1 Dead End

Tuesday Nights, naglalakad ako malapit sa kalsada habang hinahanap ang mga kasama ko mula sa nabunggong sasakyan. Sa unang pagbungad ko, nakita ko si Kevin nakahandusay sa gitna ng daanan, mga ilang saglit pa napansin kong may naipit sa loob ng kotse at bata'y sa mukha, si jennifer iyon. Dinala ko sila malayo sa napangyarihan ng insidente. Hindi ko labis matingnan ang kanilang kalagayan, at hanggang sa napa-iyak nalang ako nang mapansin kong binawian na pala sila ng buhay. Di ko maunawaan ang nangyayari, dahil sa sobrang bilis hindi aakalain na ito agad ang magiging kahihinatnan.

Ang pangalan ko ay Jake, tanggapin ko man o hindi naipit kami sa isang trahedya habang kami ay nagbabyahe at nangyari iyun dahil sakin. Kung hindi ko lang niliko ang manubela, di sana mangyayari ito. Sinisi ko ang sarili sa lahat, pero anung mapapala ng pagdadalamhati ko kung wala akong magawang tulong para sa kanila. Nasa gitna kami ng isang abandonadong kalsada, liblib at parang isang gubat. Inisip ko nalang na dapat mamatay narin ako, natatandaan ko pa mga detalye bago humantong sa ganito.

Habang ako'y nagmamaneho may nakita akong tao na nasa gitna ng kalasada. Sa sobrang bilis ng takbo ng sasakyan di ko naiwasang mapihit ng todo ang manubela, dahilan ng pag-iba ng direksyon ng kotse at hanggang sa ito ang nangyari. Hindi ko alam kung anung meron lalaking nakatayo sa gitna kanina pero lalo akong kinalibutan nang mapansin kong parang naglaho nalang siya bigla. Kahit sabihin nag-aalala ako sa kanila, hindi ko parin maiwasan matakot at lalo na't nasa lugar kami na madilim, nakakatakot at malayo sa bayan.

Pagod na ang mga paa ko sa kakalakad upang humanap ng gagawin kaya umupo ako saglit. Habang ako'y nagmunimuni may napansin akong anino mula sa usok ng sasakyan, taong naglalakad na paika-ika galing sa lugar ng aksidente hanggang sa mamukhaan kong si Carl pala iyon. Labis akong nagalak nang makita sya, di ko masabi ang tuwa dahil sa wakas hindi lang ako ang nakaligtas.

"Uyyyy!!!...CARRRLLLL!!!, dito!..." Sabay kaway ng dalawa kong braso upang mapansin niya agad.

Habang tumatagal pabagal nang pabagal at parang nawawalan na sya ng balanse sa lakad, kaya sinalubong ko nalang. Habang palapit kami sa isa't isa may biglang lumitaw na isang pang anino sa kanyang likuran at nakabuntot kay Carl. Tiningnan ko ulit nang maigi at baka guni-guni ko lang ang nakikita ko, pero habang tumatagal mas nagiging klaro sakin ang itsura niya at hanggang sa mapansin kong may dala pala syang patpat. Kaya di ko sinayang ang oras, sumigaw ako sa abot aking makakaya.

"CARRLLL!!!....SA LIKURAN MOHHH!!!..."

Mga ilang saglit pa, di ko na masabi ang mga nangyari.

"Sinubukan ko naman iligtas siya diba? Bakit parang walang silbi? Ganito ba ako ka-useless na tao? ba't wala akong magawa?" Ito ang mga pumapasok sa utak ko habang pinapanood ko ang paghahampas ng matigas na bagay sa ulo ni Carl. Nanginginig ang mga kamay ko nang tinititigan ko ang tao nayun tuwang-tuwa habang dinudurog niya ang buto ng kasama ko, na aakalaing dumidikdik lang ng dahon sa almires. Napatunganga nalang at takot na takot, kaya nagdasal nalang ako  di mapansin at huwag sana isunod.

Matapos ang ilang minuto, nakita kong hinihila niya si Carl na parang bagahe papunta kadilim-dilimang bahagi ng lugar at hanggang sa tuluyang na syang naglaho.

"ha...ha...ha...HAHAHAHAAAAA!!!!..." habang tumatagal lumalakas ang ingay na nililikha ko.

Anu ito?...Dapat ba magluksa? Bakit ako natutuwa, anong klase akong tao ni di ko man lang kayang magdalamhati sa kanya dahil ba sya ang kinuha at hindi ako. Patuloy ako sa kakaisip nang mapansin kong lumalabo na, paningin ko. Bigla akong nagulat, makita kong may nakatayo puting babae sa harap ko. Kumaripas ako ng takbo papalayo, sa sobrang bilis napadapa nalang ako sa bangkay aking kasama. Takot na takot ako, di ko alam ang gagawin, at gusto kona umalis dito.

