8 Salamat

A/N: To some readers who doesn't read my A/T's every after the chaps, I'll tell and say it to you, ALL THE POEMS YOU'VE READ SINCE CHAPTER 1 (START) UP UNTIL YOUR CURRENT CONTINUOUS CHAPTER READING WERE ALL COMPOSED BY MY BRAIN AND TYPED BY MY FINGERS. THESE POEMS WERE 'DARK-THEMED POEMS'. Those who critic this book because it's full "Nega's", it is Okay I appreciate your time to read my story/poem. Some of the poems here were related to me (the author's life) some were just influence by surroundings.

Salamat dahil tayo'y naging magkaklase,

Salamat dahil nagkakilala tayo ng di inaasahan,

Salamat dahil binigyan mo ako ng papel at panulat sa umpisa ng klase,

Salamat dahil nalusutan ko ang parusa ng kahihiyan.

Salamat nang may nalaman akong parehas pala tayo ng interes,

Salamat nang nauunawaan mo halos lahat ng aking sinasabi,

Salamat nang binigyan mo ako ng panahon sa luha kong dumadalisdis,

Salamat nang nandyan ka palagi sa aking tabi.

Salamat sa'yo pina-init mo ang malamig kong puso,

Salamat sa'yo naramdaman ko muli ang pulso ng pag-ibig,

Salamat sa'yo binibigyan mo ng kulay ang abo't itim kong mundo,

Salamat sa'yo kinakaya kong magpakatatag at suklian ang iyong pag-ibig.

Salamat at tayo'y matagumpay na nakapagtapos,

Salamat at tayo'y matatag pa rin sa kabila ng ating dinarama,

Salamat at tayo'y maayos pa sa problemang padalus-dalos at selos,

Salamat at tayo'y masaya sa kabila ng ating ipinagbabawal na pagsasama.

Salamat dahil tayo'y malaya na,

Salamat sa'yo wala ng kumekwestiyon sa'ting dalawa,

Salamat nang pinapa-alala mo sa'king pakatatag ka,

Salamat at tayo'y matiwasay na nagsasama.

Salamat noong halos di ko na kinaya ang sakit,

Salamat noong halos di ka na makatulog sa pag-aalaga mo sa'kin,

Salamat noong di mo pinapakitang ika'y nahihirapan,

Salamat noong di masabing 'Tama na'.

Salamat di dahil masaya ako kundi malungkot dahil di tayo pwedeng magsama,

Salamat di dahil ayoko na kundi nahihirapan na ako sa situwasyon nating dalawa,

Salamat di dahil gusto ko ng bumigay kundi nawawalan na ako ng pag-asa,

Salamat di dahil ako'y makikipaghiwalay kundi aalis lang pansamanatala.

Salamat hanggang sa huli, ika'y nariyan,

Salamat hanggang ngayon wala ka pa ring minamahal,

Salamat hanggang sa huli ika'y di sumuko,

Salamat hanggang ngayon nasa puso mo pa rin ako.

Salamat tuwing nakikita kitang nakikipaglaro sa iba,

Salamat tuwing uwian inaantay mo ako sa punong may tabla,

Salamat tuwing inaabutan ng ulan handa kang pasilungin ako sa puso mo,

Salamat tuwing hinahapo ako ikaw ang gamot na hinahanap ko.

Salamat, magtatapos na rin ang kwento ko,

Salamat, makakalaya na ako sa matigas at selyado kong higaan,

Salamat, ako'y nasa tabi mo lang binabantayan ka hanggang sa pareho tayong matulog sa higaan,

Salamat, hahanapin kita saan mang lupalop ng unibersa, at sasabihing "Miss na kita" at "I Love You".

avataravatar
Next chapter