit. Araw-araw dala ko ang jacket mo, para kung sakali mang pagtagpuin ulit ng tadhana ang mga landas natin, maibabalik ko agad sayo. Huwag kang mag-alala, nilalabhan ko naman yun.

Unti-unti akong nawalan ng pag-asa kaya hindi na ako umasang makikita ka pa. Itinago ko ang jacket mo. Iningatan ko talagang hindi yun, masira at pag-tripan ng mga daga.

Subalit, sadyang mapaglaro si tadhana. Kung kailan hindi na ako umaasang makikita ka pa, biglang nagtagpo ang landas nating dalawa.

Biyernes ng hapon nun, wala kaming klase, pumapasok sa bintana ang sinag ng araw, second subject, tahimik akong naka-upo sa likod, nakatanaw sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang maliit na damo sa openfield habang isinasayaw sila ng marahang ihip ng hangin.

Biglang pumasok ang adviser namin, ang sabi niya may tranferee daw. Na-curious ako. Kasi naman, sinong magta-tranfer sa kalagitnaan ng school year?

Pumasok ka sa room, walang emosyon ang mukha ni kahit ang ngumiti ng pilit hindi mo ginawa. Nagsigawan ang mga kaklase kong malalandi, at ang iba'y nagbulungan, tila mga kiti-kiting hindi mapakali. Napasinghap ako ng makilala ka. Yumuko ako at iniharang ang may kahabaan kong buhok sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun. Nababaliw na siguro ako.

"Hi! I'm Kairo Martinez, seventeen." Yun lang ang sinabi mo. Kairo pala ang pangalan mo. Ang ganda, bagay sayo.

"Isang seat na lang ang vacant. Umupo ka sa tabi ni Ririan Del Valle." Nanigas ako, at muling bumilis ang tibok ng puso. Bakit sa tabi ko pa? Malamang kasi ang upuan na lang sa tabi ko ang vacant.

"Hi, I'm Kairo." Pagpapakilala mo sa akin. Nakita kong inilahad mo ang kamay mo kaya inabot ko ito.

"I'm Ririan." Mabilis pa sa kisap-matang binawi ko ang kamay ko.

Alam kong nagulat ka pero, nahihiya ako eh, kinakabahan, hindi ko nga lang alam kung bakit.

Nang sunod na linggo. Lunes, pumasok ako ng maaga, maaga pa sa guard. Hahaha. Kasi naman ayaw kong makita mo ang mukha ko at makilala mo ako. Dala ko din ang jacket mo. Plano kong ilagay ito sa desk mo.

Ayun nga, gaya ng nakaraang linggo, nakaharang ang may kahabaan kong buhok sa mukha ko ngunit kita ko mula sa gilid ng aking mga mata na nagulat ka ng makita mo ang jacket mo. Nilibot mo ng tingin ang buong room, at ako ang huli mong tiningnan. May ngiting gumuhit sa iyong mga labi.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil dun, mas lalo kang guma-gwapo.

'Yung ngiti na yun, nakilala mo pala ako. Nakakagulat.

Recess nun, nasa cafeteria na ang lahat pero ako nasa room pa din, naka-upo ng tahimik. Pumasok ka at may inilagay na C2 sa desk ko.

"Ikaw yun, 'di ba?" Tanong mo. Tumango ako. Wala naman kasing rason para itago ko yun 'di ba?

Dahan-dahan mong hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha ko.

"Ikaw nga!" Masaya mong sabi. Bigla mo akong niyakap, nagulat ako.

Bakit ganun ang reaksiyon mo? May gusto ka na sa akin no? Hahaha.

Lumuhod ka sa gilid ko at paulit-ulit na humingi ng tawad dahil sa iniwan mo ako. Pinatayo kita at sinabi kong okay lang yun.

Dun ka na nagsimulang mag-kwento. Namatay pala ang Lolo mo, na-guilty tuloy ako kasi yung tumatakbo sa isip ko na umattend ka ng libing, nagkatotoo.

Simula ng araw na yun naging magka-ibigan tayo, sobrang close natin na sa isa't isa na halos lahat ng oras natin, umiikot na lang sa ating dalawa.

Nagtapat ka, sinabi mong mahal mo ako. Hindi ko nga makalimutan kung paano mo yun ginawa, 'yung confession mo. Napaka-sweet. Talagang pinaramdam mo sa akin na mahal mo ako. Tumatak talaga 'yon dito sa puso at isip ko. Pakiramdam ko nang mga panahong 'yon, ako ang pinakamaganda at pinakamaswerteng babae sa mundo.

