6 Chapter 5

Day 2/7

«Kinabukasan»

Zia's POV

Nagtu-toothbrush ako dito sa banyo ng dorm namin pero hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni Marvin.

"I can change for this girl"

Yang linya niyang yan ang hindi nagpatulog saakin mula kagabi, ibig sabihin wala akong tulog na maayos kagabi. Kaya ngayon ay para akong zombie na naghahanda dito maliit lang naman ang eyebags ko pero inaantok pa rin ako.

Ewan ko kung bakit pero para akong kinilig na ewan, na dapat hindi ko naman nararamdaman ko. Hello? Hate ko nga yung lalakeng yung tapos kikiligin ako? Nakakapagtaka lang kung bakit ganun ang kinikilos at sinasabi nun kahapon. At nga pala paano niya nalaman na nandun kami ni Rey sa 7/11?

"Oh my gashhhh! Zia bilisan mo, nandiyan na sa labas ang knight in shining armor mo!!" sigaw ng ka-dorm building ko habang kumakatok sa pintuan ko.

Tinapos ko na ang pag-tu-toothbrush at lumabas ako.

"Ano ba? Ang aga-aga ang ingay ingay mo?!" sigaw ko sa kaniya.

"Minsan lang kaya magmahal yang si Master Novazaki, kaya bilisan mo na 'wag mo ng paghintayin" sabi niya sabay palo sa braso ko.

"Maka-knight in shining armor ka naman parang niligtas ako niyan, ano?" sarkastikong sabi ko sa kaniya nagpout naman siya at pumasok na ulit ako ng dorm room namin. Para naman kasing naligtas ako niyang si Marvin eh siya pa nga ang nagkulong saakin sa bodega sa rooftop, hello?

Pagkapasok ko pa lang ay nag-ring na ang phone ko.

"Sino naman 'tong tumatawag na' to?" tanong ko sa sarili ko.

Kinuha ko nalang ang phone ko at sinagot ko yung tawag.

"Hello? Sino 'to" pasimula ko sa tawag.

«You can call me your Handsome Dared Boyfriend»  sagot naman nito.

"Wow, ang hangin ah? Ang aga-aga may bagyo agad?" sarkastikong sabi ko sakaniya.

«Bilisan mo na or kailangan ko pa atang umakyat diyan sa dorm room mo para bumilis yang galaw mo?» pananakot niya saakin.

"As if naman makakaakyat ka sa dorm room ko eh bawal nga ang lalake dito" sabi ko naman sa kanya

«Pinsan ko na ng alang nakaakyat diyan para ihatid ka, ako pa kaya na anak ng may ari ng school?» sabi niya naman, tama namna pero ang mali dun, bakit niya alam na hinatid ako ni Rey dito?

«Hey still there?!»  sigaw naman niya saakin. Hindi lang nakakainis 'tong gangster na' to eh, nakakawala rin ata siya ng pandinig.

"Paano mo nalaman na hinatid ako ni Rey dito kagabi?" ranong ko sa kaniya dahil sa curiousity.

«Ang dali mo naman atang makalimot, nabanggit niya lang kahapon sa usapan namin, kinalimutan mo na kaagad» sagot niya at naala ko yung kahapon, oo nga 'no.

«Gusto mo bang malate? Bilisna mo na!» sigaw niya at nilayo ko nan yung phone ko sa tenga ko, anlakas kung sumigaw kala mo babae.

"Oo na, sabi ko nga 'diba, bibilisan ko na" sigaw ko pabalik at inend call ko na.

.

.

.

.

Nagle-lesson na kami at ako naman ay naka-ub-ob lang sa lamesa ko dahil inaantok ako. Pero nakakainis' tong katabi ko at as usual alam niyo naman na kung sinong katabi ko. Kalabit siya ng kalabit kanina pa!

"Ano nanaman ba?! " dahil ata sa sobrang inis ko sa kaniya napalakas ang boses ko at ano pa bang aasahan niyo? Edi nasa amin nanaman ang tingin nilang lahat, kahit pa sila Hazel at Justin.

