3 PROLOUGE

MALIA

"I'm home." I shouted and closed the door behind me.

"We're in the kitchen." My dad shouted. Tinahak ko ang daan papuntang kusina at nakita ko si Dad na nakaupo sa high chair at nakapatong ang mga kamay niya sa countertop.

"Hi baby. Musta ang araw mo?" Dad asked me and he opened his arm to hug me.

"Good," Lumapit ako sa kanya, niyakap at hinalikan siya sa pisngi. "Oww... Hello! Mom." Sabi ko kay Mom ng mapansin ko siya. "I didn't see you there." Lumapit ako sakanya. Niyakap at hinalikan siya sa pisngi.

"Go! Get change. Dinner will be ready soon." Sabi ni mom ng matapos ako halikan sa pisngi.

I went upstairs to change and there's this feeling again that someone's been watching me. I scan the room and found nothing. It all started when I was six when a guy named Damon started playing with me in this house. Akala ko anak ito ng kasambahay namin kaya nakipaglaro na ako dito.

One day, hinahanap ko siya para magkipaglaro pero 'di ko ito makita. I asked my parents if they saw him pero hindi daw nila ito nakita at doon ko nalaman na wala palang nagngangalang Damon na nakatira dito sa bahay at wala ding anak ang kasambahay namin. And it turns out na may invisible friend ako that age. Simula noon ay feeling ko may nanunuod na sa akin.

Matapos ako magbihis ay bumaba na ako. Pagdating ko sa kitchen ay nakita kong nag-aayos na si Dad sa round dining table at nilalabas na ni mom ang niluto nito sa oven.

"Hmm... Lasagna. My favorite." Excited na sabi ko. Narinig ko pang tumawa si Mom.

Pumunta ako sa fridge at naglabas ng water at juice. Nilagay ko ito sa lamesa at umupo na.

"Here." Sabi ni Dad ng mailapag niya ang plate ko na may lamang lasagna.

"Thank you dad." I muttered.

Nagsimula na kami kumain ng makumpleto kami sa dining table. Nagkwentuhan lang kami sa kung anong nangyari sa buong maghapon namin. My mom work as a designer at Maxima Fashion Industry and my dad is a Cost Accountant at Fields Accounting Firm. Despite the fact na successful ang parents ko sa kani-kanilang field ay mas pinili nilang mabuhay ng simple lang.

Busy man sila lagi sa kanilang trabaho ay hindi nila kinakalimutan ang responsibilidad nila sa akin. Araw-araw silang naglalaan ng oras sa akin. Sa umaga lulutuan ako ng breakfast ni mom at sa gabi sabay kami magdidinner. Nang matapos kaming magdinner ay tinulungan ko ang parents ko sa pagliligpit at pagkatapos ay umakyat na para magready sa pagtulog.

******

It's already past 12 and I'm still laying on my bed and staring at my bedroom ceiling decorated with glow in the dark stars. I could feel the cold summer breeze that enters through my window. I don't know why but I can't keep still. It feels like something bad is going to happen.

*****

"Baaby, wake up." Sabi ng isang boses inaalog ako nito. Minulat ko ang aking mata at sumalubong sa akin ang madalim na kwarto ko. It's still night. What happened? "Baby... wake up." Bulong ni mom at inaalog ako.

Mahahalata mo sa boses niya ang kaba at takot. Nasaan si Dad? Ramdam ko ang tensyon sa bahay kahit dalawa lang kami ni Mom. Biglang kumabog ng mabilis dibdib ko dahil sa takot.

"I'm up ma." Sabi ko at bumangon sa kama. "What happened? It's still night. Where's dad?" Lakas loob kong tanong dito at hinawakan ang kamay niya na ngayon ko lang napansin na nanginginig. Hindi siya sumagot at halatang hindi alam ang gagawin at pinapakinggan ang paligid.

"Maa..." sabi ko dito.

"Shh... someone else is here." Sabi niya at hinila ako sa kama. What? A burglar?

Kinilabutan ako sa sinabi ni mama. Nanlambot ang mga tuhod ko. Hinila niya ako pababa para makaupo ako. Umupo kami sa gilid ng kama para magtago at makiramdam.

"Where's dad?" Bulong ko kay mama na naluluha na.

"He went to check it, baby." Sagot niya sa akin na hindi ako tinitingnan. Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko dahil sa takot na may mangyari sa amin. Nagsimula na din manginig ang katawan ko sa takot.

"Ma, I'm scared." Bulong ko at tumungin si mama sa akin at lumapit ito.

"Shuu... everything's will be fine, baby. Stop crying." Sabi niya habang yakap ako.

My mom and I gasped as we heard the noise outside. Please, let my father be safe. Narinig ko na din ang hikbi ni mama at mas lalo pa ako napaiyak. Hindi ko na din mapigilan ang sarili ko tuluyan ng humugulhul. I clamped my mouth shut in order not to produced sound.

