11 Chapter 10

Continuation of Day 5/7

Zia's POV

Hinatid nalang kami nila Justin at Marvin sa gate ng Dorm Building namin ni Hazel.

Naglalakad na kami ngayon ni Jazel dito at ang pagsara naman ng Dorm namin ay 10 o'clock ng gabi, at magna-9 :30 palang ngayon.

Habang naglalakad kami ay hindi ko makalimutan yung nangyari kanina, pero dahil kina Hazel at Justin ay naitulak ako ni Marvin pero hindi naman masyadong malakas.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa Kwarto namin ni Hazel, nakakapagod 'tong araw na 'to pero naging masaya pa rin kaming apat.

Pumunta na ako sa higaan ko habang tinitignan yung smile ni Marvin sa picture na kinuha saaming dalawa kanina.

"Ang gwapo niya kapag nakangiti" sabi ko at napangiti din.

Bakit kaya naging ganun ang ugali ni Marvin, ang kwento naman ni Rey saakin close sila nung bata sila eh, pero bakit parang naging magka-away sila ngayon?

"Hindi ako makatulog!" sigaw ko habang ginugulo ang sarili kong buhok.

.

At dahil nga hindi ako makatulog, naisipan ko munang pumunta sa Rooftop ng Dorm Building namin.

Nakahiga lang ako habang nakatingin sa langit, ang ganda ng langit, lalo na yung mga stars.

Bakit hindi ko talaga makalimutan yung itim na buhok ni Marvin? Nakakainis ha!

Isama mo pa yung ngiti niya saakin at sa picture na kinuha saamin kanina.

"Waaaaah, nababaliw na ata ako...."

"Sa'yo, Marvin.."

Kahit walang nakakarinig gusto kong sabihin yun, paano kita matatanggal sa isip kong gangster ka!

"Haaaaays" singhal ko nalang at humiga na ulit sa upuan dito sa rooftop.

At ilang minuto lang ang nakakalipas ay unti-unting nagsara ang mga mata ko.

«Kinabukasan»

Day 6/7

Hazel's POV

Nag-aalala na ako dahil napag-usapan namin nila Justin na sabay-sabay kaming kukuha ng result, pero bakit pagkagising ko ay wala na si Zia sa Dorm Room niya? Kanina ko pa din siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot yung tawag.

"Asan ka na ba, Zia?" tarantang tanong ko sa hangin.

Hindi pa namin sinasabi ni Justin kay Marvin baka mag-alala kasi siya at magalit siya kung sakaling kasama man ni Zia si Rey.

Naghahanap ako sa library nang mag-ring ang cellphone ko, napatingin naman saakin yung mga nagre-review at nag-sorry nalang ako ng mabilisan at tumakbo palabas.

"Hello?" panimula ko sa tawag.

"Nakita mo na ba siya?" tanong saakin ni Justin sa kabilang linya.

"Hindi pa, nag-aalala na ako, Justin" tarantang sagot ko naman kay Justin.

"Pero alam kong hindi sisira ng pinag-usapan si Zia, kung sinabi niyang pupunta siya, pupunta siya" dagdag ko pa sa kaniya.

"Ipaalam na kaya natin kay Marvin?" sagot naman saakin ni Justin.

"P-pero.." magsasalita palang ako nang hindi ako patapusin ni Justin.

"Hindi siya magagalit" pagputol naman saakin ni Justin.

"Paano mo naman nasabi?" tanong kosa kaniya.

"Basta, ipapaalam ko na" sabi niya at inend call na.

Asan na ba kasi yung babaeng yun? Alam niyang may pupuntahan tapos aalis-alis.

8 o'clock na at ang napag-usapang pagpunta namin sa school para kumuha ng result ay 9:30.

Marvin's POV

"Bakit ka naman naparito, Rey?" tanong ni Daddy kay Rey na kararating lang sa bahay, nakatingin lang ako sa kaniya ng masama habang kumakain.

"Wala lang po, wala pong magawa sa bahay eh" sagot niya naman at uminom ng kapeng hinanda sakaniya.

Mapaso ka sana.

Binaba ko ang fork and knife na hawak ko at kinuha ang phone ko. Bago naman ako umalis ay binigyan ko siya ng nang-aasar na tingin.