Pero imbes na pagalitan naman kami ni Prof. Loku ay kinilig din ata siya, pati ba naman siya hindi na matino ang pag-iisip?

Napalingon naman ako kay Marvin na seryoso lang ang mukha na nakatingin saakin na para bang nagpapaawa.

"Ano?" tanong ko sa kaniya ng mahinahon.

"Nagugutom ako" sabi niya saakin at saan naman ako kukuha ng pagkain?

Tinapik ko naman si Hazel, baka kasi meron siyang maibibigay.

"Hazel, meron ka bang makakain diyan, gutom si MASTER NOVAZAKI " sabi ko at diniinan ang pagsabi ng Master Novazaki.

"Wala eh, hindi ako nagdadala, pati si Justin hindi siya nagdadala" sabi niya naman. Wow ganon kakilala si Justin alam na agad na walang dala?

"Saan naman ako kukuha ng pagkain mo?" tanong ko kay Marvin pero nakita ko siya na  nakapatong  ang ulo sa lamesa niya. Tulog naman pala, manghihingi pa ng pagkain.

.

.

.

.

.

.

"Class Dismissed, 'wag niyong kalimutan mag review, your last unit test will be on Monday and your last last test will be on Friday and mag-ready din kayo sa Last Trip ninyo sa Saturaday, all fee is free this is your prize for finishing fisrt year college" sabi ni Prof. kaya naman huminga ng malalim yung mga kaklase dahil mag-eend na ang first year college at wala lang nakakamiss lang.

"Marvin, tara na. Hoy gising na" paggising ko kay Marvin at bumangon naman siya. Kukunin ko palang sana yung bag ko pero naunahan niya nanaman ako.

"Asan na tayo pupunta?" tanong naman ni Justin habang nag-uunat na mukhang napagod sa pag-upo niya.

4 o'clock na at dismissed na kami. Medyo maaga pero minsan lang kami umuwi ng maaga dahil mag-eend na ang school year na 'to.

"Walang pasok bukas sabado, baka pwede tayong lumabas?" sabi naman ni Justin.

"' Wag tayong lumabas bukas, magreview nalang tayo sabay sabay bukas, what do you think?" suggest naman ni Hazel at napatango namna si Justin.

"Sasama ka ba, Marvin?" tanong ni Justin sa kaniya.

"Bakit pa yan magre-review, pwede naman na siyang ipasa ng deretsuhan, ANAK NGA SIYA NG MAY ARI NG SCHOOL 'DIBA?" sabi ko at diniinan talaga yung huli kong mga sinabi.

"Nope, I' ll do it, I'll take the exam" seryosong sabi niya naman kaya napatingin ako sakaniya. Nagakatinginana naman kaming tatlo.

"So kailangan  seryoso?" natatawang sabi ko sa kaniya ta tumawa.

"So kailangan ding matawa?" tanong naman niya pabalik.

Hindi naman na ako nagsalita at tumahimik nalang napahiya nanaman eh. Hindi man lang magpatalo yang Marvin na yan kahit minsan lang.

"Mag-sleepover kaya tayo sa kanila Marvin?" suggest naman ni Justin, um-oo naman si Hazel, Pwede din daw sabi ni Marvin, ako ata pupunta nalang ng maaga bukas.

"Ang kj mo naman aaZia, sama ka na, please?" sabi naman ni Hazel na nagpapaawa.

"'Wag mo akong daanin sa mga ganyan mo Hazel" sabi ko habang nakatingin sa kaniya.

"Please?" savi niya at bumigay na ata ako, oo na nga sasama na ako.

"Okay" sabi ko at parang namang nagtatatalon sa tuwa si Hazel.

"Pumayag ba ako na kasama ka?" panira talaga ata 'tong Marvin na' to eh.

"Okay, wag nalang" sabi ko at lumakad na.

"It's a joke, idiot" sabi naman ni Marvin.

"Mukha bang joke yun? Can you be serious?" sabi ko ng seryoso.

