1 Damit Ni Anna

Damit Ni Anna

By: Rashid Flores

Hindi pala porket kilala mo na, ligtas ka.

Last year, January 13, 2017. Biyernes ng hapon.

Kasama ko si Anna. Matalik kong kaibigan.

"Sumama ka mamaya sa'kin best sa bahay ha. May hinanda kasi ang mga magulang ko darating na pista bukas. After natin dito sa trabaho doon na ang punta natin. At doon ka na din matulog para kinabukasan sabay tayong sisimba."

Huminga ako ng malalim. Hindi ko nga mabilang kung ilang beses na niya sinasabi iyon.

"Hay naku. Wala nga akong extrang damit, na dala. Akala ko naman kasi wala kayong handa." sabi ko.

Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko ng sinabi sa kanya. Siya si Anna. Ang kaisa-isa kong kaibigan na natira hanggang sa magkatrabaho na kami.

Hindi ko naman matanggihan si Anna dahil iyon daw ang makakapag paligaya sa kanya kapag sumama ako sa kanya. Siguro nung nakaraang taon pa niya ako niyaya na sumama. Advance kasi mag isip ang Anna na iyon.

"Meron akong damit na kasya sa'yo. Sige na please?" aniya at pinulupot ang kamay sa braso ko. At dahil kaibigan ko siya wala na akong magagawa pa kundi pumayag. Pagbibigyan ko iyan ngayon dahil nangako rin kasi ako na sasama ako sa kanya. Sunod-sunod naman ang tango ko bilang sagot.

Last month pa niya sinasabi sakin na sumama daw ako sa nalalapit na pista sa kanilang lugar. At magsisimba kami sa kalapit simbahan sa bayan nila tapos magpi-picture kaming dalawa doon. Halos planado na ni Anna ang lahat ng mangyayari sa pagsama ko sa kanila. Siyempre pinaghandaan talaga niya kasi first time ko pumunta. Nung una ayaw ko kasi medyo malayo nga raw pero okay lang matahimik lang ang babaeng ito sa mga pinagsasabi niya. Kaibigan ko naman 'to eh kaya naiintindihan ko siya.

Besides, gusto ko rin makilala ang mga magulang niya. At sa totoo lang hindi ko pa nakikita ang mga magulang niya sa loob ng ilang taon naming pagsasama. Kaya isa din iyon sa dahilan kung bakit napapayag ako. Kasi madami akong iku-kwento sa kanila tungkol kay Anna.

"Siguraduhin mo best masasarap ang mga ulam na inihanda ng mga magulang mo. Kasi 'diba sabi mo masarap sila magluto?"

Tumango siya. "Ay grabi ka naman! Pagkain kaagad ang nasa isip mo." aniya bago lumingon sakin at ngumiti.

Ang ganda talaga nitong Anna na ito. Mas maganda pa sakin, eh. Artistahin ang ganda niya. Gandang pilipina. Naiinggit nga ako sa kanya lalo na sa balat niyang kumikinang sa ganda. Morena. Samantalang ang balat ko naman ay parang nakakita ng multo sa puti. May lahi kasing kastila ang lolo ng lolo ni papa kaya siguro namana ko 'yun.

"Parang hindi mo ako kilala." Natatawa kong sinabi sa kanya. "Kahit ganito ang katawan ko matakaw ako!"

Simula nu'n hindi na siya sumagot o umimik pa at pinagpatuloy ang mga paper works na pinapagawa samin.

"Anna magdala ka naman ng handa niyo sa susunod na araw." sabi ng mga katrabaho namin nang palabas na kami ng opisina.

Natawa naman si Anna. "Naku hindi ko lang alam kung may matitira pa. Eh, baboy 'tong isasama ko." Sabi niya at tinuro ako. "Sexy lang 'to pero bagyo ang bitbit nito dito." sabay himas ni Anna sa flat kong tiyan.

Sunod-sunod naman ang reklamo ko. "Hindi bale, Mai." pangalan ng katrabaho namin. "Magda-diet ako para may matira para sa'yo."

