7 Chapter 6

Continuation of Day 2/7...

Zia's POV

Nakaupo lang ako sa kama ni Marvin nakaupo habang siya naman ay nagsha-shower din. Binuksan ko na muna yung TV niya dito sa kwarto niya para manood ng mga movies, pero iniiwasan ko talaga yung horror movies eh, kung hindi niyo kasi alm takot ako sa multo, kaya hindi ko kayang manood ng horror mas lalo na kung mag-isa.

Nasa gitna ako ng paghahanap ng movies nang magbukas ang pinto ng CR at niluwa nito si Marvin, napalingon ako sa kaniya pero agad akong tumalikod nang makitang nakashort lang siya at walang pantaas.

"Why?" tanong niya saakin na parang walang problema ha.

"Magsuot ka nga ng damit" sabi ko naman sakaniya at tinapon sa kaniya yung unan na katabi ko.

"Hindi ako nagsusuot ng damit kapag natutulog" sagot niya naman saakin.

"Meron ako ngayon dito eh, kahit ngayon lang magsuot ka naman!" sigaw ko sa kaniya, bumalik naman siya sa banyo at nagsuot na ng damit.

Ilang minuto na akong naghahanap ng movie pero wala pa rin akong mahanap. Nags-scroll ako para maghanap ng movie pero nagulat ako nang tumalon si Marvin sa kama niya kung nasan ako nakaupo.

Nilingon ko nalang siya at sinamaan ng tingin.

"Akin na nga yang remote, ako na maghahanap ng movie" sabi niya namna saakin kaya inabot ko ang remote sakaniya.

Napatingin naman ako sa phone ko nang magvibrate ito, meaning may nag text, pagtingin ko sa nagtext si Hazel lang pala.

Hazel: Okay ka lang ba diyan?

Nagtext naman akong pabalik na 'Okay lang ako', para ngang hindi 'to si Marvin eh.

"Ito nalang!" sigaw ni Marvin at napatingin naman ako sa TV. Insidious.

Bakit horror pa? Ba't yun pa yung napili niya?

"Pangit yan, palitan mo nalang!" reklamo ko naman sakaniya.

"Trust me, maganda yan" sabi niya saakin at ngumisi.

Tumahimik nalang ako at sinandal ang likod ko sa headboard ng kama ni Marvin. Kumuha rin ako ng unan para pantakip sa mukha ko kung may nakakatakot na parte.

.

.

.

.

.

.

.

"WAAAAAAHH" sigaw ko sabay kapit sa braso ni Marvin dahil sa takot, nasa nakakatakot na parte na kasi kami.

"Idiot" sabi ni Marvin saakin at tumawa. Tinulak ko nalang siya at inayos ang damit ko na gusot gusot dahil sa paggalaw.

Pero nagulat pa rin ako nang lumabas ulit yung mukha nung multo kaya naulit nanaman yung pagkapit ko sa braso niya.

"Sabi kasi 'wag na 'yan eh" sabi ko dahil tapos na yung movie, yun ang ending, ang pagpapakita ng nakakatakot na mukha sa huli.

In-off na ni Marvin yung TV at humiga na, habang ako namna ay nakatingin lang sa kaniya.

Ngayon ko lang narealize na ang kinis pala ng mukha niya, brown eyebrows, yung matangos niyang ilong at red lips niya. Perfect na sana kaso gangster.

"Stop staring at my face" bigla niyang sabi, nakakagulat kasi nakasarado na ang mata niya tapos bigla-bigla siyang magsasalita.

"Who said I'm staring at your face?" tanong ko naman sa kaniya at humiga na rin. Pero paghiga ko nakaramdam ako awkward feeling. Isipin mo kasi yun, hate ko tapos katabi ko matulog tsaka lalake siya 'no.

Hazel's POV

Hindi ako mapakali dito baka kasi kung anong gawin ni Marvin kay Zia eh.

"' Wag ka ng mag-alala, hindi nananakit si Marvin ng babae" biglang sabi ni Justin saakin habang nag-aayos ng gamit namin para bukas.

Buti nalang ay dalawa ang kama dito sa guest room nila, guest room pero ang bongga, guest room lang pero mas malaki pa sa dorm room namin ni Zia.

"Tulog na, magkikita din kayo ni Zia bukas." banggit ni Justin.

"Ang OA mo ha! Nandun lang sa kabilang kwarto si Zia" sigaw ko naman sakaniya.

"Yun nga 'diba? Kaya matulog ka na para naman kasing pinunta sa malayo si Zia eh" sabi niya habang nakangisi.

Kakahiga ko palang ay naalala ko yung pinaliwanag saakin ni Justin. Kung bakit sinabi ni Drake na 'Nag-away nanaman sila dahil sa iisang babae'. Parang hinayaan daw ni Rey na ma-fall sa kaniya yung first girlfriend dati ni Marvin na Ex-girlfriend niya na ngayon, malaki daw ang galit ni Marvin kay Rey dahil lagi lang daw si Rey ang nakikita ng pamilya nila, kaya nawalan din ng gana sa pag-aaral si Marvin. Grade 5 daw sila noon, naging forst honor si Rey, na dapat si Marvin. Ang gaganda daw ng bati nila kay Rey samantalang yung hirap daw ni Marvin hindi nila nakikita. Walang nakapansin sa paghihirap ni Marvin sa pag-aaral niya. Kaya simula palang ng First Year of High School bumuo na si Marvin ng grupo which is yung M-Gangster na ngayon.

At ang kinakatakot ko lang ngayon ay yung gamitin ni Marvin ang bestfriend ko para makabawi siya kay Rey. Pero mukhang hindi naman yun gagawin ni Marvin.

Marvin's POV

Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto habang napapalingon kay Zia. Maganda din pala siya, makinis ang mukha, maganda naman ang mga mata niya, sobrang pula din ng labi niya.

Kaya ko ba siyang gamitin para makabawi lang kay Rey? Or hahayaan ko nalang ang mga inagaw saakin ni Rey? And definitely not, I'll take my continue on using Zia.

Simula bata palang ako naagaw niya na lahat saakin. Paano ba kasi top student since Elementary, ano namang laban ko dun?

Anong laban ko dun kung ganito lang ako? Isang gangster na wala ng ginawa kundi manakot at manakit ng ibang kalalakihan. Andaming may gusto kay Rey sa pamilya namin, at sakin naman? Kahit ata isa wala eh.

"Bwisit kang gangster ka, hate na hate kita!" napatingin ako kay Zia na nagsasalita habang tulog.

"Ganun mo ba ako ka-hate?" tanong ko sa kaniya na parang tanga dahil alam ko namang hindi niya ako sasagutin.

Napatitig ako ng ilang minuto sa mukha niya. Parang ngayon lang ako nakakita ng ganitong kaamong mukha dimula nung umalis si Cynthia.

Cynthia is my Ex-girlfriend, siya yung nagkagusto kay Rey kahit kami pa. But she is now in the past, But why do I still want to take revenge on him?

But some people say that it's easy to forgive but not easy to forget. And I guess that's the reason.

avataravatar
Next chapter