20 Chapter 19

Chapter Nineteen

•••

Zia's POV

Nasa Dorm na ako at nagpapake na ng gamit dahil bukas na ang field trip namin(^o^).

Excited ako pero bakit ganun yung pakiramdam ko, parang may kutob ako, pero baka sobrang excited ko lang kaya kung ano ano na ang iniisip ko.

Bukas na yun at sabi naman nila Prof. Loku beach daw ang pupuntahan namin bukas, pero wala naman akong madalang swimsuit, mags-spaghetti-strap nalang ako.

Pero balik tayo sa mga pangyayari ngayon, finally, natanong ko na kay Marvin kung bakit siya ganun at buti naman ay sinagot niya, kabado lang daw siya sa test, pero vakit ganun? May feeling ako na hindi yun yung totoo, may tinatago ba siya saakin?

Paano kung may problema siyang tinatago saakin at hindi ko manlang siya matulungan dahil hindi naman siya nagsasabi saakin? Pero kung may problema naman baka alam nila Justin, Drake, Jim at Angelo 'diba? Tama! Baka sakanila niya sinasabi, yun nga ata.

Kahit anong sabihin kong tama, may ata. Bakit ba ako naghihinala kay Marvin? Gusto niya bang balikan si Cynthia?! Oh baka naman, pinipigilan niya lang yung feeling niya kay Cynthia para saakin?

Tama na nga yan sumasakit lalo yung ulo ko, bwisit!!!

«Kinabukasan»

Zia's POV

Nasa school na kami ng napakaaga dahil ayaw naman naming maiwan ng bus. Nandito na din ang mga ibang estudyante at limang bus ang pagsasakyan namin, syempre andami kaya namin dito.

Napatingin kami sa gate nang dumating na si Prof. Loku. Sa wakas, nandito na siya.

"Bakit hindi pa kayo sumakay sa Bus?" tanong niya saaming lahat.

"Hinintay ka po namin, Prof." sigaw naman nung isang estudyante sa harap..

"Sweet niyo ha? Pero dapat talaga pumasok na kayo sa Bus" sabi niya habang tumatawa.

"Get in the bus now" sabi ni Prof. Loku at binuhat na mga iba yung mga dala nilang bag pero saakin ay binuhat ni Marvin, nginitian ko lang siya at pumasok na ng Bus.

Nang makapasok ako ay umupo agad ako sa upuan namin pero ako yung bandang bintana, si Marvin sa tabi ko at sa harap namin ay sila Justin at Hazel. Ewan ko lang ha, pero si Hazel naglalaro na din nung nilalaro ni Justin, Relationship Goals talaga silang dalawa eh haha.

Napatingin ako sa gilid ko nang umupo na si Marvin dito.

At nga pala, napansin kong wala si Rey.

"Marvin..." tawag ko sa kaniya at lumingon sa harap at likod namin, wala talaga si Rey.

"Bakit wala si Rey?" kunot noo kong tanong sa kaniya.

"Ah si Rey ba? Pumunta na sila sa US kasama niya si Cynthia." sagot niya habang nakangiti.

Pumunta sa US? Kasama si Cynthia? Isa pa ata yung dalawang yun, Travel Goals haha. Ewan ko pero baliw ako ngayon puro Goals yung nasa isip ko.

Ilang segundo lang ang lumipas at nagsimula na kaming bumyahe, buti nalang at hindi ako yung taong nasusuka o nahihilo kapag bumabyahe. Yung iba kasi may baon silang madaming plastic bags na dala.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana nang mapunta sa view yung mata ko, nakatingin pang ako sa mga nadadaanan namin, madami ata kaming madadaanan kasi medyo malayo daw yung beach.

Humikad ako sa gitna ng pagtingin ko sa labas, inaantok ako dahil unti lang tulog ko dahil ang aga nga namin dito^~^.

Marvin's POV

Nagcecellphone lang ako dito nang mapatingin ako kay Zia. Tulog na agad 'to? Ang dali naman, unting oras palang kami bumabyahe ah? Umayos ako ng upo ko at ginilid ang mga buhok na nakatakip sa mukha niya, pagkatingin ko sa mukha niya ay nakita ko nanaman yung labi niya, shit nate-tempt akong halikan siya.

Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at papalap and na nang dumilat ang mata niya, dahil sa pagkabigla kong umatras ay nahulog ako sa upuan ko, nasa saakin nanaman ang mga tingin nila.

"What's your problem there, Mr. Novazaki?" tanong ni Prof. Loku saakin na halatang kagigising.

"Nothing" sagot ko nalang at umupo na ulit.

"Ano bang ginagawa mo?" agad na tanong ni Zia saakin pagkaupo ko.

"Wala" sagot ko sa kaniya at inayos yung upo ko.

"Plano mo ba akong..." napatingin naman ako sa kaniya nang sabihin niya 'yon.

"Ano nanamang pinag-iiisip mo" kunot noo kong tanong sa kaniya. Paano pigilan ang pag-iinit ng mukha ng lalake? ASAP yung answer. Nararamdaman kong umiinit yung mukha ko, lalake ako' diba bakit naman ako magba-blush?

"Are you tempting to kiss me" bulong niya saakin habang nakangiti.

"B-bakit ganyan ka ngayon, Zia" sabi ko sa kaniya at lumayo ng unti sa kaniya.

"Bakit ka muna nagba-blush?" tanong niya saakin habang natatawa.

"Lalake ako 'no,' di ako nagba-blush" sagot ko naman sa kaniya.

"At sinong nagsabing hindi pwedeng magblush ang mga lalake?" tanong niya saakin.

"Nevermind, continue your sleep" pag-iiba ko ng usapan at nagtakip ng sumbrebro sa mukha. I need to cover my face, baka may ibang makakita.

avataravatar
Next chapter