Napangiti si Anna. At nagtawanan pa kami habang nagla-log out sa DTR namin kay manong Elmer. Saktong paglabas namin natanaw ko kaagad ang sasakyan ng boyfriend ni Mai. Si Lloyd. Agad din siyang nagpaalam sa'min at dumiretso na sa sasakyan ng kanyang boyfriend.

"Swerte talaga ng babaeng iyon. Maganda na nga may boyfriend pang gwapo. Eh, tayo?" Sabi ni Anna sa gilid ko.

Nilingon ko siya at nginitian.

"Maganda lang tayo. Na traffic lang si future husband. Tiwala lang. Kapit lang." sabi ko at nagkibit balikat na lang siya. Kaya nga kami magkaibigan eh. Kasi no boyfriend since graduate!

Dumaan kami saglit sa isang foodchain para bumili ng makakain at para may laman ang tiyan namin sa biyahe. Sumakay kami ng jeep biyaheng Muzan.

Lubak na daan at magabok ang sumalubong samin sa biyahe. Nakakapagod, pero enjoy naman kasi kasama ko si Anna.

Mahigit isang oras ang biyahe bago kami nakarating sa bayan ng Muzan.

Natatanaw ko na din ang mga nakasabit na bandaritas at mga nagsasayahang tao na naglalaro sa plaza kasama ang mga kaibigan siguro nila. Malayo talaga ang lugar nina Anna sa siyudad.

Lubak-lubak na daan at malalaking puno ng kahoy na lang ang nakikita ko at may pa-ilan-ilang sasakyan ang nakakasalubong namin sa daan at halos lahat ng iyon may kalumaan.

Tahimik pero parang nakakatakot. Kita ko na rin ang buwan na nakatago pa mula sa likod ng bundok. Pagabi na!

Tinago ko ang kaba sa isang malapad na ngiti na nilingon si Anna. Hindi ko pwedeng ipahalata na natatakot ako. Baka magtampo siya sa'kin.

Nakakahiya naman kung uuwi pa ako, eh, ang layo-layo pa naman ng lugar nila at sayang din ang pagod at pamasahe.

Hindi ko maipaliwanag ang kaba at takot na nararamdaman ko sa ngayon. Mas matindi pa pala ang takot na mararamdaman mo kapag 'yung isang lumang kwento ay bahagya mo ng mararanasan or baka may sakit lang ako sa OA.

Bumaba na kami. Nakarating na kami. Lutang talaga ako ngayon. 'Yung utak ko lumilipad sa nakakatakot na pag iisip ng kung anu-ano, pero ang katawan ko nakatayo sa makakapal na realidad. Realidad ng isang lumang kwento.

Napatalon ako sa gulat nung may kumulbit sa balikat ko. Si Anna pala. Akala ko kung sino na. Bumuntong hininga na lang ako bago nahimas-masan sa lahat.

Diyos ko ang pawis ko hindi basta-basta. Sana kung takot lang din naman pala ang makakapag papawis sa'kin ng ganito, edi sana hindi na lang ako nagpapayat sa gym ng ilang taon at tinakot ko na lang ang sarili ko nun!

Napatingin ako sa dalawang palapag na bahay ni Anna at katabi nito ang sobrang laking puno ng kahoy na hindi ko alam kung anong klase ng puno ng kahoy dahil dumidilim na din. Basta sobrang laki ng puno. Literal na inugat ang dalawa kong mga paa sa kinatatayuan ko.

"Klare. Tara na sa loob. Kanina ka pa hinihintay nina mama at papa." sigaw ni Anna mula sa harap ng pinto ng kanilang bahay nang binalingan ko ito ng tingin. Hindi naman ako nagtagal at tumakbo ako papalapit sa kaibigan ko.

First time kong kabahan at manginig sa takot. May talent talaga ako. I mean may new talent na ako. Na itago ang takot na nararamdaman sa isang ngiting akala mo ay okay lang. Siguro ganito lang talaga ang epekto sa'kin ng mga nababasa at napapkinggan kong haka-haka mula sa mga matatanda.

