16 Sadgic 4

A/N: Sadgic 3 ay Chapter Signs.

Bakit sa dinamirami ng tao bakit ikaw pa?

Bakit sa dinamirami ng tao bakit tatay mo pa?

Ito ba ang hinihingi kong muli nating pagkikita?

Ito ba ang hinihingi kong oras kay tadhana?

Ang nananahimik kong gasera'y bigla mong pinailawan,

Ang nananahimik kong tambol ay bigla mong pinagpapalo,

Ang nananahimik kong mundo'y bigla mong iningayan,

Ang nananahimik kong tubig ay bigla mong pinakuluan.

Paano kita haharapin kung ako mismo ang dahilan ng iyong mga luha,

Paano kita haharapin kung ako mismo di ko kayang patawarin,

Paano kita haharapin kung ako mismo ang dahilan ng galit sa iyong mukha,

Paano kita haharapin kung ako mismo di ko kayang gawin.

Di ko pa naman naisasagawa ngunit milyong-bilyong tubig na ang tumatagaktak,

Di ko pa naman naisasagawa ngunit milyong-bilyong kutsilyo na ang sumasaksak,

Di ko pa naman naisasagawa ngunit milyong-bilyong bultahe na ang dumadaloy,

Di ko pa naman naisasagawa ngunit milyong-bilyong pawis na ang umaagos ng tuloy-tuloy.

Gagawin ko pa ba ang misyong naiatang sa akin?

Gagawin ko pa ba ang misyong di ko kayang tanggalin?

Gagawin ko pa ba ang misyong di ko kayang pigilin?

Gagawin ko pa ba ang misyong di ko kayang sarili ko'y patawarin?

Nagdadalawang isip ako sa aking ginagawa,

Nagdadalawang isip ako sa aking tiwala,

Nagdadalawang isip ako sa aking tatapusin,

Nagdadalawang isip ako sa aking papatayin.

Malapit ko nang maisakatuparan ang binigay sa aking misyon,

Malapit ko nang maisakatuparan ang binigay sa aking misyon kapalit ay milyon-bilyon,

Malapit ko nang maisakatuparan ang binigay sa aking misyon kapalit ay milyon-bilyon sa isang piraso ng buhay,

Malapit ko nang maisakatuparan ang binigay sa aking misyon kapalit ay milyon-bilyon sa isang piraso ng buhay, kaya kailangan na siyang mamatay.

Umalis ka ng nakakainis na aking 'pag-ibig',

Umalis ka na o tatakpan ko ang iyong bibig,

Umalis ka dahil di mo kaya ang iyong makikita,

Umalis ka kung ayaw mong madamay pa.

Iniisip ko lahat ng mangyayari paumpisa't patapos,

Iniisip ko lahat ng di padalus-dalos,

Iniisip ko lahat ng aking biktimang pinipili,

Iniisip ko lahat ng walang pagsisisi.

Naging itim lahat ng aking paningin,

Naging tahimik ang aking paligid,

Naging maingay ang liwanag ng baril sa silid,

Naging itim na naman ang aking paningin.

Pagbukas ko ng aking mga mata, luha ang aking nakita,

Pagbukas ko ng aking mga mata, ako'y nahiwagaan sa aking nadama,

Pagbukas ko ng aking mga mata, sila'y nagtatampo sa aking ginawa,

Pagbukas ko ng aking mga mata, pakiramdam na 'toy mawala na sana.

avataravatar
Next chapter