webnovel

How We Met

Hindi ako sure kung kelan talaga kami nagmeet. 2010 ba o 2011? Basta ang alam ko second year college ako ng mameet ko siya. During that time, nakaenrol ako sa isang public university at nag-aaral ako ng secondary education, major in English. Gusto ko sana mag-architect pero hindi naman afford ng lola ko. My parents were both dead. Kaya mas nangibabaw ang practicality ko over my dreams.

Hindi naman ako originally from the city. Galing akong province. But dito na ako sa city linag m-ar ng lola ko para malayo sa uncle kong galit sa akin dahil sa choices ko. Sa isang boarding house malapit sa school ako nakatira nun.Doon sa boarding house na 'yon, sikreto kaming nakikiconnect sa wifi nila. That time, binigyan ako ng ipod 4s ng pinsan kong nasa abroad. Pinakaiingat-ingatan ko 'yun kasi first time ko magamit ng touch screen.

Adik na adik ako nun sa Temple Run. 15 million kaya ang high score ko nun. Pero medyo nabore na ako sa kakalaro kaya naisapan kung magdownload ng kung ano ano sa App Store. May nadownload ako ng parang dating app. Hindi Tinder. Sa pagkakaalala ko something like scout 'yung tunog ng app.

Nagregister ako at nilagay ko 'yong profile and picture ko. That time medyo tago pa ako sa sexuality ko kaya nilagay ko na interested ako both male and female.

Hindi pa nga ako ng 15 minutes may mga chat na ako. Mostly foreigners tapos ang gaganda at ang gwagwapo. Nagulat nga ako minsan kasi may nagsend ng dick pick.

Pinatay ko 'yong ipod ko. That time, hindi pa uso ang nudes. Napalunok ako. First time ko kasing makakita ng ganun.

**

Lumipas ang ilang araw at nagstart na ako mag-enjoy sa dating app na 'yon. Dami kong nameet na cute and sexy guys. May iba na gusto akong mameet pero alam ko sa sarili ko na hindi pa ako ready sa ganun. Virgin pa kaya ako nun. Both girl and boy.

Then, habang nagview view ako ng online members. May gwapo akong napansin na online.

Ed KR 'yung account name. 3.4 km lang mula sa location ko. Chineck ko 'yung profile nya. Isa lang 'yung picture . Napakasweet and innocent ng feature nya pero 'yung mga mata niya kung tumitig parang babastusin ka. May piercing siya sa lips niya pero hindi siya mukhang adik.

Hindi niya finill-out 'yong interests and hobbies na part. Nilagay niya lang na interested siya with boys and girls. Habang chinecheck ko 'yung profile niya bigla akong may nareceive na messagge.

Galing kay Ed KR. Shit. Premium pala 'yung account niya. Meaning nanonotify siya 'pag may nagviewview sa account niya.

Binuksan ko 'yung message at parang ganito 'yong sagutan namin:

Ed KR: You like what you see, eh?

Me: Maybe.

Ed KR: Wanna see more?

Me: (napalunok ako) Depends.

Ed KR: NASL?

Me: Albert 17 M ******, you?

Ed KR: Kenric 18 M *****, are you gay?

Hindi ko alam kung ano isasagot ko.

Me: Maybe.

Ed KR: Make up your mind.

Me: You?

Ed KR: I fuck men and women

(Halos maluwa ang mata ko that moment.)

Ed KR: still there?

Me: Yes

Ed KR: You're pretty. I want you.

Me: Really?

Ed KR: Yes. Meet up?

Me: Bilis naman.

Ed KR: Baka kasi may mauna sa'yo.

Me: Hindi ako kasama sa early bird promo.

Ed KR: May experience ka na?

Me: (Ayokong isipin nya na napakainocente ko) Meron.

Ed KR: Nice. Meet up bukas?

Nagsend siya ng picture niya na topless.Ang laki. Halos manginig ang katawan ko sa kanya.

Ed KR: I can send you more. Ano na?

Me: Okay.

Ed KR: Saan mo gusto?

Me: Pwede sa Jollibee nalang.

Ed KR: Too public. Dito nalang sa condo ko.

Me: Hindi ako sure about this.

Ed KR: Magmemeet lang naman tayo. Promise wala akong gagawing masama sa'yo(lies, one of his hundreds)

Me: Sige send me your address.

Ed KR: Give me your number.

Me: 09*******

Ed KR: See you

Hindi ko alam kung bakit pero naexcite ako sa prospect na makipah-eyeball. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit may kakaiba akong attraction kay Ed KR.

Next chapter