155 Kayleen's POV

Ibinaba ni Ashton sa lamesa ang tablet matapos nyang basahin ang diary ko. Ubos na kanina pa ang inumin sa baso ko. Hinayaan ko lang sya na huminga nang malalim para iabsorb lahat ng nabasa nya. Dumaan ang ilang minuto ng katahimikan sa aming dalawa. Tanging ang music lang sa coffee shop at ilang kwentuhan ng mga customers ang naririnig namin.

Isang malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan ni Ashton. Hindi sya tumitingin sa akin. May bahid parin ng pamumula ang buong mukha nya na umabot pababa sa leeg nya. Nakatingin sya sa lamesa, sa bintana, kahit saan maliban sa mukha ko.

Tumikhim sya bago nagsalita. "Excuse me." Tumayo sya at naglakad palayo sa table namin.

Lumapit sya sa cafe bar counter at umorder ng drinks. Bumalik sya makalipas ang limang minuto na may dalang dalawang grande size na frozen caramel delight. Inilapag nya sa harap ko ang isa, diretso naman syang uminom sa cup nya.

"So..." umpisa ko. Tumingin sya sa akin. "Tapos na ang OJT ko. Nakumpleto ko na ang two hundred hours na requirement ng school. Free na ang buong summer ko. Ikaw? Tuwing kailan ang practice nyo?"

"Wednesday, Thursday and Friday ang practice namin." Nag-drum ang mga daliri nya sa lamesa na parang di sya mapakali at may hinihintay.

"Ashton, ano'ng iniisip mo?"

Tumingin sya sa akin nang diretso. "Ano'ng naramdaman mo kanina habang kausap mo si Ryan?" Bakas ko ang kaba sa boses nya kahit na walang emosyon ang mukha nya. Patuloy sa pag-drum sa lamesa ang mga daliri nyang di mapakali.

Nagulat ako sandali sa tanong nya. "Masaya."

"Masaya?" ulit nya na tila di nagustuhan ang sagot ko.

"Oo, flattered. Nagustuhan din pala nya ako." Uminom ako sa cup ko. Hindi ko ino-order ito dahil masyadong matamis ang pangalan. Pero mas masarap din pala kahit walang espresso. Balanse lang ang tamis.

Tumigil ang mga daliri nya sa pag-drum sa mesa. "Talaga?" may pait sa tono nya. Humalukipkip sya at sumandal sa upuan nya.

"Nagseselos ka ba kay Ryan?" gulat na tanong ko.

"H-Hindi," tanggi nya na hindi tumitingin sa akin.

"Hindi mo ba binasa nang mabuti ang diary ko?" pumangalumbaba ulit ako sa lamesa habang tinitignan sya.

"Binasa ko."

"Eh di alam mo kung sino talaga ang gusto ko," nangingiting sabi ko.

Nakagat nya ang labi nya pero huli na para itago ang ngiti sa labi nya. Alam kong masaya sya. Wala naman syang dapat na ikaselos kay Ryan. Matagal ko na syang hindi gusto.

"Tatanungin mo na ba ako?" tanong ko.

Sinalubong nya ang tingin ko. Nakita ko ang kislap sa mga mata nya, kaba, saya, antisipasyon, pagmamahal. Nginitian ko sya nang ubod ng tamis.

"Kayleen," lumunok sya at huminga nang malalim. "will you please... please be my girlfriend?"

Tumawa ako sa tuwa. "Yes, Ashton. Kahit walang please, pumapayag na akong maging girlfriend mo."

Sa tuwa nya, napatayo sya at napasuntok sa hangin na may kasamang malakas na YES! Napatingin sa amin ang ibang customers at tila may clue sila sa nangyari ay pumalakpak sila sa direksyon namin. Hindi mawala ang ngiti sa labi naming dalawa ni Ashton. Mabilis nyang hinawakan ang dalawang kamay ko at hinalikan ang dalawang palad ko.

"Finally," bulong nya sa palad ko habang nagniningning ang mga mata na nakatingin sa akin. "I can keep you."

"Yeah," tumatawang sangayon ko. "for as long as you like."

"Forever," bulong nya. Napalitan ng determinasyon ang emosyon sa mga mata nya.

Nakangiti akong sumagot. "Always."

