15 Chapter 14

Day 7/7

Marvin 's POV

Nagising ako dahil sa pagtutok ng araw saakin pero hindi ako nakagalaw ng mabuti nang makita ko si Zia na naka-ub-ob lang sa side table ko na katabi lang ng kama ko.

Tinginan ko siya at kinuhaan ng litrato gamit ang cellphone ko.

Kailangan kong maghanda ngayon, last day ko ng magiging girlfriend si Zia. Siguro iiwan ko nalang siya dito sa bahay at iaabot ko nalang kay manang yung mga damit na bibilhin ko para sa kaniya. Naka-isip ako ng surprise mag-isa dito habang nagtu-toothbrush ako.

Sa gitna ng pag-iisip ko ay naalala ko yung kahapon, wala na talaga akong gusto kay Cynthia at hindi na ako magkakagusto sa kaniya.

Ang alam ko nalang ngayon ay si Zia lang ang importanteng tao saakin ngayon. I can't afford to lose her.

Pero mananatili nalang atang sikreto yung ginamit ko siya pero mukhang hindi naman tumalab dahil ako yung nagkagusto sa kaniya. Maybe Rey is still into Cynthia, at alam kong matututunan ding mahalin ni Cynthia si Rey, nagawa niya noon dapat magawa niya din ngayon.

Palabas na ako ng Mansion pero bago ako pumasok ng kotse ay tumawag ako kay Justin at Hazel na pumunta sa Jewel's Park, park na malapit sa school.

Nang makarating ako dun ay agad akong bumaba ng kotse at naghintay kina Hazel at Justin sa mga upuan.

"Yow, bro" tawag saakin ni Justin at sa wakas nandiyan na rin sila.

"Bakit mo kmai pinapunta dito?" tanong ni Hazel saakin habang nakangiti.

"Since it's the last day of the dare, I wanted to surprise Zia" sabi ko sa kaniya at nagtinginan naman sila at nagngitian.

"May gusto ka ba sa Bestfriend ko?" tanong ni Hazel saakin at nag-iwas naman ako ng tingin sa kaniya.

"Hindi pa ba halata, Hazel?" sabi naman ni Justin at tumawa.

"Oo na. Pero tulungan niyo ako sa surprise ko" inis na sabi ko sa kanila at tumango naman sila.

"Balak mo bang ligawan si Zia?" tanong saakin ni Hazel at napaisip naman ako.

"I think so" sagot ko sa kaniya at umupo.

"Hindi ko alam kung anong nagawa ni Zia saakin para magkagusto sa isang simpleng babaeng tulad niya na may hate saakin." sabi ko habnag nakangiti.

"She is the reason why I smile everyday, even if she's an idiot sometimes, I like her and that's the truth" sabi ko at pumalakpak naman silang dalawa habang nakangiti at halatang kinikilig.

"And you two? You are the reason why Zia and I have the chance to meet and know each other very well" sabi ko at nakangiti lang sila saakin dalawa.

Pagkatapos kong maglabas ng saloobin ko sa kanilang dalawa ay naghiwalay kaming tatlo dahil si Hazel ang hahanap0 sa gagamitin ni Zia na damit, ako sa gift ko para sa kaniya at si Justin naman ang magdedesign ng park kung saan gaganapin ang surprise.

Nasa mall ako ngayon at naghahanap ng pwedeng iregalo kay Zia at sabi naman ni Hazel ay mahilig si Zia sa Butterflies kaya maghahanap nalang ako ng toy na Butterfly at kwintas na Butterfly.

Hazel's POV

Naghahanap ako ng purple na dress para kay Zia dahil purple ang favorite color niya at siyempre pera pa rin ni Marvin ang gagamitin ko dito. Alangan naman ako 'diba.

At sa tingin ko ay magugustuhan ni Zia yung surprise ni Marvin sa kaniya. At napapansin ko rin ng mga nagdaang araw parang ang saya ni Zia pag kasama niya si Marvin.

Minsan lang magmahal ang Bestfriend ko at kita niyo naman bumagsak pa sa Gangster, Gangster na naibalik niya sa dati. Gangster na hate niya pero ngayon ata nagustuhan niya na.

NBSB ang Bestfriend ko pero madami na siyang nagustuhan na lalake pero 'di naman din siya napansin tanging si Rey lang ang crush niya ang nakapansin sa kaniya.

Justin' s POV

Naghahanap ako ng fairy lights dito sa Light Store dito at ako din ang magdi-disenyo sa park mamaya, bumili na rin ako ng Butterfly na may string para isabit nalang sa puno mamaya, I'm sure she will like this.

Pati ako gusto ko ng mag-confess kay Hazel ng nararamdaman ko, I think I'm in love too. Dahil sa kanilang dalawa natuto kami ni Marvin magmahal, at ngumiti ulit. Hindi ko na nakikita kay Marvin yung pagiging gangster, nakikita ko na siya bilang isang disenteng lalake na nagkakagusto sa simpleng babae tulad ni Zia.

6 O'clock Pm....

Zia's POV

Nagising ako kanina pa pero hindi muna ako pinauwi nila manang, utos daw ito ni Marvin, nandito ako ngayon sa banyo at naliigo, may pinadala din daw siyang dress at gamitin ko daw 'yon.

Wala naman akong alam na okasyon ngayon, last day lang naman ng dare ngayon eh kailangan pang may paganitong isusuot.

Hindi ako mahilig magdress pero para sa favorite color ko ay susuotin ko ito, may sandals din na glittery at kulay purple din ito.

Nang matapos akong maligo ay sinuot ko na yung dress na binigay niya at sinuot ito, fit lang saakin kaya magandang tignan.

Pagkatapos ko namang magpalit ay me-make-up-an daw ako ni Tita which is yung Mommy ni Marvin, sino pa nga ba.

"Ang ganda mo, Zia!" nagulat naman ako sa sigaw ni Tita.

"S-salamat po tita" sabi ko at tinignan yung mukha sa salamin, ang ganda nung make-up saakin.

"Happe weeksarry sa inyo ng anak ko, sana umabot kayo sa wife and husband" sabi niya at nanlaki naman ang mata ko.

"Ba't naman po agad-agad tita?" tanong ko habang nakangiti.

Baka nga hindi kami makarating dun ni Marvin, dare nga lang 'to eh, pero ang alam ni Tita ay totoong kami ni Marvin.

Napatingin naman kami sa baba nang may magpitada, si Tito ata yun yung Daddy ni Marvin. Siya daw ang maghahatid saakin dahil sususportahan na daw niya si Marvin kung saan at anong gusto niya.

"You're beatiful, Zia. You're so perfect for my son" sabi niya at ngumiti.

"Thank you po, tito" pasalamat ko naman kay tito at ngumiti.

"Let's go" sabi niya at inumpisahan na ang pagmamaneho.

Pagkarating namin ay nakita ko yung disenyo ng Park. Puno ng paru-paro, at nang lumabas naman si Marvin dun ay napatingin ako sa kaniya, ang gwapo niya lalo ngayon. Parang mas lalo akong nahulog sa kaniya.

avataravatar
Next chapter