1 Start

Ako'y isang lalaking walang magawa,

Iniisip na lamang kung kelan ako makakalaya,

Sa buhay na aking isinasabuhay,

Hinihiling ko na lamang na ako'y mamatay.

Ngunit aking napagtanto,

Masaya pala ito,

Gumawa ng mga bagay na masasaya,

Upang maulanan ka ng biyaya.

Pero hindi natin maipagkakaila,

Ang tao'y may tinatagong masama,

Masama ang loob, masama ang pakiramdam,

Pakiramdam na hindi abot ang inaasam.

Ginawa ko ang tulang ito,

Hindi dahil sa gusto kong magpakatotoo,

Kundi gusto kong ilabas nilalaman ng aking puso,

Pusong naghahanap ng makakapagpatibok nito.

avataravatar
Next chapter