19 Chapter 18

Chapter Eighteen

•••

Zia's POV

Nakababa lang yung ulo ko habang kumakain pero napunta ang atensyon namin kay Marvin at Cynthia nang punasan ni Cynthia ang dumi sa gilid ng bibig ni Marvin.

Hindi ko na makontrol ang sarili ko, gusto ko ng magalit sa babaeng yun!

Agad kong pinalo ng medyo malakas ang mesang pinagkakainan namin at na patingin naman sila saakin.

"Magc-cr lang ako" sabi ko at bumalik naman na ang tingin nila sa kinakain nila.

Nang makarating ako sa CR ay gusto kong umiyak pero pumasok si Cynthia.

Nakapatong lang ang kamay ko sa bandang faucet nang maghugas siya ng kamay at tumingin sa reflection.

"Hi" bati niya saakin ng nakangiti habang nakatingin sa reflection ko sa salamin.

"Hi" bati ko pabalik sa kaniya at ngumiti din sakaniya.

"Ikaw pala yung bagong nililigawan ni Marvin" sabi niya saakin at ngumiti, pero kita ko sa mga mata niya na malungkot siya.

"Hmm, oo" sabi ko habang nakangiti pa rin sakaniya.

"Pero pwede bang....balewalain mo siya?" na patingin naman ako sa kaniya nang masabi niya 'yon.

"Ba-b-balewalain?" tanong ko sa kaniya at hinarap sa kaniya.

"Oo, para maisipan niya akong balikan, para mabalik yung dati naming pag sasama, Zia, Please." sabi niya saakin at nagsimulang umiyak.

"B-bakit ka um-umiiyak?" tarantang tanong ko sa kaniya at bigla namang may pumasok sa loob ng CR.

"Cynthia!"

Hazel's POV

Kumakain kami dito nang may marinig kaming hagulhol na galing sa CR.

Dali-dali kaming pumunta sa CR at nadatnan dun si Cynthia na umiiyak.

"Cynthia!" sigaw ni Marvin at Rey na sabay at agad namang pumunta kay Cynthia.

Akala ko ay kay Cynthia na pupunta si Marvin pero mali ako ng iniisip, pinuntahan ni Marvin si Zia at niyakap ito na parang pino-protektahan.

"Anong nangyari?" tarantang tanong ni Rey kay Zia pero ang sumagot ay si Cynthia.

"Kasalanan ko.... Kasalanan ko, I beg her to leave Marvin alone. But I think I will never take Marvin back to me" sagot niya at tumigil ang pag-iyak.

"I'm sorry, Zia" sabi ni Cynthia at lumabas na kasama si Rey.

Nakatingin lang si Zia kay Cynthia habang nanlalaki ang mga mata at habang paalis ito.

"Okay ka lang ba?" alalang tanong ni Marvin kay Zia nang ihiwalay nito ang yakap.

Walang nilabas na salita si Zia at tumango nalang.

"Magco-commute nalang kami pauwi, ihatid mo na si Zia sa Dorm namin" sabi ko kay Marvin.

Tumango nalang siya at lumabas na sila ni Zia.

Marvin's POV

Nasa parking lot palang kami at pasakay na sa kotse pero hindi ko maalis ang tingin ko kay Zia dahil ang lungkot niya at nabigla pa ata siya kanina dagil sa ginawa ni Cynthia.

"Marvin, may gusto ka bang sabihin saakin?" napahinto ako sa paglalakad at ang mata ko dahil sa tanong niya saakin.

"h-huh?" balik na tanong ko at tumingin sa kaniya.

"May gusto ka bang sabihin?" ulit niyang tanong saakin.

Alam niya na ba? Kung alam niya naman na sinong nagsabi? Ako lang namna ang nakakaalam nun ah, hindi ko sinabihan sila Justin, Drake, Angelo at Jim pero bakit niya alam? Pero alam niya na ba?.

"Bakit mo naman natanong?" tanong ko din sa kaniya at ngumiti.

"Wala lang, baka kasi may gusto kang sabihin dahil sa kinikilos mo kanina pang umaga" sagot niya saakin at ngumiti din.

"Ah, ayun ba? Kabado lang ako dahil sa test kanina, tsaka nagaalala ako baka wala sa nireview ko yung test" pagsisinungaling ko sa kaniya, mali pero kailangan. Like I said, I can't afford to lose her.

"Kabado? Pero tama naman yung mga tinake notes ko ah?" kunot noong tanong niya saakin habang nakatingin din saakin.

"Syempre minsan lang ako mag-take ng test sa school na 'to, that's the reason" pagsisinungaling ko pa sa kaniya.

"O-ok" sagot niya nalang at pumasok na ng kotse.

.

.

.

.

Naihatid ko na si Zia sa Dorm nila at pauwi na ako, pero pagpasok ko sa bahay ay nandun sila Ret at Cynthia.

"Why are you here?" tanong ko habang nakakunot nag noo sa kanila.

Wait, is that luggage? Aalis ba si Cynthia?

"We're to say goodbye" sabi ni Cynthia saakin habang nakangiti. Aalis na siya?

"Aalis ka na?" tanong ko sa kaniya at lumapit.

"Yup, aalis na kami" singit naman ni Rey at ngumiti.

Nginitian ko din sila at tinulungang maglabas ng gamit.

Masaya ako para kay Rey, finally, nakuha na niya si Cynthia mula saakin.

Ang bilis naman nilang magpack ng gamit, magkakasama lang kami kanina ah?

"Bakit parang ambilis naman ata ninyong nakapagpake ng gamit?" tanong ko sa kaniya habang magkakaharap kami.

"Uhm, sa totoo niyan, kahapon pa kami nagpake ng mga gamit, and it was planned. And hindi ko din inexpect na gagawa ako ng scene sa restaurant kanina, pakisabi nalang kay Zia na I'm very sorry about kanina" sabi niya habang nakangiti pa rin.

"Sige mauna na kami, baka malate pa kami sa flight" singit ni Rey at paalis na sana pero parang may nakalimutan si Cynthia dahil huminto siya at may kinuha sa bulsa niya.

"Ito nga pala yung bracelet na sabi mo saakin noon ay para sa makakatuluyan mong babae mo ibibigay and I guess I'm not the girl for you. Give it to Zia" sabi niya saakin sabay abot at umalis na sila.

Habang naglalakad sila palayo ay nakatingin lang ako sa bracelet na yun, pearl bracelet siya na may silver marbles sa gilid. Siguro nga, hindi 'to para kay Cynthia.

avataravatar
Next chapter