4 Chapter 3

Dare: 7  days as a couple: Day 1/7.

«Kinabukasan»

Zia's POV

Scam ata yung sinabi ko kahapon, late nanaman akong nagising ngayon. Pero tapos na akong mag-ayos ng gamit, hindi ko ngayon kasabay si Hazel, sabi niya kasi kasama sa dare yung sabay kaming pumasok ni Marvin, hanggang ngayon talaga ay naiinis pa rin ako ba't yun na dare pa kasi ang dinare eh, pwede namang iba nalang.

Paglabas ko ng dorm room ko ay nakita ko ang mga babae na nakatingin sa terrace ng building namin at nakatingin sa baba, kaya nakatingin nalang din ako. Nandito na yung mahangin, matapang at cold na gangster.

Bumaba na ako ng dorm at lumabas. Agad namang napatingin sa direksyon ko si Marvin.

"Akin na yung bag mo" sabi niya saakin at nagtilian naman yung mga babae.

"Kaya kong buhatin" sabi ko pero matigas ata ang ulo niya dahil kinuha niya pa rin, pagkatapos nun ay pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse.

Ilang minuto lang ay nakarating naman na kami sa classroom at classmate din pala ata namin yung kasama ni Hazel kahapon, si ano yung pangalan nun, yung Justin ba? Basta yun.

Pero bakit ganun, magkatabi silang dalawa, ibig sabihin ba nito magkatabi din kaming dalawa ni Marvin?!

"'Wag ka ng mag-inarte umupo ka na,' wag kang mag-alala dare lang 'to" sabi saakin ni Marvin.

"Dare lang talaga ha" sabi ko at tinarayan siya.

"Tss, as if mai-inlove ako sayo" sabi niya at nilagay yung bag ko sa upuan ko.

Agad namang dumating si Prof. Loku kaya nag-start na kami sa mga lesson.

.

.

.

Sa kalagitnaan ng klase namin ay kinalabit ako ni Marvin.

"Ano?" medyo pabulong na tanong ko sa kaniya.

"Ang boring dito, samahan mo ako sa labas" sabi niya at binaba ko naman ang ballpen na hawak ko.

"Hindi mo ba kayang lumabas ng mag-isa? Ang tanda mo na ah" sabi ko pero makulit ata talaga siya.

Bigla siyang tumayo at tinawag si Prof. Loku.

"What do you need Mr. Novazaki?" tanong naman ni Prof. sa kaniya.

"Masakit daw po yung paa ni Zia, pwede ko po ba siyang idala sa clinic?" sabi niya at napatingin nalang ako sa kaniya ng madiin.

"Bring her now, himala namna ngayon at nagpaalam kana saakin kung pwede lumabas o hindi?" sabi naman ni Prof. sa kanya.

Wala na siyang sinabi kay Prof. at binuhat nalang niya ako, pagkarating naman namin sa labas ay binaba na niya ako.

"Asan ka nanaman ba pupunta?" tanong ko sa kaniya  nang magsimula na siyang maglakad.

"Basta sumama ka nalang, as if naman may gagawin ako sa'yo" sabi niya saakin at magsimula na ulit maglakad.

Hazel's POV

Saan naman kaya dadalhin ni Marvin yung kaibigan ko?

"Boring lang yun sa klase kaya lumabas kasama si Zia" sabi naman ni Jistin, mind reader ba 'to.

"Pero bakit naman kailangan isama si Zia?" tanong ko naman sakaniya.

"Pabayaan mo na sila, wala naman ginagawang masama si Marvin sa mga babae" sabi niya at tumango nalang ako.

.

.

.

.

.

"So that is all for today, class dismiss" sabi ni Prof. kaya naman tumayo na kami dahil dismissal na.

"Saan natin sila pupuntahan?" tanong ko kay Justin.

"Sa tambayan namin" sabi naman ni Justin. At bakit niya naman alam.

"Sige, tara na nga" sabi ko at nag-ayos na ng gamit.

Parang hindi sila mga gangster ah? Ang bait nila ngayon, mas lalo na si Marvin pero para kay Zia parating masama si Marvin, hayss.

Zia's POV

Hindi ko alam kung si Marvin talaga yung kasama ko ngayon, alam niyo ba kung ano lang ang ginawa namin dito? Nakipaglaro lang naman siya saakin ng jack and points at ang mananalo susulatan ng marker sa mukha yung talo. Ang galing ako tuloy ang laging talo.

"Ang daya mo naman, bakit lagi kang nananalo?" sabi ko sakaniya habang nakapout at siya ay tinatawanan lang ako.

"Losers will be losers" sabi niya saakin at tunawa pa, parabg hindi na siya yung Marvin na gangster.

"Losers mo mukha mo, ipagdasal mo talaga na mabura yung marker sa mukha ko ha" sabi ko sakaniya at naghilamos na ako.

"Hoy hindi mabura!" sigaw ko at pumunta naman siya kung saan ako.

Pero bago siya pumunta saakin ay may kinuha muna siya sa bag niya, cleanser ba yun? Yung make-up remover ba yun? Hmmp bakit may ganiyan siya sa bag niya? HAHAHAHA

"Put it in your ugly face" sabi niya saakin. Ugly? Ako? Tch!

"Nahiya naman ako sa mukha mo!" sigaw ko sakaniya at nagulat namna ako nang  ilapit niya naman ang mukha niya saakin.

"Anong ikakahiya ko sa mukha ko?" ranong niya at tinignan ko naman ang mukha niya na walang pimples or kahit pimple marks man lang.

Gangster ba talaga siya? Parang hindi ngayon eh.

"Gangster ka ba talaga?" tanong ko sakaniya at tumahimik naman agad siya.

Mali na ata yung tanong ko.

"Ayaw pa rin matanggal" sabi ko ulit sa kaniya.

"Ako na nga, ang arte mo kasi magtanggal eh, para namang may papahalagahan ka pa sa mukha mo" sabi niya naman at tumawa saka kumuha ng bulak at nilagyan ng make-up remover. Ba't ba kasi make-up remover wala ba siyang marker remover.

.

.

.

Nasa kalagitnaan kami ng pagtanggal ng marker sa mukha ko nang may pumasok.

"Ehem-ehem" nagpanggap na umuubo si Hazel at Justin habang nakatingin in saamin.

"Wala kaming ginagawa, tinatanggal niya lang yung marker sa mukha ko" sabi ko naman sa kanilang dalawa.

"May sinabi ba kami?" tano and naman nilang dalawa.

"Psh!" yun nalang ang naging sagot ni Marvin sa kanila.

.

.

.

.

"Oh, okay na. Wala ng marker" after 20 minutes natanggal din yung marker sa mukha ko.  Oo 20 minutes talaga, ang galing 'diba?

"Bakit ba kasi permanent yung nilagay niyo, parang timang lang eh" sabi ni Hazel at tumayo na.

"Akala nga ng Marvin na yan madali lang matanggal yung marker sa mukha" sagot ko naman sa kaniya.

Ilang minuto lang ay dumating na yung mga kasama nilang gangster at bakit naka mask yung isa? Pero familliar yung mata. S-si Rey yun ah! Mata palang eh. Kasali siya sa grupo ni Marvin?!

avataravatar
Next chapter