Umakyat ako sa hotel room ko na pagod pero masaya. Una kong tinanggal ang sapatos ko dahil sumasakit na ang paa ko kanina pa. Masyadong mataas ang heels ng sapatos ko at nanibago ang mga paa ko. Mabuti wala akong naapakan na paa kanina sa eighteen roses. Eighteen. I'm eighteen years old pero pakiramdam ko wala namang nagbago.

Pumasok ako sa bathroom para sana maligo. Natanggal ko na ang suot kong gown nang tumunog ang cellphone ko. Lumabas ako ng bathroom nang bathrobe lang ang suot. Kinuha ko ang cellphone ko sa lamesa at tinignan kung sino ang nag-text. Si Mr Creeper. Mabilis kong binasa ang text message nya at ibinaba ang cellphone sa mesa nang di nagrereply.

Kumuha ako ng pajama set sa bag ko at dali-dali iyong isinuot. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa gazebo na nasa garden ng resort. May ilang kandila na nakasindi sa daraanan ko papunta sa gazebo. Namangha ako sa naging epekto non lalo na at maraming bulaklak na nakapaligid sa lugar.

Nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa loob ng gazebo. May nag-iisang kandila sa loob na nakapatong sa pabilog na mesa. May dalawang kahon sa magkabilang gilid non, isang malaki at isang maliit.

"Mr Creeper?"

"Ako nga," nakangiting sagot nya.

Nilahad nya ang isang kamay sa akin na inabot ko at pumasok ako sa loob ng gazebo. Almost fictional ang naging dating nya dahil sa epekto ng liwanag ng kandila. Parang kahit anong oras ay maaari syang maglaho na parang bula. Hinawakan ko nang mahigpit ang isa nyang kamay habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa gwapo nyang mukha. Ayoko syang mawala.

"I have some gifts for you," sabi nya.

Tinignan ko ang dalawang kahon sa lamesa. Una nyang kinuha ang malaking kahon.

"Open it," nakangiting sabi nya.

Binasa ko ang labi ko bago ko alisin ang ribbon at sirain ang papel na naka-cover sa kahon. Binuksan ko ang itim na kahon at may nakitang bilog sa loob non.

"Go on," aniya nang tumigil ako.

Kinuha ko ang laman ng kahon. Napasinghap ako dahil medyo malamig ang bagay na yon.

"Pretty," sambit ko nang makita nang husto ang regalo nya sa akin.

Nagdampi ang mga kamay namin nang hawakan nya rin ang regalo. May pinindot sya sa likod at umilaw ang snow globe, may pamilyar na tugtog ang lumabas mula sa bagay na hawak ko. Isang itong music bow na may snow globe sa ibabaw. May laman na unicorn sa gitna at nakasakay doon ang isang babae na may pink na gown. Katulad ng gown na suot ko kanina lang. Nag-init ang dalawang sulok ng mata ko. Hindi lang nya ito basta na binili, ipinagawa nya ito mismo.

"Nagustuhan mo ba?"

May nakaharang sa lalamunan ko kaya hindi ko nagawang sumagot. Tumango ako sa kanya. Pinakinggan kong mabuti ang tugtog sa music box. Naalala ko na kung saan ko iyon narinig. Ito ang tinugtog nya sa akin sa resthouse kung saan sabay kaming nakatulog sa sofa.

"May isa pa," nakangiting sabi nya. Kinuha nya ang music box sa kamay ko at ipinatong sa lamesa. Patuloy iyon sa pagtugtog.

Kinuha nya ang maliit na box at ibinigay sa akin. Tinignan ko muna saglit ang mukha nya bago ko buksan ang maliit na kahon. Isang heartshape na pendant ang nakita ko sa loob. Kasing liit iyon ng thumbnail ko. Napasinghap ako sa ganda nito. Walang ibang design yon, walang nakaukit o kumikinang na bato pero para sa akin napakaperpekto non, puso na mukhang gawa sa ginto.

"Ashton..." sambit ko nang tumingin ako sa kanya.

Nakangiti syang nakatingin sa akin. "My heart, keep it, it's yours."

Lumunok ako para mawala ang nakabara sa lalamunan ko. "I will." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapaluha. Ibinigay nya sa akin ang gusto kong makuha at wala na akong mahihilig pa.

Pinunasan nya ang luha ko gamit ang maiinit nyang mga kamay.

"May I?"