"Sorry, my girlfriend" sabi niya namam peror bakit ganun? Parang nagpapa-fall siya? Pero bakit din kaya ganito yung puso ko, parang nakikisabay sa mga banat niya. Ang lakas ng tibok.

Hindi ko sinasabing may gusto ako kay Marvin ha. Its just that every time he says such words my heart pounds like there's no tomorrow.

.

.

.

.

Kumuha nalang kami ng gamit namin at damit namin sa dorm namin ni Hazel at pumunta na sa bahay nila Marvin.

Pero mukhang pagdating namin dito, hindi siya bahay? It's a Mansion with the color of gold, white and gray.

"Pasok na" sabi naman ni Justin saamin kaya pumasok na kami.

Pagpasok naman namin sa loob ay parang gusto ata ng paa ko na lumabas at gusto din sumabog ng mata ko.

The Marble designed vase and the painting on it's side, it's just beautiful. Namangha talaga ako, Every color is matched.

"Sino dito si Zia Carmen Ching?" bigla naman akong natakot sa mommy ba yun ni Marvin?

Nagtago naman ako sa likod nila Justin pero hindi nila ako hinayaan na magtago. Nagtinginan pa silang dalawa at tumawa.

"A-ako p-po" sagot ko naman habang nakayuko.

Narinig ko naman ang yapak ng mommy ni Marvin na papalapit saakin.

"B-bakit p-po an-ano pong kasalanan ko?" tanong ko nang maramdaman ko the nasa harpa ko na ito.

"What a beautiful girl this is. You have a perfect taste Marvin, You catch a simple but beautiful girl" sabi naman nito at nanlaki naman ang mata ko.

"Tch! That is beatiful?!" sarkastikong tanong ni Marvin sa mommy niya.

"Don't say such word, Marvin. Do you have manners? Nasa harap ka ng girlfriend mo at sinasabihan mo siya ng ganiyan" sigaw naman nung mommy niya sa kaniya habang nakatingin sa kaniya, at ako naman binelatan lang siya.

"So.rry" sabi naman  ni Marvin saakin.

"Yaya, get their things on the guest room" utos naman ng mommy ni Marvin sa katulong nila.

"But leave Zia's thing here. Marvin get her things and put it in your room"

"ANO PO/WHAT?!" sabay naming tanong dalawa at nagkatinginan pero tinarayan namin ang isa't isa.

"You two will stay in one room. Besides, you're my son's soon to be wife, Zia." sabi naman ng mommy ni Marvin saakin. Si Rey ang gusto ko +_+.

Wala namang nagawa si Marvin kaya kinuha niya saakin ang mga gamit ko at inakyat sa kwarto niya.

Sumama naman na ako na umaakyat sa kwarto niya.

" Pano 'to ngayon?" tanong ko kay Marvin.

"Hati tayo ng space sa higaan ko, kung anong gusto ni mommy yun ang masusunod" sabi naman niya

"Sana talaga 'di na ako sumama sainyo eh" sabi ko naman at umupo sa higaan niya.

"As if may gagawin ako sa' yo" sabi niya saakin. Ang dumi ng utak nito eh.

"Asan yung CR mo? Magsha-shower na ako" tanong ko sa kaniya pero tinuro niya nalang at pumasok namna na ako.

.

.

.

Ilang minuto lang ay natapos na akong mag-shower at sabi ko na eh may nakalimutan ako, sa lahat pa ng nakalimutan ko, yung twalya ko pa.

"Marvin!" tawag ko sa kaniya, sinigawan ko siya para marinig niya naman.

"What?!" tanong niya naman saakin at pasigaw pa talaga ha.

"P-ppwede bang paabot ng t-twalya k-ko?" tanong ko sakaniya.

"At sa lahat pa ng makakalimutan mo yung twalya mo pa?" sabi niya saakin at 'wag siyang mag-alala kasi yun din yung naisip ko.

"Please"

"Tss."

"Here" sabi naman niya at inabot sa taas ng pintuan ng CR yung twalya ko. Ngayon ko lang din na-realize na ang tangkad pala niya.

"Thank you" pasalamat ko sa kaniya at nagpalit na.

avataravatar
Next chapter