4 CHAPTER 1

MALIA

It's been a month and half since the incident happened. I was put under my Uncle Tom's care. He's the only person who has the legal right to take care of me until I come to my legal age. He's my father's brother. One year left and I can inherit all in my parents will. He threw me to a Boarding School and told me that he can't take care of me anymore. I guess the only person I can trust in this world now, is myself.

"Kuya Arthur! Malayo pa po ba tayo? Hindi naman po tayo pupunta sa Hogwarts, diba?" Pabirong tanong ko sa driver ni Uncle na naghatid sa akin patungo sa Riverside. Narinig ko itong tumawa.

"Ma'am, malapit na. In 20 minutes, makakarating na tayo." Sagot niya sa'kin

We're on our way na sa Riverside ng napansin kong dalawang oras na kaming nagbyabyahe sa kawalan. Alas kwatro palang ng madaling araw ay bumyahe na kami dahil sabi niya ay malayo-layo ito. Mga naglalakihang puno lang ang nakakasalubong namin at wala man lang kaming ibang sasakyan na nakakasalubong. Ayaw na ata talaga akong makita ni Uncle ah.

The memory of what happened keeps on coming back, it keeps on hunting me. They were the only person I have in my life and in just one night they're gone. I miss them so much. This past few weeks I acted like I've already moved on but deep inside I'm still mourning. I have to or else I'm not going to survived in this world. I need to be strong, there's only me, myself and I after all.

After the incident, I woke up in a hospital bed and found out that I was asleep for 3 days. Ang balitang wala na ang mga magulang ko ang agad na sumalubong sa akin. Nahuli na din daw nila ang mga pumaslang sa mga magulang at si Uncle ang nag-asikaso ng lahat. Hindi na din nag-pakita ang kaka-ibang nilalang na nagligtas sa akin. Kinuha ko ang sandwich na nakaplastic na binili namin ng magstop-over kami bago makalabas ng lungsod at kinain ito.

"Ma'am, andito na po tayo." Pang-aagaw ng atensyon niya makalipas ang kinse- minutos.

Binaba ko ang bintana at sumilip sa labas. Nagulat ako nang makita ang napakalaking itim na gate.

"Riverside Boarding School." I read out loud as I saw what is written on the arc sign on top of the gate.

I literally jaw-dropped when I saw it, I can't believed that my Uncle will send me in this kind of creepy school. Unang tingin ko palang sa gate ay gusto ko ng bumalik sa Manila. I can't believed that I'll start my new life at this school. Napaigtad ako sa loob ng sasakyan ng biglang bumukas ang gate at naglabas ito ng nakakakot na tunog na parang ngayon lang ulit ito binuksan. Narinig ko pang tumawa si Kuya Arthur dahil sa naging reaction ko at sinumulan na ulit ang pagda-drive. Sumalubong sa'min ang isang daan na pinapa-gitnaan ng mga naglalakihang puno.

"Ma'am, andito na po tayo." Sabi ni Kuya Arthur ng makarating kami sa tapat ng isang napakalaking building.

Lumabas si Kuya Arthur. I took my sling bag sitting on the chair next to me and walked out of the car. I scan the surroundings with awe. Damn! Ang ganda dito. Ang napakalaking Gothic Style building na nasa harap ko ngayon ay ang Administration Building. I wonder kung gaano kalaki ang ibang building sa paaralan na ito. I know, dapat matakot ako since napaka-spooky ng lugar pero hindi ko maiwasang hindi mamangha. Napansin ko ding napakatahimik ng lugar at mukhang ako lang nandito.

"Ma'am, nailabas ko na po mga bagahe mo." Sabi niya at lumapit sa akin.

"Salamat Kuya Arthur." Magalang na sabi ko.

"Ma'am, una na ako, baka abutan ako ng gabi sa daan." Paalam ni Kuya Arthur sa akin.

"Osige po Kuya, ingat ka ho sa byahe." Sabi ko sakanya at tinapik sa balikat.

Lumakad naman siya patungo sa harapan ng sasakyan. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako magtungo sa Administration Building. Nang makaalis na siya ay hinarap kong muli ang building. I can't believed na may ganito kagandang paaralan na nakatago sa Pilipinas. Ini-scan ko ulit ang paligid kung may tao ba o wala pero wala akong makita. Wala man lang sumalubong na staff sa akin para i-welcome ako at tulungan sa mga gamit na dala.

"Welcome to Riverside Boarding School, Ms. Anderson." Sabi ng isang boses na nakapag patindig sa balahibo ko.

"Shit!" Napamura ako ng wala sa oras dahil sa gulat. Nilingon ko kung saan nanggagaling ang boses at hinarap ito. I saw a girl wearing a lacy black dress. She has a ghostly pale skin, black eyes, and her silky black hair is pulled up in a tight ponytail. In short she's cute, and to top it all off there's a lollipop in her mouth that makes her looked even more adorable.

"Sorry, I didn't mean to startle you." Sabi niya na nakangisi ng matanggal nito ang lollipop na kinakain.

"No, it's okay." Nakangiting tugon ko dito.

"I'm Ravena Crow. The President of this School Student Council and I'm here to guide you." Pag-papakilala niya sakanyang sarili. Damn! Is she really the SC-President? May kasabihan ngang Don't judge a book by it's cover, Malia.