Ibinigay ko sa kanya ang maliit na kahon. Kinuha nya ang kwintas mula roon, ipinatong ang kahon sa lamesa at umikot sa leeg ko ang mga kamay nya. Ramdam ko ang paghinga nya at ang init ng katawan nya sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Mabuti nalang at medyo madilim dahil sigurado ako na namumula ang pisngi ko.

"Perfect," bulong nya habang nakatingin sa akin.

Tumingin ako sa mga mata nya. "Yeah, it is."

Lumabas kami ng coffee shop nang magkahawak kamay. Dala ko ang shoulder bag ko samantalang nakasukbit sa malapad na balikat nya ang gitara nya.

"Entry number one." Inabot nya ang bag sa balikat ko at sinukbit sa kabila nyang balikat.

"Ano'ng ginagawa mo?" natatawa kong tanong. Pink pa naman ang bag ko na bigay pa sa akin ni Ashleen bilang Christmas gift noon.

"Sabi ko naman sa'yo, binasa ko nang mabuti ang diary mo."

"Ashton." Natatawa parin ako dahil masyado syang cute sa hitsura nya.

"Girlfriend na kita," nakangiti nyang sabi. Binitawan nya ang kamay ko para akbayan. "Kailan mo gustong magpakasal?"

Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang dalawa kong kamay para mapigilan ang sobrang pagtawa. "Under age ka pa Ashton, hindi ka pa pwedeng magpakasal sa akin."

"Pwede naman akong magpakasal basta may consent ng mga magulang."

"Nag-research ka ba?"

Nakangiti syang tumingin sa akin. Mabilis nyang hinalikan ang noo ko.

"Basta sabihin mo lang kung kailan mo gustong magpakasal para masabihan ko kaagad sina Mama."

Sumakit ang tyan ko sa pagpipigil ng tawa. Ang cute nya talaga kahit kailan.

"Sige, kapag thirty na ako at successful na pastry chef magpapakasal na tayo."

Napatigil sya bigla sa paglalakad. "Thirty?"

Pinigilan ko ang tawa ko at nagseryoso ng mukha. "Oo." Sumakit ng husto ang pisngi ko sa pagpipigil ng tawa.

"H-Hindi ba pwedeng twenty?" apila nya.

Seryoso akong umiling. "Hindi. Masyadong maaga 'yon Ashton."

"Sige, thirty."

Namilog ang mata ko sa pag-sangayon nya. "Okay lang sa'yo?"

"Oo," nginitian nya ako. "Uso naman ang live-in muna."

"Ashton!"

Isang malakas na tawa lang ang ibinigay nya sa akin. Patuloy kami sa pagplano sa future habang naglalakad. Kami nang dalawa at wala na akong mahihiling pa. Masaya ako sa love story naming dalawa, nag-end man ang isang chapter ng kwento namin alam kong isa itong new beginning sa aming dalawa ni Ashton. Habang hawak ko ang kamay ni Ashton pati na rin ang puso nya, masasabi ko na ako ang pinakamaswerteng babae sa lahat!

"Ilang anak ang gusto mo?" tanong ni Ashton.

Ang layo na ng napag-usapan namin hindi pa nga kami graduate ng college. Pero nakangiti parin akong sumagot sa kanya.

"Kahit ilang gusto mo."

"Sampu."

"Sure, basta ikaw manganganak."

"I love you," bigla nyang bulong sa tenga ko.

"I love you too," nakangiting sagot ko. "Pero hwag sampu Ash."

"Syam?"

"Lower."

"Walo?"

"Lower."

"Pito."

Marahan kong hinila ang kwelyo nya at hinalikan ko sya sa pisngi. "Lower."

Hinalikan nya ako sa noo. "Anim."

"Lower," nakangiti kong sagot.

Lumapat ang labi nya sa talukap ng mata ko. "Lima."

"Lower." Tinitigan ko sya sa mga mata, bumagsak ang tingin nya sa labi ko.

Dumapo ang labi nya sa ilong ko. "Apat."

Tumingin ako sa labi nya. "L-Lower."

Tumaas ang gilid ng bibig nya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ramdam ko rin ang bilis ng tibok ng puso nya. Nakadampi ang isa nyang kamay sa likod ko.

Naramdaman ko syang mas lumapit sa akin, pumikit ako, saka dumampi ang labi nya sa labi ko.

"Tatlo."

avataravatar
Next chapter