1 Prologue

Naglalakad mag-isa si Zia sa hallway papunta sa office ni Mr. Loku na siyang maestro niya, may ipapagawa ito sa kaniya, sa totoo lang ay magkasama dapat sila ni Hazel na siyang kabigan niya, pero nauna na ito kesa sa kaniya dahil may ginawa pa siya.

Naglalakad lang siya ng mapayapa nang may tumakbo sa gilid niya at nabangga siya nito dahilan para matumba siya, pero mas lalo siyang nagtaka nang makita niy ang suot na damit ng lalake, ang bilog na may M sa loob at mga disenyong fists. Kilala niya yun! Kilala niya ang logo na yun, walang iba kundi ang kinatatakutan ng lahat na M gangsters.

Nang may marinig siyang paparating ay walang ano-anong pumasok siya sa kaharap niyang silid aralan at nagtago sa ilalim ng lamesa. Ilang segundo ay nakahinga siya ng maluwag pero muntik na siyang mapabalikwas nang may marahas na magbukas ng pintuan. Nanlalaki ang mata niyang nakahawak sa bibig nang may marinig na may sumisigaw na lalaki at halatang nagpupumiglas.

"Lumabas na kayo, ako na ang bahala dito" ang boses na yun, yun ang boses na ayaw marinig ng bawat indibidwal sa eskwela nila, that dangerous voice can do more than just talking.

Sumilip siya sa munting butas ng lamesang pinagtataguan niya at nakitang akmang susuntukin ang lalake pero halos tapunan siya ng malamig na tubig nang mapatigil si Marvin dahil sa malakas na ring ng cellphone niya, mali ang timing ng kaibigan niya! Mali ang timing ng pagtawag ni Hazel!

Pinatay niya iyon at nagulat siya nang iurong ni Marvin ang lamesa at tumambad sa binata ang natatakot na mukha ng dalaga. Agad na napatayo si Zia sa takot at lumayo ng unti sa binata.

Dahil sa kaba ay napakagat siya sa pang-ibabang parte ng labi niya. Pero sa kabilang banda ay parang nakaramdam ng kung ano si Marvin sa ginawang yun ng dalaga, tila gusto niyang angkinn ang labi nito, dahil doon ay napalakad siya paabante sa dalaga at walang nagawa si Zia kundi umatras sa bawat abante ng binata.

Ilang atras pa ang ginawa niya hanggang sa matunton ng likuran niya ang malamig na pader ng silid.

"H-hindi ko naman sin-sinasadya na pumunta dito eh" tila nagkaroon tuloy siya ng lakas ng loob para magsalita na nagpagising sa diwa ng binata kung bakit siya nandito. Bumalik ang mga mata nitong matatalim ang titig sa dalaga.

"I don't need your explanation, did I tell you to explain?!" sigaw ni Marvin sa kaniya kaya bahagya niyang natakpan ang tenga niya.

Ilang segundo ay ang takot ng dalaga ay parang nagbigay ng pagpipigil sa pagsigaw nito sa kaniya, "All you have to do is to say sorry" aniya sa dalaga pero wala itong imik kaya nagbago na naman ang emosyon niya.

Naiinis siya sa sarili dahil nagiging mahinahon siya sa dalaga, dapat ang maramdaman nila sa kaniya ay takot sa tuwing nakikita nila siya, yun ang gusto niya at ayaw niyang makita ng iba ang ibang angulo niya.

Gulat na napatingin si Zia sa likuran ng binata nang magsimulang maglakad ang lalake na pinaloob niya sa silid at ituturo niya pa lang ang lalaki kay Marvin nang biglang itulak ng lalake ang bandang likod ng ulo ng binata.

Umiwas siya, pero kulang pa ata ang pag-iwas niya dahila naidampi ng binata ang labi niya sa pisngi ng dalaga.

avataravatar
Next chapter