14 Chapter 13

Continuation of Day 6/7

Rey's POV

Nabalitaan ko na bumalik na daw si Cynthia sa bansa, so I'm on the way on their Mansion.

.

.

Nang makarating ako sa Mansion nila ay may narinig akong pagbasag ng vase.

Agad naman akong tumakbo papunta sa kaniya.

Nang madatnan ko siya ay nakagilid lang lahat ng katulong niya at nakayuko.

"What are you doing, Cynthia?!" sigaw na tanong ko sa kaniya at nilapitan siya.

Nakatingin lang siya saakin at nang makalapit ako ay bigla naman siyang tumayo.

"IKAW YUNG MAY KASALANAN NITO! KUNG HINDI MO SANA AKO HINAYAANG MAHULOG SA'YO EDI SANA HANGGANG NGAYON AY KASAMA KO PA SI MARVIN!!!" sabi niya saakin habang umiiyak.

"What are you saying?" kunot noo kong tanong sa kaniya.

"BECAUSE OF YOU HE DUMP ME, HE DUMP ME..." sabi niya kasabay ang malakas na hagulhol niya.

Nilapitan ko namna siya at niyakap.

"It's okay, calm down first" sabi ko sa kaniya habang yakap-yakap siya.

"For you it's okay because you have the girl you want now, but me? He will dump me forever, because of you" sabi niya saakin habang umiiyak pa rin.

Habang umiuyak siya ay binuhat ko siya at pinunta sa taas kung nasan ang kwarto niya.

Pinahiga ko muna siya sa kama niya at lumabas na ng kwarto niya para kumuha ng inumin sa baba, kailangan niyang kumalma kung hindi, aatakehin siya ng sakit niya.

May sakit siya sa puso na dahilan kung bakit siya umalis ng pilipinas, hindi alam yun ni Marvin kaya andali niyang paiyakin si Cynthia.

Pagkatapos kong kumuha ng tubig ay umakyat ulit ako at kinuha sa cabinet niya yung gamot niya.

"Uminom ka muna ng gamot mo" sabi ko sa kaniya t kinuha naman niya yung gamot at ininom ito.

"Rest here for now" sabi ko sa kaniya at bumaba na.

Nadatnan ko naman yung mga maids na nag-aayos ng mga binasag ni Cynthia.

Lumabas na ako at nagdrive papunta sa Mansion nila Marvin.

Kung masama man ako sa tingin niyo, ayos lang pero magsasalita ako.

Ang totoo niyan, mgakakaibigan kaming tatlo nila Marvin, Ako at si Cynthia pero nabago yun nung nagsimula kong maagaw yung mga honors ni Marvin, nung Elementary palang kami at pagtungtong naman namin sa Highschool ay nagsimulang magkagusto si Marvin kay Cynthia, pero nalaman nina Tita Megan which is yung Mommy ni Cynthia na may grupo ng gangster si Marvin kaya ayaw nila kay Marvin, so they want me to take care of Cynthia and it was our Second Year in Highschool when they become a couple, but Tita Megan talk to me and said that I have to snatch away Cynthia from Marvin so that's what I did. I just follow Tita Megan's order to take Cynthia out in danger. But that's not right, mas lalo ko pang pinalaki ang galit ni Marvin saakin. P

.

Nang makarating ako sa Mansion nila Marvin ay nakita ko siyang umiinom sa poolside nila na walang kasama.

"Hey Marvin!" tawag ko sa kaniya at napalingon naman siya at ngumisi.

"I bet Cynthia told you what happened?" sabi niya at tumayo habang nakangisi.

"And what if she told me?" tanong ko naman sa kaniya.

"Then you are supposed to be happy, you can have her now" sabi niya at tumungga sa bote ng alak na hawal niya.

"Happy? Ng nakikitang ganun si Cynthia? You're such an idiot" sabi ko naman sa kaniya ng seryoso pero nakangisi pa rin siya.

"Thank you" sabi niya at tumawa at papasok na sana nang magsalita ulit ako.

"Do you know the reason why Cynthia went on US?" tanong ko naman sa kaniya at napatingin naman siya saakin.

"Dahil meron siyang Heart Disease" sabi ko at kumunot naman ang noo niya.

"Then take care of her. She is part of my past now, I don't care for you two" sabi niya at pumasok na sa loob.

Ganun lang bang kadali i-let go sa kaniya si Cynthia?

Hindi ako masaya kung hindi masaya si Cynthia, she is my only happiness. I didn't have anyone I like nor I love except for her.

Hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya pero siya ang tingin saakin ay kaibigan lang, hindi katulad kay Marvin na kaya niya pang magbasag ng mamahaling vase dahil lang dinump siya ni Marvin.

Zia'vs POV

Tumawag saakin si Marvin at ang boses niya ay parang lasing na ewan.

Kaya nagre-ready na ako dahil pupunta ako sa Mansion nila, nakapag-usap na rin kami ni Hazel at galing din daw si Justin dun pero hindi daw sinabi kung anong nangyari.

Nagpara na ako ng taxi at binigay yung address nila Marvin.

.

Nang makarating ako sa Mansion nila Marvin ay nakita ko ring papalabas si Rey dito. Ba't nandito siya?!

"R-rey?" tawag ko sa kaniya at napatingin naman siya saakin at ngumiti.

"Pupuntahan mo ba si Marvin?" tanong niya saakin at tumango lang ako sa kaniya.

"Ahhmm, sige mauna na ako" paalam niya at pumunta na sa kotse niya.

Bakit ang tipid niya kung magsalita?

Tumaas na agad ako sa kwarto ni Marvin dahil wala namang tao sa labas.

Kumatok ako sa pinto niya at walang sumagot kaya pumasok nalang ako.

"M-marvin?!" sigaw ko nang makita siyang nakahiga lang sa sahig.

"D-dumating ka, haha" sabi niya at ngumiti saakin.

"A-ano bang pinaggagagawa mo, tumayo ka nga diyan, sa kama mo ka matulog hindi sa sahig" sabi ko sa kaniya at binuhat siya kahit mabigan siya.

"Ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo?" tanong ko kahit alam ko namang 'di niya ako sasagutin kasi lasing siya.

"Sorry, sana mapatawad mo ako" bigla niyang sabi at tumingin naman ako sa kaniya, parang nananaginip siya.

Bakit' to nagso-sorry?

Napatingin nalang ako sa kaniya at binaba na siya sa kama niya.

"Tss, pinapunta mo pa ako dito, hindi mo nalang tawagan yung girlfriend mo!" sabi ko at bumaba, sakto namang pagkababa ko ay nandun yung isang katulong nila. Bakit ba naiinis ako dahil may girlfriend si Marvin?!

"Ay, magandang gabi po Ma'am Zia" bati niya saakin at bumati naman akong pabalik.

"Ahh ate, kailangan ko po ng mainit na tubig at malaking tabo" sabi ko at binigyan naman niya agad yung hinihingi ko at umakyat na ulit ako sa kwarto ni Marvin at pinatong ito sa side table niya katabi ng higaan niya.

Inuna kong pinunasan ang mukha niya at braso niya.

At nang aalis na sana ako ay hinila niya yung kamay ko at nahulog ko naman yung laman nung tabo at buti nalang hindi na ito masyadong mainit.

Tumingin naman ako sa kaniya at hinawakan niya yung batok ako at ang alam ko nalang ay nakadampi na ang labi niya sa labi ko.

avataravatar
Next chapter