Halos may kalumaan ang lahat ng kagamitan ang nakikita ko. Pati ang ilaw ng kanilang bahay parang panahon pa ni Heneral Luna sa luma. Hindi ganito ang inasahan kong bahay ni Anna. Wala naman siyang sinabi sa'kin na mahilig pala sa lumang kagamitan ang mga magulang niya. Edi sana dinala ko ang radyo sa bahay. Oh my!

"Sige lang, Klare! Idaan mo sa mga biro ang takot mo." sabi ko sa sarili ko.

Napahigpit ang hawak ko sa tumbler na dala ko nang matanaw ko na ang mga magulang ni Anna na tahimik na nakatitig sa'kin mula sa bangkong inuupuan nila.

Pinakilala na rin ako ni Anna sa mga magulang niya. Sa wakas. So pwede na akong umuwi? Tsk.

Pinilit kong ngumiti sa harap nila kahit nakakatakot ang tingin nila sakin. At paminsan-minsan naman nagtatama ang mata nilang mag asawa sabay tingin sakin. Pero hindi ko na lang pinansin ang kanilang tingin nilang ganun sa'kin. Siguro tinitignan lang nila kung anong klaseng tao ako para kay Anna. Bilang kaibigan niya.

"Best. Iihi lang muna ako." napatango naman kaagad ako habang natataranta na si Anna sa kanyang kinauupuan. Halatang ihing-ihi na talaga siya.

Napangiti naman ako dahil sa reaksiyon ng mukha niya habang nagtatakbo siya papasok sa banyo. Gusto ko rin tuloy na sumama kaso mabilis ang pangyayari, eh, kaya hindi na ako nakasunod.

Ayan na naman ang kaba sa dibdib ko. Lalong bumibilis ang pagtibok nito ng pabagsak na sumara ng kusa ang bintana at napapikit ako ng marinig ko ang malakas na pag ungol ng aso sa malayo. Napahawak pa ako sa pantaloon na suot ko. Literal na basa ang kamay ko gawa ng pawis ko.

"Okay ka lang ba, Klare?"

Napatayo ako dahil sa gulat nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Ramdam na ramdam ko kung gaano kagaspang ang kamay ni tita Karmen.

Kaagad akong ngumiti sa harap niya kahit ang totoo natatakot na talaga ako. Gusto ko na talagang umuwi sa bahay sa mga sandaling ito. Kung maari tatakbuhin ko mula dito hanggang makarating ako sa bahay. Pero hindi naman ako mabilis tumakbo. Lord kayo na ang bahala.

"Huwag kang matakot. Andito lang kami." ngumiti siya sakin bago tumayo at iniwan ako mag isa sa mesa.

Habang nakain kaming apat sa lamesa narinig kong problemado ang mga magulang ni Anna.

Kulang daw ang binili ni manong Ben na karne para sa lulutuin bukas. Nakikinig lang ako hanggang sa napunta ang usapan kay Anna. Kung paano nila pinalaki ang kaibigan ko.

Mabait at masayang kausap naman pala ang mga magulang ni Anna at nawala na 'yung pangamba ko kanina.

Tumulong kami ni Anna sa paghiwa ng mga sibuyas at bawang kasi abala na ang dalawang magulang ni Anna sa paghugas ng pinggan.

Hanggang sa may napansin akong isang kwarto at bukas ang pinto nun. Tumayo ako para tignan, kaso bigla akong hinarangan ni mang Ben na kinagulat ko. Lumakas ang kutob ko na may tinatago ang dalawa nang sinara niya ang pinto.

"Medyo magulo sa loob at makalat." dahilan ni mang Ben at nilayo ako sa kwarto.

May binulong si mang Ben kay aling Karmen at matapos 'yun nilapitan kami ni aling Karmen.

"Magpahinga na kayong dalawa sa taas. At kaya na namin ang ihahanda bukas. Anna, maaga bukas ang unang misa kaya matulog na kayo ni Klare."

Kaya kami ni Anna umakyat na sa taas ng bahay at inayos niya ang banig na hihigaan naming dalawa. Alam ko naman na mahirap lang sina Anna kaya madalas lang siyang umuwi sa kanilang bahay nu'ng nag aaral pa lang kami sa college.

