webnovel

Kayleen's POV

***ONE YEAR LATER

Umupo ako sa bakanteng silya sa tabi ng bintana sa coffee shop na malapit sa school namin. Malamig sa kamay ko ang inorder kong caramel macchiato. Tumingin ako sa puting wristwatch ko na advance ng limang minuto, maaga ako ng fifteen minutes. Kinuha ko mula sa shoulder bag ko ang tablet ko at nagbasa ng Harry Potter and the Deathly Hollows, malapit ko nang matapos ang buong series ng Harry Potter. Kung hindi lang sana ako naging busy sa college, sigurado natapos ko na 'to dati pa.

"Kayleen," tawag sa akin ng boses ng isang lalaki.

Inangat ko ang tingin ko mula sa binabasa ko sa lalaking nakatayo sa gilid ng mesa sa harap ko.

"Ryan." Nginitian ko sya.

Umupo sya sa bakanteng silya sa harap ko.

Dumaan ang isang taon at mas naging gwapo si Ryan ngayon. Mas maraming babae ang na-inlove sa kanya sa school. Kahit highschool students nabibihag nya. Naging MVP din sya sa basketball tournament this year.

"Kumusta OJT mo?" tanong nya sa akin.

"Okay lang, marami akong natutunan," nakangiti kong sagot.

Tumango sya ng isang beses at uminom sa hawak nyang cup.

"May kailangan ka?" tanong ko. Inangat ko ang baso ko at uminom.

"Nakita kita mula sa table ko kanina. Fourth year na tayo sa susunod na school year, may gusto lang akong sabihin sa'yo na matagal ko nang gustong sabihin."

Ibinaba ko ang baso ko at kumuha ng tissue mula sa mesa para punasan ang nabasa ko ng kamay.

"Ano yon?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"Gusto kita."

Napatingin ako kaagad sa kanya sa sobrang gulat. May gusto sa akin si Ryan? Matagal na nya akong gusto? Hindi ako kaagad nakasagot. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Bakas ang nerbyos sa ginawa nyang pagtawa nang makita ang expression ko. Hinawi nya ang buhok nyang medyo humahaba na. A year ago, gagawin ko ang lahat mahawakan lang ang buhok nya.

"Una kitang napansin noong nabangga mo si Ashton sa hallway. Ang bilis ng takbo mo noon, na-cute-an ako sa'yo simula non."

Ikaw dapat ang nabangga ko noon Ryan at hindi si Ashton. Napangiti ako nang maalala yon. Gustong-gusto ko pa si Ryan noon na kung anu-ano ang plano na ginawa ko para lang mapansin nya pero palagi nalang akong pumapalpak.

"Pero matagal na yon hindi ba?"

Binigyan nya ako ng ngiti na nakakapagpabilis ng tibok ng puso ng kung sino mang babae.

"Gusto ko lang sabihin sa'yo Kayleen." Uminom sya sa cup nya. "Aalis na kasi ako papuntang Los Angeles para maglaro ng basketball. May nag-offer sa akin doon ng scholarship. Doon ko na rin tatapusin ang course ko."

"Pero isang taon nalang ga-graduate ka na."

"Nag-take ako ng summer classes para makuha ang ilang subjects ko. Kailangan ko nalang tapusin ang thesis ko at makakagraduate na ako. Three months nalang ang kailangan ko." Pinaikot nya ang cup sa kamay nya habang nakatingin sa akin.

"I'm happy for you Ryan, congrats. Malaking achievement ang nakuha mo," sincere na sabi ko sa kanya.

Tumawa sya. "Thanks."

"May plano ka pa bang bumalik dito?"

"Hmm." Huminga sya nang malalim. "Oo naman. Ito parin naman ang bansa ko. Babalik ako rito."

Nag-iwas ako ng tingin sa titig nya.

"I'm sorry, may hinihintay ka ba rito?" tanong nya.

"Yeah."

"Kung ganon aalis na ako." Tumayo sya. "It's good to see you Kayleen, atleast nasabi ko sayo bago ako umalis."

Tumingala ako sa kanya. "Ryan, just wondering, bakit mo sinabi? Pupunta ka na ng LA, kung sakali man na sabihin ko sa'yo na gusto kita, wala ring pag-asa."

"Siguro kasi gusto kong isipin mo ako palagi kahit wala na ako rito. Katulad ng palagi kong pag-iisip sa'yo kahit na hindi kita nakikita."

Wala akong masagot. Seryoso syang nakatingin sa akin.

"Kidding." Tumawa sya. "Katulad ng sinabi ko sayo kanina, matagal ko nang inilihim yon. Nang makita kita kanina, naisip ko na chance ko na para sabihin sa'yo."

"Yon lang?"

Nagkibit balikat sya. "Magkikita pa ulit tayo Kayleen. Baka pagbalik ko, magustuhan mo na rin ako."

Ngumiti ulit sya sa akin bago tuluyang lumabas ng coffee shop. Napabuga ako ng hangin. Hindi ko inakala na mangyayari ito. Matagal ko nang nakalimutan si Ryan. Napangiti ako at napailing, nagustuhan din pala nya ako.

May umupo sa silya sa harap ko. Nakita ko ang gitara nya bago ang mukha nya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Umayos ako ng upo.

"Ang saya mo yata."

"A-Ashton, kanina ka pa?" kinakabahan na tanong ko.

Hindi sya sumagot. Magkasalubong ang mga kilay nya. Nakita ko ang cup na hawak nya. Kanina pa nga sya. Narinig kaya nya ang mga sinabi sa akin ni Ryan kanina?