Mga ilang minuto pa, limingon ako sa aking pinanggalingan at wala na dun ang babae. Kaya di ko sinayang ang pagkakataon, at nakaramdam nako pagiging makasarili. Wala nakong pakialam sa kanila, ang mahalaga ay ang buhay ko. Nagmamadali akong umalis na di hadlang ang layo basta't makalayo lang sa sinumpang lugar na ito.

Habang ako'y tumatakbo, may nappansin may nakatayo kung saan patungo ako. Laking gulat ko na lamang si Claire pala ang nakatayo na parang statwa. Di ko aakalaing buhay pa si Claire, ang pagkaka-alam ko sya ang naunang nasawi sa trahedya. Kaya binilisan ang takbo at dali-dali kong niyakap nang mahigpit. Ayoko kona ulit mawalan ng mahal ko sa buhay.

"Claire!...Salamat naman at buhay ka!" di ko mapigilang mag-aalala sa kanya.

"Claire, Kailangan na nating umalis. Alam di ka maniniwala dito pero  may mga ninilang na nagpakita kanina. Pinatay nila CARL!, kaya plss umalis na tayo."

Walang imik parin si Claire, tulala at parang di nya man lang ako napapansin. Habang tinitigan ko sya nakita ko ang kanyang matang di kumukurap at mukha nagkakalaman ng takot. Sinundan kung saan naka-atensyon ang kanyang paningin, at sa dulo nun kung saan ako nanggaling. Bigla kong naalala na nandoon pa ang bangkay ni Kevin at Jennifer.Nakaramdam ako ulit ng muhi sa sarili,

"Sorry Claire...,hindi ko sinasadya. Kasalanan ko toh!... Dahil sakin namatay sila, So...rrry!!!...SORRY TALAGA! Patawarin moko pakiusap." di ko na mapigilang umiyak dahil sa konsensya.

Sa pagiging makasarili ko, di ko na napapansin ang mga taong mahalaga sakin. Dahil sa takot maging tulad nila. Di ko inaakala naging traydor na ako sa kanila. Kaya napag-isip-isip ko na di ko tatakbuhan bumabagabag aking kalooban. Papatuyan kona higit ang pagkakaibigan kaysa kamatayan.

Hinawakan ko kanyang balikat at sinabi,

"Wag kang mag-aalala Claire, maayos din ang lahat."

"Una sa lahat kailangan natin humanap ng masasakyan  upang makahingi tulong."

"Ayos, paba cellphone mo?...Claire?"

Katulad ng dati, wala parin syang pinagbago; di nagsasalita, nakatunganga, at di man lang gumagalaw sa kanyang kinatatayuan.

"Ahh, Wala karin ba? baka nasunog din matapos mabangga ang Kotse..."

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!..." tili ni Claire, halos magkakadugo ang tenga ko sa nakakarinding tunog.

Tuluy-tuloy parin ang labas sa mala-speaker na boses, umupo mula sa sahig, tinakpan ang ulo at nagsimulang pumatak ang kanyang luha. Matapos kong makita iyon napayakap ako ulit sa kanya, kaya nagsalita ako,

"Maraming tayong mahahalagang bagay na mawawala, kaya di natin matanggap pagbabago. Alam kong masakit, pero kailangan mong tanggapin na wala na sila. Wala nang silang pag-asa mabuhay pero ikaw, ako meron pa! Kaya plss!...Claire!" tumayo na ako,kinuha ko ang kamay nya at dumiretso na kami sa paglakad. At nang sandiling iyon tinanggal ni Claire ang kanyang kamay mula sa aking pakakahawak. Nagulat  ako sa kinilos ni Claire kaya napatingin ako sa kanya,

"Claire?..., May problema ba?"

"Bu...hayyyy?!" sabi nya. Mahinang salita na lumalabas sa kanya.

"Claire, Anung sinasabi mo?" di ko maintindihan ang punto nya.

"BUUU!...HAAAAYYY!!!"  palakas nang palakas ang kanyang boses.

Biglang syang lumayo sakin at takot titigan ang mukha ko,

"NASASABI MO PANG 'MABUHAY' , MATAPOS ANG GINAWA MO SAMIN?!!!"

Di ko sya masisi, sa lahat-lahat ako dapat ang mamatay.

"Alam ko Claire, di ko talaga mapapatawad  ang sarili ko. Pero aksidente ang nangyari maniwala ka. Di ko ginusto na ganun ang hantungan nila. Claire plss...Wala tayong panahon para sisihin sa nangyari kaya parang  awa mona...Claire!..." dahan ko syang nilalapitan pero bigla syang napaatras na parang may gagawin ako sa kanya. Napapikit sya at lumuha ng sobra hanggang sinabi nya,

"Plss!...Nagmamakaawa ako...Wag moko saktan!..." walang tigil ang kanyang iyak.