Pero paakyat palang ako nang magring ang cellphone ko, tinignan ko naman ito at tumatawag si Justin, ba't parang ang aga naman? May 1 hour and 30 minutes pa ah?

"Hey!" agad na panimula ni Justin saakin na halatang nag-aalala

"Ang aga naman ata, para sabihin ko sa'yo, may 1 hour and 30 minutes pa tayo bago kunin ang result" sigaw ko naman sa kaniya.

"Hindi yun, Marvin" sagot niya naman saakin.

"Nandiyan ba si Rey sa inyo?" tanong niya naman saakin at tinignan ko si Rey na nakatingin din saakin kasi nga, naririnig nila.

"Oo, bakit?" tanong ko pabalik sa kaniya.

"Nawawala si Zia" pagkasabi niya ng salitang yun ay agad kong inend call yung tawag at tumakbo palabas. Ganun din naman ang ginawa ni Rey, dahil narinig niya din yun.

Agad kong sinimulan ang pagda-drive hanggang sa Dorm nila.

Nang makarating ako ay ganun din si Rey, magkasabay lang kaming nakarating dito at sabay din kaming bumaba.

Wala kaming sinayang na oras at tumakbo para hanapin si Zia.

Zia's POV

Nagising ako dahil sa isang malakas na ring ng phone ko. Dinilat ko naman ang mata ko at tinakpan ang mata ko dahil nasisilaw ako sa araw.

"Saan ako?" tanong ko sa sarili ko habang tinitignan ang paligid.

Napatayo naman ako sa gulat nang malaman kung asan ako.

"DITO AKO NAKATULOG!?" sigaw ko at sinagot ang sunod-sunod na tawag ni Hazel.

"SAAN KA BANG BABAE KA?!" nakakarindi naman 'to, umagang umaga bad mood.

"Bakit ba ang gulo mo, ang aga-aga" sagot ko naman sa kaniya.

"Nasan ka ba? Kanina pa kami naghahanap sa' yo!" sagot niya at nanlaki naman ang mata ko.

"A-akala niyo ba nawawala na ako?!" taranta kong tanong sa kaniya.

"OO, KAYA KUNG ASAN KA MAN BUMALIK KA NA SA DORM ROOM MO PLEASE LANG!" sigaw niya at agad ko namang inend yung tawag.

Tatakbo na sana ako kaso lang may dumating dito sa rooftop, Si Rey?! Pati siya naghahanap saakin?!

Rey's POV

Kung saan-saan na daw naghanap sila Hazel pero wala silang nabanggit na Rooftop 'diba? Nang maisip ko yun ay dumeretso na akong rooftop at nakita ko si Zia dun na balak na atang bumaba.

Hinahanap ko si Zia para kay Marvin, ayoko ng makialam sa buhay ni Marvin at wala na akong na agawin pa si Zia, sapat na ako kay Cynthia.

"R-rey?!" tawag niya saakin habang nanlaki ang mga mata.

"Pati ikaw?! Pati ikaw humanap saakin?!" hidni makapaniwalang tanong niya saakin.

"Yup and even Marvin is finding you right now, kung saan-saan sila naghanap nandito ka lang pala" sagot ko sakaniya.

" Siya din?!" gulat na tanong niya naman din.

" Yes, so I guess you have to say sorry to him, to your bestfriend and that guy Justin" sabi ko at ngumiti sakaniya.

"Oo nga, pero saan ba sila?" tanong niya ulit saakin.

"Still finding you, but I guess Hazel called you, right?" tanong ko at tumango nalang siya at umupo habang nakatinbgin sa sahig ng rooftop.

"Baka galit sila saakin, hindi ko man lang kasi pinaalam na nandito ako."malungkot na sabi niya at umupo sa upuan.

"It's okay, just say sorry to them" sabi ko at ako na kismo ang nagsandal ng ulo niya sa braso ko.

Marvin's POV

Nagtext si Justin na sinabi raw ni Hazel na nasa rooftop si Zia at agad naman akong umakyat at nang makarating ako dun, parang ang ganda pa ata ng nadatnan kong view.

Nakasandal ang ulo ni Zia sa braso ni Rey, naunahan nanaman ako.

Nagseselos ba ako? Dapat hindi naman 'diba? This is just a dare by the way.

avataravatar
Next chapter