12 Chapter 11

Continuation of Day 6/7

Zia's POV

Nakapalit na ako at nandito na sa kotse ni Marvin pero walang pumapansin saakin, nakatulog lang naman ako dun sa rooftop eh, malay ko naman 'diba? Parang ang OA naman nila

Pati si Hazel hindi ako pinapansin, wala talagang pumapansin saakin, edi sana hindi nalang nila ako sinama.

"Hazel" tawag ko sa kaniya pero patuloy niya lang ginagawa ang pagce-cellphone.

"Marvin" tawag ko naman kay Marvin pero nakaseryoso lang siya habnag nagmamaneho.

"Hindi ko naman kasalanan kung dun ako nakatulog eh" paliwanag ko sakanilang tatlo pero wala paring umiimik.

Bahala na nga sila diyan. Edi 'wag nila akong pansinin, wala din akong papansinin sa kanila, childish pero pataasan ata ng pride ang gusto nila, huh?

Nang makarating kami sa school ay ako ang naunang lumabas, dahil nasa front seat ako katabi ni Marvin.

Sumusunod lang ako sa kanilang tatlo nang makuha na namin ang result ay wala pa ring pumapansin saakin. Ganun ba sila kagalit saakin? Simpleng pagkakamali lang naman yun ah, tsaka ba't ba ganyan umakto si Marvin, hindi naman totoong kami dare lang naman 'to ah.

Sumusunod lang ako sakanilang tatlo magkakatabi silang tatlo habang ako naman ay nasa gilid ni Marvin.

Paano kaya kung umalis nalang ako?

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa Seven-Eleven, dahil narinig ko sa pag-uusap nilang tatlo ay may bibilhin muna sila dahil gutom na si Justin at Hazel.

Pumasok din ako sa loob pero humiwalay ako sa kanila, bahala sila diyan tatlo.

Kumuha ako ng tinapay at milk tsaka binayaran ito at lumabas, may pupuntahan nalang ako mag-isa.

Pagkalabas ko ay dumeretso ako sa park na malapit dito sa 7/11 at School.

Nasa isang Park ako, dito lagi ako pumupunta kapag mag-isa ako, pero hindi na ako pumupunta dito simula nung maging kaibigan ko si Hazel. Pero syempre kapag nalulungkot ako dito ako pumupunta.

Andaming nagbago dito, mas lalong gumanda dahil sa mga bagong disenyo.

Pumunta muna ako sa palaruan sa park at wala masyadong tao rito, umupo ako sa swing habang ginagalaw ito ng unting galaw lang habang kumakain.

Bukas na pala yung last day ng dare. Pag katapos bukas matatapos na ang pakikisama ko sa gangster na yun.

Hazel's POV

Umalis na ata si Zia mag-isa niya dahil hindi namin siya pinapansin.

"Hayaan mo na siya, kaya niya naman na ang sarili niya" biglang sabi ni Mavrin at napatingin naman kami ni Justin sa kaniya.

"Hayaan? Bro, ganiyan ka ba maging boyfriend? Hahayaan mo yung girlfriend mo na umalis mag-isa?!" sigaw na tanong naman ni Justin kay Marvin pero wala pa rin kaming nakikitang pag-aalala ni Marvin para kay Zia.

"Boyfriend? I'm just a dared boyfriend, so why will I worry about her?" sabi naman ni Marvin.

"Dared Boyfriend? Talaga ba? Then I'll call Rey para siya ang maghanap kay Zia" sambit ni Justin at nilabas ang cellphone para tawagan si Rey pero hinablot ni Marvin ang cellphone niya at tinapon ito.

"Sinasabi ko sa'yo na pag-ginawa mo yun ay parang tinulungan mo na rin si Rey na agawin nanaman saakin ang iisang babaeng gus--" hindi niya tinuloy ang sasabihin niya at kusang lumaki ang mata niya dahil sa sinabi niya.

May gusto na ba si Marvin kay Zia? OMO!!!

"Ano bro? You're a Dared Boyfriend, huh? Do you really like Zia now?" tanong ni Justin sakaniya habang nakangisi.

"Shut up, Mr. Simon" sabi nalang ni Marvin at pumunta sa kotse niya.

"Maglakad nalang kayo, I'll find Zia" sabi niya ng seryoso at sinimulan na ang kotse niya.

At kami naman? Walang magawa kung hindi maglalakad.

Marvin's POV

Hindi ko alam kung bakit ko sinabing hahanapin ko si Zia pero ewan ko ba, nag-aalala ako sa kaniya eh.

San kaya yun nagpunta.

Kanina hindi ko alam kung bakit ako bumalik nalang ng hindi ginugulo sila Rey at parang may naramdaman na akong hindi maganda. Gusto ko na ba talaga si Zia?

Nag-ikot na ako dito at wala pa rin si Zia, pero may isa pa akong hindi napupuntahan, yung park na malapit lang dito.

Nakarating ako dito ng ilang minuto lang at nakita ko si Zia dun na nag-iisa lang na nakaupo sa swing.

Buti kaya niyang mag-isa.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at tinakpan ang mata siya gamit ang kamay ko.

"Sino 'to? Rey ikaw ba yan" hindi ko alam kung anong nangyari saakin pero nabitawan ko agad yung pagtakip sa mata niya nang sabihin niya ang pangalan ni Rey, humarap siya saakin ng nakangiti dahil akala niya ata ako si Rey.

Pero nang makita niya yung mukha ko ay agad niyang binawi yung ngiti niya.

Kinuha niya lang yung shoulder bag niya at yung result ng test at maglalakad na sana pero pinigilan ko siya.

"Anong kailangan?" tanong niya saakin habang naka tingin sa likod ko.

"Ihahatid na kita" sabi ko at binawi niya naman yung kamay niya.

"Nakapunta akong mag-isa dito, so kaya ko ring umuwi mag-isa" sabi niya at naglakad na paalis.

"Zia!" sigaw ko sakaniya at hinabol siya.

"Ayaw mo ba talagang sumabay?" tanong ko sakaniya.

"No thanks" sabi niya habang naglalakad at nakatalikod saakin.

Ngumisi naman ako.

"Then I'll force you" sabi ko ng nakangiti at tumakbo sa kaniya at binuhat siya.

Nagpupumiglas naman siya pero masyado naman ata akong malakas kaya wala siyang magagawa.

avataravatar
Next chapter