Nagpaalam saglit si Anna sakin at may kukunin lang daw siya sa baba, pero babalik din naman kaagad siya. Kaya ako na ang nagpatuloy sa pag aayos ng higaan naming dalawa. Pinahiram na rin niya ako ng damit at 'yung damit ko isusuot ko rin bukas tutal bago at mabango pa naman daw. Excited na nga akong sumimba at mag-pa-picture kasama siya.

Makalipas ang kalahating oras wala pa rin si Anna. Kinabahan na ako pero hindi ko na lang inisip ang mga nakakatakot na naiisip ng utak ko. Baka mahimatay ako sa takot.

Maya-maya napatingin ako sa bintana ng kwarto ni Anna at nakita ko mula sa labas na ang liwanag ng buwan.

Napatingin kaagad ako sa suot kong relo. Hindi ko namamalayan na isang oras na pala ang lumipas pero hindi pa rin bumababalik si-

"Klare..."

Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni Anna at doon ko nakita na pawisan si Anna habang tinatanggal ang kulambong inayos ko kanina. Nakita ko sa mukha niya na namumutla siya at hingal na hingal. Anong ginawa nito at bakit ito pawisan at pagod? Iyon lang ang pumasok sa utak ko.

"Anna. Anong nangyari sa'yo? Nakakita ka ba ng multo?" pinilit kong itinago ang takot sa tapang ng boses ko. Alam kong may nangyayaring hindi maganda kaya nagsimula na naman akong kabahan.

"Klare. Magpalit tayo ng suot nating damit. Pati ang relong suot mo at ang singsing. Pati hikaw. Basta lahat ng suot mo palit tayo. May gunting ka ba diyan?" Halos pabulong na sabi ni Anna.

Natataranta na rin ang boses pati galaw ni Anna habang naghuhubad na siya ng relo at hikaw na suot nito. Pinilit kong lakasan ang loob ko sa ganitong sitwasyon.

"Aanhin mo ang gunting?"

"Klare....basta. Gugupitin ko ang buhok ko katulad sa iksi ng buhok mo."

"Ano?!"

Tumango-tango siya.

"Klare. Gawin mo na lang. Ang gunting."

Hindi na ako nagsalita pa at kaagad kong inabot sa kanya ang dala kong gunting. Mabuti na lang talaga at hindi ko pa naibabalik ang gunting ni Mai.

Naghubad na rin ako ng damit at short. Pinasuot sakin ni Anna ang damit na suot niya. Pati singsing niya sinuot ko na din. Habang ginagawa ko iyon patuloy sa pagpintig ang dibdib ko sa kaba at takot. Wala akong alam sa mga nangyayari kaya blangko ang utak ko.

"Bukas ng umaga pumunta ka sa bayan. May jeep doon na biyaheng Lipa.." aniya.

Halatang kinakabahan at nanginginig na si Anna habang inaayos niya ang damit at shorts na suot ko kanina. Sinuot na rin niya ang singsing ko kung saan ito naka pwesto sa kamay ko. Pati ang hikaw at relo ko. Lahat ng damit na suot ko sinuot ni Anna. At ang damit na suot niya kanina ay suot ko. Hindi na lang ako nagsalita. Nararamdaman ko na din ang panginginig ng katawan ko.

Namilog ang mata ko sa sumunod na nangyari. Ginupit ni Anna sa harapan ko ang buhok niya hanggang leeg. Nakikita kong nahihirapan pa siya sa ginagawa niya. Gusto ko sana siyang pigilan pero hindi ko magawa. Bakit niya ginagawa ito? May nangyayari bang hindi ko alam?

"Klare. Kahit anong mangyari huwag kang magsasalita o gagalaw. Naiintindihan mo ako? Matulog na tayo."

Nilagay niya sa basurahan ang nagkalat na buhok sa higaan naming dalawa.

Kinalma ko ang sarili ko. Pero ayaw. Hindi ko kayang pakalahin ang sarili ko lalo na't hindi niya sinasabi ang dahilan kung bakit.

Tumango na lang ako at wala na akong balak na magtanong kay Anna. Kung magtatanong man ako hindi niya sinasagot. Sa hindi ko namalayang pangyayari bigla akong nanghina at nahulog na ang mata ko dahil sa antok.