Hindi sya sumagot sa tanong ko at hindi rin nya ako tinignan. Nakatingin lang sya sa labas ng bintana, sa mga taong dumaraan.

Makalipas ang isang taon mas tumangkad na si Ashton, kung dati ay five 'five lang sya, ngayon ay kasing tangkad na nya si Ryan na six footer. Mas naging manly na rin ang katawan nya, nadagdagan ng muscles ang katawan nya. Palagi akong napapatingin sa biceps nya lalo na kapag nag-gigitara sya. Naaakit din ako sa dibdib nya lalo na kapag humihinga sya nang malalim, gusto kong haplusin yon gamit ang mga kamay ko pababa sa flat stomach nya. Hindi ko alam kung may abs si Ashton, sa tingin ko wala pa. Hindi ko kasi sya nakikitang nagwo-workout. Sumasama lang sya sa akin sa pagtakbo paikot sa subdivision tuwing umaga.

Gusto ko talaga syang haplusin. Bakit ba ang ganda nyang tignan? Palagi nya akong inaakit. Hinawakan ko nalang ang malamig na baso sa harapan ko. Baka kung ano pa ang magawa ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Na-miss ko talaga sya. Weekends lang kami kung magkita noon dahil malayo ang school na pinapasukan nya. At ngayong summer, saka naman ako nagkaron ng OJT.

Seventeen years old na si Ashton ngayon at one week nalang ay magiging nineteen na ako. Ang bilis talaga ng panahon. Natakot talaga ako noon dahil magkaiba kami ng college school ni Ashton. Akala ko mawawala na ang pagkagusto nya sa akin pero hindi naman sya tumigil sa panliligaw.

Habang abala ako sa OJT ko ay naging abala rin sya sa panliligaw kay Lola. Hindi ko alam na nasa Baguio pala sya, sinabi nalang sa akin ni Lola last week na approve sya kay Ashton na maging boyfriend ko.

"Ngumingiti ka mag-isa. In love ka ba?" may bahid ng inis sa boses ni Ashton.

Ngumiti ako nang malapad. "Oo, in love ako. Matagal na nga eh."

Tumingin sya saglit sa akin bago nilipat ang tingin nya sa labas ng bintana. Kawawa naman yung mga dumaraan na tao sa labas, kung nakamamatay lang ang tingin.

Binuksan ko ang tablet ko at tinap ang isang app. Nang mabuksan ang app ay nilagay ko sa lamesa ang tablet.

"Basahin mo."

Hindi yata ako narinig ni Ashton dahil masyado syang abala sa pagbibigay ng laser beam sa mga tao sa labas ng coffee shop.

"Ashton."

Sa wakas ay tinignan na rin nya ako. Nginitian ko sya at tinuro ang tablet ko.

"Basahin mo."

Lumipat ang tingin nya sa tablet kong may nakabukas na app.

"B-Bakit mo pinapabasa sa akin ang diary mo?"

Nginitian ko lang sya at nagkibit-balikat ako. Ininom ko ang natitirang caramel macchiato sa baso ko. Inabot nya ang tablet ko at nag-umpisang magbasa. Napatingin ako sa itim na sport watch na suot nya. Regalo ko yon sa kanya noong seventeenth birthday nya. May compas 'yon at oras para sa ibang time zone.

A year ago, binasa nya ang diary ko nang hindi ko alam. Ngayon gusto kong makita ang expression ng mukha nya habang binabasa ang diary ko. Gusto kong malaman ang naramdaman nya sa mga salita ko na nabasa nya.

Makalipas ang ilang minuto nawala na nang tuluyan ang madilim na aura ni Ashton. Mabilis ang pagpapalit nya ng expression sa mukha. Minsan simpleng ngiti na napapalitan ng malapad na ngiti, tumatawa sya at minsan ay seryoso at tahimik na nagbabasa. Kumunot ang noo nya, huminga sya nang malalim, nakagat nya ang labi nya at nasuklay ang kanyang buhok. Nanginig ang labi nya at umangat ang isang dulo non, nawala ang kunot sa noo nya, namula ang mukha nya nang sobra. Ah. Nasa part na sya ng diary ko kung saan puro sya na ang nakasulat.

Tinitigan ko nang matagal si Ashton. Hindi ko pinalagpas ang bawat emosyon na dumaan sa mukha nya. Natutuwa ako na panoorin sya habang nagbabasa. Mas pumula pa ang mukha nya habang nakangiti. Bigla syang tumingin sa akin. Nahuli nya akong pinapanood sya habang nakapangalumbaba sa lamesa. Mabilis na nawala ang ngiti sa labi nya at doon ko lang nakita na may mas maipupula pa pala ang mukha nya. Ibinalik nya ang tingin nya sa tablet at nagpatuloy sa pagbabasa. Nakagat nya ang ibabang labi nya na sa tingin ko ay paraan nya para di tuluyang mapangiti.

Napupuno ng paru-paro ang tyan ko habang tinititigan si Ashton. Ganito pala ang hitsura nya habang binabasa ang diary ko. Nakahinga ako nang maluwag, noong una kasi akala ko pinagtatawanan nya ako. Kahit nakangiti sya, namumula naman ang mukha nya kaya alam ko na hindi nya ako pinagtatawanan. Nakangiti sya kasi masaya sya sa nababasa nya.

Hindi ko na alam kung gaano katagal ko syang tinititigan habang nagbabasa sya. Napansin ko nalang na wala na ang ibang customers na kasabay ko kanina na dumating.

Next chapter