Di ko maunawaan kung bakit ganun nalang tingin nya sakin,

"Claire, Wala akong gagawin sayo. Kaibigan mo ko Claire plsss...magtiw..." di ko na natapos ang pangungusap ko nang may marinig akong nakakagulat na salita, mula sa kanya.

"TUMIGIL KA!!!..."

"itigil mo na plss...ang kakatawag ng 'Claire' di yon ang pangalan ko."

"At ni-hindi nga kita KILALA!!!..."

Blangko na ang utak ko, di ko alam kung anu bang reaksyon ang gagawin ko mula sa narinig ko.

"Anu bang sinasabi mo?,haha...Ako toh!...si Ja..k..e..."

"Wala akong kilalang ganyang pangalan!!!" talagang siguradong-sigurado siya.

"Ha?, wag ka naman magbiro ng ganyan. alam ko..."

"I...Ikaw yon diba?" biglaang tanong, habang pasulyap-sulyap lang ang tingin sakin.

"Ang, anu?" pagtataka ko.

"Ang taong nasa isa pang kotse, habang kami ng kaibigan ko humihingi ng tulong dahil nasiraan kami ng sasakyan ay bigla kang napadaan. Sa halip na huminto ka,  inararo mo ang kaibigan ko na nasa sa gitna ng kalsada nais lang humingi tulong sayo. At nakulangan ka pa, sinadya mong iliko ang sasakyan mo para masagasaan ang mga walang kamalay-malay kong kaklase  habang sila'y sa loob ng sasakyan."

"Paano mo naman nasabi yan? Ligtas ka di ba?" katawiran ko.

"Habang nasa ako'y humahanap ng may pwedeng lugar na maging banyo. Nakita ko ang lahat ng nangyayari, mula  sa pagbangga mo ng sasakyan hanggang sa pagtorture mo sa kanila."

"Anu?, Nagkakamali ka ibang tao ang gumawa nun, hindi ako. Parang silang engkanto, kitang-kitang ko kung panu nila paglaruan sa Carl."

"Carl? sino tinutukoy mo?, Ang tanging engkanto nakikita ko dito ay kundi IKAW!!!"

"Kitang-kita ko lahat ng ginawa mo...At kung may gagawin kapa sakin..."

"SIGE NGAAA!!!, ANUNG GAGAWIN MO." lumalalim ang boses na parang may pagbabanta. Bigla siya napalayo at hindi na sumubok magsalita.

"Hahaha....HAHAHAHAAHAHAHA!!!..."

"Okey!, I'll give up, suko na!. Nahuli moko dun ha!...HAHAHAHA!!!"

"Anung  gagawin mo sakin?"  tanong nya.

"Seriously, yan agad ang tatanungin mo?, Ah, well di naman kita masisi. Ehh...kung unahin kayang natin sagutin bakit ko ginagawa ito, para magmukhang nasa palabas diba?"

"Ahh, ba...bakit mo ginagawa i...itoh?" pilit na tanong ng babae.

"Oh ayan, thankyou for the wonderful question. Ahhmmm...I believe, because it's so much FUN!!!...HAHA"

Hindi na makatingin ng maayos ang babae. At kitang-kita ang nginig nya sa takot.

"FUN!" sabi niya.

"Yes! Fun, Wala kabang ganun?"

"Pinatay mo ang kaibigan ko dahil  NASISIYAHAN KALANG!!!..."

"wag ka magalit, kahit anu pang gawin mo ngayon di mona mababalik ang kaibigan mo."

"Sayaw nalang tayo! bug..chhug..guu...cha!!!...buuguh..chu..ooh..aha...yeah!!!.." patuloy ako sa kakasayaw hanggang sa,

"Isa kang Demonyo!"

"Woah!...,Ang sakit naman!" sabi ko habang patuloy sa kakaindak.

"Pero kung sabihin ko sayo. Mas mataas pa ako dun!"

"Hala, mag-aalasingko na pala. Sige aalis nako, masarap magjogging pag ganitong oras eh."

"Wag mo ko tingnan ng ganyan, natutunaw ako haha..."

Walang imik ang babae.

"Huwag ka mag-alala ligtas ka, sa ngayon."

"Basta sa susunod pag magroroad trip kayo magbasa muna kayo ng signs bago dumaan hah."

"Anung Signs?" biglang gumising ang diwa ng babae.

"Di nyo alam?...."

"DEAD END na toh!!..."

*THE END*

avataravatar