May program nun sa school, member ka ng dance club, may performance kayo. Nagulat ako ng bago kayo magsimulang sumayaw, umakyat ka muna sa stage at sinabing, "Ang sayaw na 'to ay para sa babaeng mahal na mahal ko."

Nalungkot ako, sobra, ikaw kasi eh, may mahal ka na palang iba, hindi ko man lang nasabi sayo ang nararamdaman ko, na mahal kita. Sobra.

Labis ang kalungkutan na nadarama ko habang pinapanood kung paano mo isayaw ang pag-ibig mo para sa maswerteng babaeng yun.

Tumalikod ako at nagsimulang maglakad paalis, hindi ko na kaya, masyadong nang masakit.

Napatigil ako. Narinig kong tinawag mo ang pangalan ko. At sinabi ang mga katagang gusto kong marinig mula sayo. Mahal mo ako. Mahal mo din ako. Sobrang saya ko kasi pareho tayo ng nararamdaman. Sobrang saya ko kasi nagawa mong ipagsigawan sa lahat ang nararamdaman mo para sa akin.

Naging mag-on tayo, umabot ng taon. Pero may nangyari, bigla kang umalis nang walang paalam. Buwan ang lumipas bago ko nalamang...

Ikinasal ka na. Hindi sa akin, pero sa iba. Nasaktan ako, hindi ko matanggap. Araw-gabi, iyak lang ako ng iyak, walang tigil. Halos hindi na ako kumain, napabayaan ko na din ang pag-aaral ko.

Hanggang sa...

Sumagi sa isip ko ang isang bagay na alam kong pagsisihan ko.

Ginawa ko itong video na 'to para sayo, para malaman mo kung gaano kita kamahal. Sorry ha, dahil sobrang hina ko. Pero mahal lang talaga kita ng sobra-sobra, na halos hindi ko nakikita ang sarili kong nakatayo sa harap ng altar ng simbahan kasama ng ibang lalaki. Ikaw lang...

Pero hindi na pwede eh, nakatali ka na, pagmamay-ari ka na nang iba. Ang sakit-sakit. Alam mo, plinano kong akitin ka at maging kabit mo pero...

Mas lalo akong magiging kaawa-awa non, hindi ba?

Oh by the way, nakilala mo ba agad ako? Sa tingin ko hindi. Hahaha. Ang laki na kasing ng ipinayat ko, idagdag mo pa tong mga eyebags ko. Yan oh, kita mo.

Kung mapanood mo man ito, huwag na huwag mong sisihin ang sarili mo, Okay? Paalam na. Tandaan mo mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita! Ikaw lang.

Kung bibigyan tayong dalawa ng pagkakataon na mabuhay muli, sana sa buhay na yon, tayo na talagang dalawa ang magkatuluyan. Bye. Mwahh! "

Walang tigil ang pagbagsak ng mga luha ni Kairo.

Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at at paulit-ulit na nagsisigaw habang sinasabunutan ang sarili. Nasasaktan siya ng sobra. Sinisisi niya ang sarili kung bakit nagpakamatay ang babaeng mahal niya.

Nasasaktan siya dahil hindi niya magawang ipaglaban ang babaeng sinisigaw ng puso niya.

"Ahhhh!" Nagwala siya lahat ng bagay na makita niya ay hindi niya pinapalagpas, sinisipa, marahas na winawaglit o 'di kaya'y sinusuntok.

Isang ideya ang pumasok sa isip niya ng mamataan ang kabinet. Nakalagay dun ang kanyang baril.

Kinuha niya ito at itinutok sa kanyang sentido.

"Mahal na mahal din kita Ririan. Ikaw lang walang ng iba. Huwag kang mag-aalala magsasama na tayong muli, magpakailanman." sabi niya habang patuloy na umaagos sa kanyang pisngi ang mga luha ng sakit, pagsisisi at pagdurusa.

Kasabay ng pagkalabit niya sa gatilyo ay ang pagguhit ng isang masayang ngiti sa kanyang labi. Tumilamsik ang kanyang dugo sa isang papel, isang kasunduan, na nagsasabing bawal siyang lumapit o magpakita kay Ririan kapalit nang pagtulong ng pamilya Valtazar sa pamilya ni Kairo upang hindi ito tuluyang malugi. Kaakibat din ng kasunduan ang pagpapakasal niya sa panganay na anak na babae nito.

Humandusay ang kanyang katawan sa kama, katabi ng laptop kung saan muling nag-play ang video clip na last message ni Ririan sa kanya.

THE END...

Thank you for reading. Hope you enjoy!

Next chapter