Ilang minuto ang lumipas mahimbing na akong natutulog. Pero nararamdaman ko pa din ang mga kumakalas mula sa labas ng bahay nina Anna. Hindi ko alam kung natutulog ba talaga ako o nanaginip lamang?

"Huwag kang magsasalita. Huwag kang gagalaw."

Gusto kong dumilat pero hindi ko magagawa. Sobrang bigat ng pakiramdam ko habang nakahigang pinapakiramdaman ang paligid ko. Hindi kaya isang panaginip lamang ito? Sana nga isa lang itong panaginip. Masamang panaginip.

May nararamdaman na din akong kakaiba sa paanan ko na parang may gumagalaw mula doon. Gusto kong bumangon para tignan iyon pero sobrang bigat talaga ng pakiramdam ko at gusto ko na lang matulog.

Naalala ko na naman ang sinabi ni Anna.

"Huwag kang magsasalita. Huwag kang gagalaw."

May humahawak na magaspang sa pulso ng kamay ko. Dumako ang magaspang na kamay sa leeg ko. Naalala ko ang magaspang na kamay na iyon. Parang may humawak na sakin nun dati. Hindi ko alam basta natatandaan ko ang kamay na iyon. Hinawakan niya ang kwintas na suot ko. Maya-maya may kumalas na hindi ko alam sa tabi ko. Parang may humihila palayo sa kanya.

Naalala ko na naman ang sinabi ni Anna.

"Huwag kang magsasalita. Huwag kang gagalaw."

Gustong-gusto ko na talagang gumising para tignan ang mga nangyayari pero hindi ko magawa. Ang bigat talaga ng pakiramdam ko. 'Yung gusto kong bumangon pero hindi ko magawa. Parang may naka dagan saking mabigat na pinipigilan ako.

Naalala ko na naman ang sinabi ni Anna.

"Huwag kang magsasalita. Huwag kang gagalaw."

Ilang sigundo ang makalipas narinig kong nagsara ang pinto at doon na lang ako napatayo at nagising. At nang nilingon ko si Anna sa tabi ko, pero bakit wala na siya?

Diyos ko. Nagdasal kaagad ako para tulungan ako sa mga nangyayari sakin.

Sumilip ako bintana, at laking gulat ko nang makita ko ang dalawang tao na may hinihila na isang malaking sako na lalagyanan ng bigas. Parang nahihirapan pa ang dalawang tao sa paghila.

Sinundan ko ito ng tingin. Tapos parang may itim na markang lumalabas sa sako. Napapikit ako para tignan ng mabuti baka nanlalabo lang ang paningin ko. Pero mabilis itong lumaho sa paningin ko. Nagsitayuan naman kaagad ang mga balahibo ng buo kong katawan. May nangyayaring hindi maganda.

Hindi pa rin bumalik si Anna. Ilang minuto na ang lumipas! Ano ba 'yung nangyar? Hindi ko talaga alam kung ano ang buong kwento. Saan naman kaya siya pupunta? Nang pinuntahan ko ang kabilang kwarto walang tao doon. Tanging ako lang ang natirang tao sa bahay!

Doon na ako kinabahan. Tumutulo na ang luha sa mukha ko dahil sa takot. Alas tres na ng madaling araw at hindi ko alam ang gagawin ko hanggang sa naisipan kong tumakas na lang.

Hindi na ako naghintay pa na tumakbo pababa mula sa ikalawang palapag ng bahay ni Anna .

Nang mabitbit ko na ang mga dala kong gamit, tumakbo na ako pababa.

Pagkababa ko agad kong pinagmasdan ang sala ng kanilang bahay. Nanghina ang tuhod ko ng mapatingin ako sa center table sa sala. Hagulgol akong umiyak papalapit doon. Mas nalilinawan ako habang papalapit na papalapit. Mas lalong kumikinang ang bagay na iyon habang naglalakad ako papalapit doon. At nagulat ako nang makita ko ang putol na kwintas at singsing na pamilyar sa mata ko.

"Diyos ko?" iyon ang nasabi ko at doon na sunod-sunod na tumulo ang luha ko. "Anna...."