"And I'm Mal..." I introduced myself and extended my arms to shake hers but before I can, she beat me to it.

"I know. Malia Anderson, the new girl." She said in a cold tone.

I just nod in answer. She still can intimidate a person despite of her cute apperance. And all of a sudden, in just one snap of her finger, a men in black from the building is making his way towards us. I literally jaw-dropped for the third time. Where did he came from?

"Ayy... Power." Bulong ko nang mag-bow ito kay Ravena at hindi man lang niya binati ito. Ayy... bongga siya, powerful.

"Take her things to her room." Utos niya sa lalakeng nasa harap namin.

"Yes, master." Sabi niya at nag-bow ulit ito. What? Master? Is there some kind of hierarchy here? Agad naman siyang gumalaw, kinuha niya ang duffel bag ko at isinakbit niya sa kaliwa nitong kamay at ang kanang kamay naman niya ang nagbuhat ng maleta ko.

"This way Ms. Anderson." Pang-aagaw ni Ravena sa atensyon sa pinapanood ko.

Ibinaling ko kay Ravena ang atensyon ko na naka-akyat na pala ng limang hakbang sa hagdan at hinihintay ako. Sumunod ako at inakala kong susunod ang lalakeng may hawak ng gamit ko ngunit sa ibang direksyon ito nagtungo.

"Don't worry, your things are safe. He works here." Sabi ni Ravena ng mapansin niyang hindi ma-alis ang tingin ko sa lalake.

"Okay." Tipid na sagot ko sa kanya at sumunod na.

Nang makapasok kami sa loob ng building ay mas lalo akong namangha, parang nasa sinaunang panahon ako sa England at ang pinagkaiba lang ay nakakatakot dito. Pinanindigan talaga ng may-ari ang Gothic Style Theme nang paaralan dahil may isang malaking Fallen Angel Statue sa gitna. May napansin din ako kanina sa labas na mga statue ng mga Fallen Angels. Kung hindi ko alam na isa itong paaralan ay malamang napagkamalan ko ang lugar na isang museo ng mga fallen angels. Sinundan ko lang si Ravena dahil ayaw kong maligaw sa ganitong lugar. Tumigil ito sa isang malaking pinto.

"Registrar Office." Mahinang basa ko sa nakadikit sa pintuan na tinigilan namin ni Ravena. Kumatok si Ravena ng tatlong beses at binuksan ito. Sinenyasan niya ako na pumasok at sinunod ko naman.

"Just tell her your name and that you're the new student." Payo niya sa akin at tuluyan na niyang isinira ang malaking pinto. Nilibot ko ng tingin ang opisina at ch-in-ek kung may tao ba.

"Hello?" Nang mapansin kong walang tao sa office na ito.

Napakalaki ng silid na ito para maging opisina. Kulay itim ang sahig at pula naman ang dingding ng opisina na'to. May office table at chair sa harap ko na malapit sa naglalakihang bintana na may pulang kurtina na may disenyo na itim na bulaklak, na hula ko ay dito umu-upo ang Head ng Registry Office na pakay ko. Tumingin ako sa kanan ko at may isang mahabang coffee table at dalawang couch sa gilid ng silid malapit sa kinatatayuan ko.

"You must be the new girl?" Tanong ng isang babae. Ibinaling ko ang atensyon ko sa bandang kaliwa ko at nakita ko ang isang babae na sa tantya ko ay nasa mid-20's palang nito. Kalalabas lang niya sa isang pintuan na ngayon ko lang napansin na konektado pala dito. Maputla ito tulad ni Ravena, maitim ang buhok na umabot sa bewang niya, maitim na mata, mapupulang labi at naka-office attire.

"Uhmm... yes, ma'am. I'm Malia Anderson." Sagot ko sa kanya.

"Come and sit." Pag-yaya niya sa'kin ng makarating siya sa table niya. Sinunod ko naman ito at nagtungo sa table niya.

"I'm Monette Marasigan, the Head of this office." Pagpakilala niya sa sarili at inilad nito ang kamay niya para makipag kamay sa'kin.

Ngumiti ako sa kanya at nakipag kamay. Napasinghap ako at agad na nabitawan ang kamay niya. Tumawa ito ng nakakatakot ngunit hindi ko pinahalata na natakot ako. Ang lamig ng mga kamay niya na parang humawak ito ng yelo bago nakipag-kamay sa'kin.

"I'm sorry, ma'am." Pag-hingi ko ng tawad sa inasta ko.

"No, it's okay. I always get that a lot with humans." Sabi niya na parang hindi siya tao. Goddess! This place is sure weird.

"So, here's your schedule and ID. And please surrender your phone or any telecom deviced you have. " Sabi niya. Binigay niya ang kanina pang hawak na papel, binuksan niya ang drawer sa gilid niya, nilabas ang isang bagay na may strap at inabot sa'kin. I took out my phone on my sling and gave it to her. I'm aware with this rule that's why it didn't shock me at all. Also, I have no one to text to, so I'm cool with it. I can keep my laptop, Ipad and Mp3. "Welcome to Riverside Boarding School and I hope you enjoy your stay here, Ms. Anderson." Sabi niya at ngumisi.

"Thank you, ma'am." Sabi ko sa kanya at nginitian siya.

*******

avataravatar