"Baby, come here." Sabi ni mama ng makatayo ito. Dahan-dahan niyang binuksan ang closet ko at pilit na pinapapasok ako sa closet.

"Ma... what are you doing?" Tanong ko sakanya at pinipigilan ang kamay niyang itulak ako.

"Listen, Malia. We don't have time for this. Always remember that your daddy and I loves you so much." Hinawakan niya ang mga pisngi ko tinitigan ako sa mata. Kahit madilim ay kita ko ang kumikintab na luhang tumutulo sa mga mata niya.

"Maa... ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko sakanya at hinawakan ang kamay niya na nasa pisngi ko. "We'll be fine, right?"

"You'll be fine, baby." Sabi niya at hinalikan ako sa noo. "I love you baby." At niyakap ako ng mahigpit na parang ito na ang huling pagkakataong mayakap ako.

"I love you too, Mom." Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit dahil hindi ko na alam kung ano ang susunod na mangyayari.

"Go! Hide." Tuluyan na niya akong tinulak papasok sa closet at sinirado ito. Kita ko pa ang anino ni mama bumalik sa dati naming pwesto.

"Hello! Malia." Bulong ng isang boses sa tainga ko na nakapagtindig balahibo sa akin. I'm not alone here. Shit! "It's been a long time, love."

I heard my door opened and I heard footsteps getting closer to where my mom and I.

"KYAOOOP" I wanted to scream but before I can he pulled me closer to him and wrapped his right hand in my mouth and the other one is wrapped around my waist.

"Pre, May taong nagtatago dito." Sabi ng isang boses ng lalake, "HULI KA!" rinig kong sabi ulit ng lalake.

"AHHH..." rinig kong daing ni mom. I squirm in this guy arm, trying to free myself and help my mother. "AHHH... kunin niyo na ang gusto niyong kunin." Mas lalo akong umiyak dahil hindi ko man matulungan ang magulang ko. Naramdaman kong may lumapit na sa closet kung nasaan ako at nakita ko ang anino ng isang lalake sa labas.

"Hu-wag." Sabi ni mom at humarang ito sa labas ng closet.

Sinampal si mom ng magnanakaw at natumba ito sa lakas. Mas lalo pa akong humagulhul. Hindi ko alam kung paanong hindi nila naririnig ang mga hikbi ko. Kahit na nakatakip ang kamay ng kasama ko sa bibig ko ay rinig ko padin ang hikbi ko.

"Hmmm may tinatago ka sa closet na iyan, ano?" Mapaglarong sabi ng magnanakaw. Nakita ko ang isang makintab na bagay na hawak ng magnanakaw at umupo ito para maging magkalevel sila ni mom.

"Shh..." pag-aalo sa akin ng lalakeng kasama ko dito at pinaharap ako sa kanya at niyakap ako. I should be scared of him pero sa mga actions niya ay nawawala ang takot ko dito. I feel safe around his arms.

"Huwag po, kunin niyo na ang lahat." Rinig kong pagmamakaawa ni mom at tumawa lang ng malakas ang magnanakaw.

"Kukunin ko talaga at pati na din ang buhay mo." Sabi ng magnanakaw at mas tumawa pa ng nakakatakot.

"Ahh..." Impit na sigaw ni Mom, pagkatapos wala na.

"MOMMM..." Sigaw ko habang yakap ako ng lalakeng ito. Hindi ko alam kung paano nitong nagagawa takpan ang ingay ko.

"I-check mo yang closet." Rining kong utos ng lalake sa kasama niya. Kinabahan ako dahil ako na ang susunod.

"Shh... they won't hurt you as long as you're with me. Look at me." Sabi ng lalake na nakayapos pa sa'kin, hinawakan niya ang baba ko at inangat ang ulo ko.

Nagulat ako ng makita ko ang mapupulang mata niya. Hindi tao ang kasama ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Dahan dahan itong lumapit sa mukha ko at dumampi ang malamig at malalambot na labi niya sa mga labi ko. Gusto kong kumawala ngunit wala na akong lakas.

"Pre, wala naman akong makita dito." Sabi ng magnanakaw na hinahalungkat ang mga gamit dito sa loob ng closet.

Papaanong hindi niya kami nakita? Gawa ba to ng kasama ko? Tinanggal niya ang pagkahalik sa akin at tumitig ito sa mga itim na mata ko. Madami akong gustong itanong sa kanya pero wala akong lakas para buksan ang bibig ko.

"Go to sleep." Sabi niya na nakatitig lang sa akin. Paano ako makakatulog sa ganitong sitwasyon? Pero maya maya pa ay naramdaman ko nalang bumigat ang talukap ng mga mata ko. Pinatong niya ang ulo ko sa dibdib niya at tuluyan na akong nakatulog. Who is he?

******

avataravatar
Next chapter