1 Prologue

Kaguluhan

-kahit anong iwas magkukusang lalapit sayo.

Ang kaguluhan ay 'di nawawala, saang dako man ng mundo.

Mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking organismo ay laging nagkakaroon ng kaguluhan.

Bago pa man ang unang digmaang pandaigdig, naroon na ang hidwaan.

Buhay na buhay at handang manukso't maghatid ng lagim. Naroon na ang bangayan ng bawat bansa.

Simula pa lamang noong mga araw kung saan ang lupang inaapakan ay hindi pa nahahati sa mga pulo.

Mga hidwaang hanggang ngayo'y hindi natatapos.

Mga hidwaang kininalimutan at ngayo'y unti-unting bumabangon mula sa hukay upang ipaalala sa lahat ang dagok ng kahapon.

A philosopher once said " Those who cannot remember the past are condemened to repeat it."

Buksan ang mga mata para sa bagong digmaang paparating.

Isang digmaan na magdudulot ng nakakagimbal na katapusan sa sansinukob kung hindi mapipigilan.

Ika nga walang sekretong hindi nabubunyag.

Paano pa kaya kung ang pinangangalagaang impormasyon ng mga nakakataas ay biglang maisiwalat sa publiko.

Mga impormasyon tungkol sa sekreto ng kailaliman ng lupa, pinakamalaking kontininte, organisasyon sa himpapawid, syudad sa ilalim ng dagat at bagong tahanan sa labas ng mundo.

Kung maisasapubliko ito, makakayanan niyo kayang harapin ang mga kasinungalingang matagal nang pinapakain sa inyo.

Hula ko, sa ngayon, sasabihin mong Oo at pilit pinapakalma ang sarili. Ngunit, sa pagsapit ng kadiliman ay lalamunin ka ng masakit na sampal ng katotohanan.

Kinabukasan, isa ka sa mag-aaklas. Isa ka sa makikiwilga.

Marahil ako rin.

Lalo na kung alam kong labag ito sa adhikain bilang tao.

Ayon sa mensahe ng isang kanta " walang makakapantay sa kalikasan. Ang pangkaraniwan na tao'y saan pupunta kung gumuho ang mundo."

Saan nga ba pupunta ang mga kagaya kong pangkaraniwan lámang. Kagaya ko na kakarampot lang ang perang panustos para sa araw-araw na pangangailangan.

Siguro, isa ako sa magiging biktima ng pagkagunaw ng mundo.

"Ligtas ang may pera"

Ligtas ang mga mayayaman na kayang bumili ng isang bansa. Siguradong agad itong pumahimpapawid patungo sa bagong planeta- sa bagong mundo na para sa kanila.

Pero talaga nga bang ligtas sila?

E paano yan, kasalukuyan kang nasa panahon ng pamumuno ng isang diktadoryang nakamaskara ng demokrasya.

Isang diktadoryang nagbabalat kayo bilang demokrasya.

Mga diktador na kapag hindi ka nagustohan " isang bala ka lang "

"Aanhin ang yaman kung patay ka naman kasi hindi nagustuhan."

Mga pinunong diktador na hindi nagkakaunawaan dahil sa sariling prinsipyo at paniniwala.

Mga diktador na hindi mawari kung talaga nga bang iniisip ang kapakanan ng mamamayan o ng mayayaman lang.

Mga diktador na nagpapakabusog sa salita, o handang iaalay ang sarili sa paggawa, mailigtas lang ang nasasakupan.

O mga diktador na Liwanag sa madla pero kampon naman ni kamatayan.

Ang demokarasya ay salita lamang ng isang diktador. Ang lahat ay magkakaisa bilang diktador at kung ikaw ay titwalag o wala sa bilang ng mga diktador at hindi papanig sa mga diktador. 

Asahan mo, ito na ang huling araw kung saan malaya ka pang nakakahinga at mahimbing na nakakapahinga sa tahanan mo.

Handa ka bang mamuhay sa ilalim ng bansang pinamumunuan ng mga diktadoryang may batong mga puso, walang kaluluwa at higit sa lahat

"Even the God we knew has it weaknesses. Even him has its deepest fear. so beware to those who live for nothing for they can be more than a monsters. "

-Derevel