webnovel

Darkness: the beginning of legend (Filipino/Tagalog)

Ang kwento ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang dalaga upang makamtan ang katarungan sa mapait na sinapit ng kanyang pinagmulang nayon. Ngunit bago ang lahat ay kailangan muna niyang sunduin ang tagapagmana ng Hari at ibalik ito sa lugar na nararapat dito ng buhay at boo.

Sept_28 · Fantasy
Not enough ratings
25 Chs

19 Mataas na kapulungan

"Ina, mukhang hindi ko na po yata mahihintay ang pagdating ng aking kapatid." Mahinang wika ng may sakit na hari sa kanyang ina na nakaupo sa hinihigaan niya.

"Huwag kang magsasalita ng ganyan, anak kong Hari. Hindi mo iiwan ang iyong ina." Iyak naman ng tsarina.

Maririnig namang nagkakagulo sa labas ng silid na iyon ng Hari at biglang bumukas ang pinto na ikinabigla ng lahat na nasa loob at nagbigay takot sa lahat ng naroroon.

"Tsarina," tawag ng isang matandang maputi na ang lahat ng buhok ngunit malakas parin. "Bilang kinatawan ng mahal na Hari, may mataas na kapungan po kayong dapat na pangasiwaan at hinintay na po kayo."

"Punong ministro," tawag naman ng tsarina sa matandang iyon. "Ipahayag mo sa kapulungan na hindi maayos ang kalusugan ng tsarina kayat hindi ito makakadalo sa pagpupulong."

"Kahit pa sabihin kong naroon naghihintay ang prinsipe?" Tanong punong ministro upang mahikayat ang tsarina na magtungo sa pagpupulong at ng masaksihan ang pagbagsak ng angkan nito.

"Anong ginawa mo sa prinsipe?" Nagagalit namang tanong ng tsarina dito na tinawanan lang punong ministro. "Isinusumpa ko na kapag nalaman kong may ginawa ka sa prinsipe ay hindi ko mapapatawad ang sampo ng lahi mo hanggang sa kabilang buhay!"

Mas lalo lamang na lumakas ang halakhak ng punong ministro hanggang sa lumabas na ito sa silid ng Hari.

Walang magawa ang tsarina kundi ang magtulong sa kapulungan. Nanlambot ang kanyang tuhod ng makita makita ang isang magarang kabaong na pinapagitnaan ng mga nakahilirang mga ministro.

Inalalayan ng isang tagapagsilbe ang tsarina papunta sa kabaong. "Ano ito? Bakit kayo nagdala ng kabaong dito sa pagpupulong?" Nagtatapangtapangang tanong ng tsarina at nananalig na hindi ang prinsipe ang nasa loob.

"Sapagkat nararapat lamang na dalhin dito." Sagot naman punong ministro. "Buksan ninyo!"

Lumapit sa kabaong ang dalawa sa anim na kawal na nagdala ng kabaong. Itinulak nito ang takip ng kabaong at nagulat sa nakita.

"Bakit di mo kaya lapitan Mahal na tsarina." Sabi pa ng punong ministro.

Lumapit sa kabaong ang tsarina na nangangamba sa maaaring makita ngunit biglang humalakhak ng makita ang nasa kabaong na taliwas sa inaasahan ng punong ministro.

Hindi mapigilan ng tsarina ang sarili sa pagtawa at wala ng pakialam kahit marami man ang nakakakita.

Dalawa naman sa anim na kawal na iyon ang lumapit sa tsarina at lumuhod ang mga ito.

"Tsarina, paumahin po at hindi kami agad na nakapasok ng Paldreko." Nagulat ang punong ministro ng marinig ang tinig babae ng salamangkerong kawal samantalang wala naman siya naaalalang babae na magdadala sa kabaong ng prinsipe sa loob ng kapulongan.

Sa pagtataka ng punong ministro ay kusa na itong lumapit sa kabaong at tiningnan ang nasa loob, laking gulat niya ng makita ang natutulog na katiwala ng tsarina na siyang initusan niyang sumalubong sa punong pangkat at sa kasama nito na maaaring ang prinsipe. Hindi ipinahalata ng punong ministro ang pagkadisya at bumalik din sa kinatatayuan nito kanina.

"Punong ministro," tawag ng tsarina sa matandang nasa unahan na puno ng galit ngunit nagawa paring ngumiti sa tsarina ng tawagin. "Salamat sa paghuli mo sa isang taksil ng kaharian."

"Tungkulin ko po iyon mahal na tsarina." Mapagkunwari nitong tugon.

