19 Singko

Isa, napakaloyal ko kaya hindi ako hahanap ng iba,

Isa pa, lakatan itong tinatago ko hindi katulad ng iba na saba,

Isa rin sa dahilan ko ay napaka-istrikto kong tao lalo na sa nakakasalamuha ko,

Iisa lang naman kasi ang tumaktakbo't isinisigaw ng puso't isipan ko,

Isa lang yan sa mga dahilan ko para ibigin ka ng totoo,

Isaisip mo lang ako't makakalimutan mo lahat ng problemang kinakaharap mo,

Isa-puso mo lang ang pag-ibig na nararamdaman mo sa'kin, pangarapa'y matatagumpayan,

Isantabi mo lang ang mga gumugulo sa'yo o tawagin ako't aalisin ang nakaharang sa daan.

Dalawa, ako at ikaw wala ng iba hanggang sa mamatay dapat tayo'y magkasama,

Dalawa, tayong dalawa lamang ang nararapat dahil tayo'y tinadhana iyan ang aking nadarama,

Dalawang katawan, magka-ibang katauhan ngunit iisa lang ang tumatakbo sa isipan,

Dalawang dekada ang inabot ng tadhana upang makabuo ng isang nagmamahalan,

Dalawang taong sinala mula sa trilyo-trilyong tao sa mundong ginagalawan,

Dalawang dulo ng pulang tali ng kapalaran, ngayo'y magkakatuluyan,

Dalawa mang bahagi ng katawa'y nagaawayan, utak at puso, sino dapat ang masunod,

Dalawa man silang di magkasundo, oras at panahon ang siyang magdidikta at manunuod.

Tatlong bituin ang nagsama upang ika'y mahanap sa di mahulugang karayom na masa,

Tatlo o higit man ang kailangan na tao upang ang relasyon nati'y magkaroon ng lasa,

Tatlo rin ang tutulong sa'yo at akin sa mga ito, pamilya, kamag-anak, at tayo,

Tatlo man ang pagitan nating dalawa, di ibig sabihin tayo'y hindi pwede at magpakalayo,

Tatlo ang kailangan upang ika'y mapagtagumpayan; utak, nararamdaman at kaluluwa,

Tatlong iyan ang dahilan kung bakit ako masigasig, matatag, malakas at natutuwa,

Tatlongdaan animnapu't limang araw kitang iibigin, ngunit kulang pa iyan aking giliw,

Tatlo man ang sumaksak sa'kin; galit, panibugho, at kamatayan, di kailanman magmamaliw.

Apat na taon na lang ang gugugulin upang ika'y mapasa-akin, habambuhay,

Apat na haliging ating sabay na pag-iipunan para sa ating masaganang pamumuhay,

Apat na taon ika'y hihintayin, susuportahan kita sa iyong mga pangarap at mithiin,

Apat pang dahilan; saya, sarap, pag-ibig at ikaw, ang kukompleto sa'king hagdanang bitin,

Apat silang unang tumutol ngunit nakita nilang tayo talaga ang para sa isa't isa, ako'y kontento,

Apat man ang naging karelasyon mo, di ko iyon isasaisip dahil ako'y may respeto,

Apat na taon iyong mapagtagumpayan, ipagdarasal sa umaga, tanghali, hapunan at pagtulog,

Apat dapat o higit pa ang makuha mong mga parangal at medalya, syempre dapat ika'y malusog.

Limang daliri ang aking pinambibilang hanggang sa ating araw na pagsasama ng tuluyan,

Limang buwan, napakabilis ng panahon ika'y magtatapos na, ako'y sana'y pagbigyan,

Limang hiling; asawa, halik, kasal, pamilya, ngiti, sana'y iyong pagbigyan munting kahilingan,

Limang hiling na dapat mong matupad kung hindi, tadhana'y magagalit at ika'y parurusahan,

Limang simpleng hiling kung ako ang nasa paa mo, di ko ito makakalimutan, magpakailanman,

Limang araw na lang kay bilis talaga ng panahon, gusto niya talaga tayong nagmamahalan,

Limang oras ang agwat nating dalawa, mag-aantay ako sa'yo dito, magpapakatatag at di susuko,

Limang minuto na lang ang tinakda ng doktor upang tayo'y magkakitaan sa kwartong puting binihisan ng makulay, aantayin kita bago ako matulog ng napakahimbing, masasabi ko...

"...<3<3 <3 PARA SA'YO"

avataravatar
Next chapter