Dinampot ko kaagad iyon at napaluhod! Para akong bata na inaway ng mga kalaro ko. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Literal akong wala sa sarili. 'Yung gusto mong malaman kung paano ba? Ano ba ang nangyari? 'Yung buong pangyayari.

Nakakabaliw pala ang isang bagay na gusto mong malaman ang buong katotohanan, pero hindi mo masimulan kasi wala kang alam. Pinagmasdan ko ang buong sala. At namilog ang mata ko ng mapansin ang dugong kumakalat sa sofa.

Nararamdaman ko na rin ang pawis sa noo kong dumadaloy sa mukha ko.

"Anna..."

Hindi na ako nagtagal pa at mabilis akong tumakbo palabas ng bahay kaso napahinto ako nang may narinig akong paparating kaya nagtago ako sa likod ng sofa.

"Sa wakas may handa na tayo mamaya. Madami-dami rin ang dugi para sa dinuguan."

Namilog ang mata ko nang makita ko si mang Ben at aling Karmen na duguan ang suot nilang damit.

Hindi ako makapaniwala na ganito ang mangyayari sa buhay ko ngayon. Na mararanasan ko ang lumang kwento ng lola ko. Nakakakilabot!

Tinignan ko ang kwintas at singsing na hawak ko. Hindi ako makapaniwala sa natuklasan ko sa mga magulang ni Anna.

Muntik na akong mapasigaw nang nilabas nila ang laman ng sako na dala nila at tumambad sa harapan nila ang ulo ng isang tao.

Nanginginig ako sa takot sa mga sandaling 'yun.

At walang ingay akong napahagulgol sa pag-iyak nang makita ko ang pugot na ulo ng isang tao at manlaki ang mata ko nang malaman na ulo ni Anna ang tumambad sa harapan nila.

Aswang ang mga magulang ni Anna.

Biglang nagsisigaw si aling Karmen dahil sa nakita ng mga mata niya

Dali-daling tumakbo paakyat sa taas ang dalawa at doon na ako kumuha ng pagkakataon para tumakas.

Sa kagustuhan kong tumakas natutumba ako at nadadapa sa daan. Dapat maligtas ko ang sarili ko.

Tumakbo ako ng tumakbo. Hindi ko inisip ang mga sugat sa tuhod at talampakan ko basta makalayo ako at humingi ng tulong.

Napahagulgol ako sa pag-iyak nang makita ko ang police station sa bayan at doon na ako humingi ng tulong.

Agad nila akong dinala sa opisina nila at pinainom ng tubig. Tumutulo ang mga luha sa mukha ko habang pinapakalma nila ako.

Sinabi at kinuwento ko lahat ng nangyari. Nandoon na rin mismo ang ebidensya sa sariling bahay kaya nagsagawa sila ng plano para hulihin ang dalawang mag-asawa.

Kinulong ang dalawang magulang ni Anna dahil sa krimen na ginawa nila at galit na galit ang dalawa sa'kin. Kinulong sila at sinampahan ng kaso dahil sa pagpatay nila sa sarili nilang anak.

Hanggang ngayon tandang tanda ko pa rin ang lahat. Nagulat ako nang biglang napahinto si Mang Robert sa pagmamaneho at doon ko nakita na nakarating na kami sa sementeryo

Araw-araw kong binisita si Anna sa Muzan sa bayan nila. Last month nabalitaan kong pumanaw na rin ang mga magulang ni Anna dahil sa sakit.

"Salamat sa lahat, Anna. Utang ko ang buhay ko sa'yo."

Hinding hindi ko makakalimutan ang kaibigan kong si Anna.

"Anna,"

Nagsimula na namang tumulo ang luha sa mata ko dahil sa sakit.

"Salamat kasi niligtas mo ako, pero...may pagbabago na nangyayari sa'kin simula nung gabing 'yun."

Lumuhod ako at inilagay ang dala kong bulaklak sa gilid ng lapida.

"Anna, aswang na rin ako. Gabi-gabi na akong pumapatay ng tao. At natatakot akong malaman ng lahat na aswang na rin ang kaibigan mo."

Hindi pala porket kilala mo na, ligtas ka.

The End!

avataravatar