Ibinaling ng tsarina ang tingin sa dalawang salamangkerong kawal na nakaluhod sa harapan niya. Nakita niya sa kamay ng nagsalita kanina ang kadina ng katutuhan kaya agad niya itong nilapitan at inalalayang tumayo kahit hindi naman kailangan.

"Ikaw marahil ay kaanak ng matalik na kaibigan ng namayapa kong Bana." Wika ng tsarina kay Aya sapagkat alam naman ng tsarina na walang anak ang heneral na tinutukoy niya at hindi ito nag-asawa. "Sino itong kasama mo?"

Tumayo ang ginoo at nagtanggal ng salakot at nakita ng tsarina na kamukha nito ang larawan ng prinsipe na ipinadala sa kanya ng kanyang kapatid na Hari.

Naluluhang lumapit sa ginoo ang tsarina at hinaplos ang pisngi nito. "Ikaw na ba talaga iyan?" Iyak ng tsarina.

Napagtanto ng tsarina na parihong hindi sumasagot sa mga katanungan ang dalawa kaya ipinasya niyang tapusin na ang pagpupulong at pinalabas narin ang mga ministro habang ang nasa kabaong naman na katiwala niya ay dinala na sa kulungan.

Pinasunod ng tsarina ang dalawa sa papunta sa kanyang tahanan at doon na kinausap muli ang dalawa.

"Nasaan ang prinsipe." Nakatalikod na tanong sa kanila ng tsarina.

"Ipagpatawad niyo po mahal na tsarina ngunit alang-alang sa kaligtasan ng tagapagmana ng Hari minabuti naming huwag muna siyang papasukin dito sa Paldreko." Magalang na sagot ni Aya.

"At kailan niyo balak na ibalik sa akin ang anak ko?" Muling tanong ng tsarina na humarap na sa kanila.

"Sasagutin ko po ba ang tanong niyo? Una po sa lahat, ang tinutukoy niyong anak ay siyang tagapamana ng Hari kayat hindi lamang siya sa inyo." Si Aya.

"Lapatangan."

"Karapatdapat bang tawagin ng tsarina na lapastangan ang mga taong nagtataya ng kanilang buhay para sa kapakanan ng kaharian?" Si Aya ulit na tinapik na ng ginoong kasama upang tumigil na sa pakikipagbangayan sa tsarina.

"Ipagpaumanhin niyo po ang aking kasama mahal na tsarina, sadya lamang na pinalaki siya sa layaw ng kanyang amang heneral kayat siya ay nasanay na magrinarinahan sa silangang hangganan." Hingging paumanhin ng ginoo. "Tayo pong naririto ay magkakampi."

"Walang anak ang heneral, baka ampon kamo." Pagtatama naman ng tsarina sa ginoo at napabuntong hininga pa. "Ohsya, ano pa nga ba ang magagawa ko."

"Narito po ang inyong sagisag." Iniabot ni Aya sa tsarina ang sagisag na kaagad naman nitong kinuha.

"Kinuha ito sa akin ng taksil na katiwala pati ang dulo ng kadina ng katutuhan." Kwento ng tsarina. "Mabuti at hindi kayo nalinlang nila."

"Kahit po na nasa hangganan na kami ng lupain ng kaharian ay nakakaabot parin po sa amin ang balita tungkol sa mga kaganapan dito sa Paldreko." Wika ni Aya. "Kayat nagduda na kami sa simula palang na may matandang lumapit sa amin dala ang inyong sagisag. Marahil ina nga kayo ng Hari ngunit hindi sa inyo ang kaharian. Ang totoong hari dito ay ang punong ministro, siya ang batas at wala kayong magawa kundi sundi ang lahat ng nais niya. Samakatuwid ay wala kayong kakayahan na magpadala ng tauhan upang tulungan kami."

"Hindi ko alam kung dapat ko nga bang ikatuwa ang mga sinabi mo." Malungkot namang wika ng tsarina.

"Paumanhin sa mga nasabi ko." Si Aya. "Upang makapasok ako ng Paldreko ay kinailangan kong igapos ang sarili kong kamay ng kadina ng katutuhanan upang mahiram ang taglay nitong salamangka kayat tanging katutunan lamang ang maaari kong sabihin."

"Tama na." Pigil naman sa kanya ng tsarina. "Masyado ng masakit para sa akin ang katutuhan at ipinamumukha mo pa sa akin. Ang nais ko na lamang malaman ngayon ay kung kailan niyo dadalhin dito ang prinsipe?"