webnovel

Breakup

"We are never ever ever getting back together. WE are never ever ever... getting back together."

Thank you Taylor Swift. Ginawa kong mantra 'tong kantang to pagkatapos ng breakup namin ni  Max one week ago. I'm so done with him. Hindi biro ang three years of relationship namin pero nagloloko parin siya. Hindi ko na mabilang kung ilang on-off ang nangyari. The main reason is that I always find out that he's fooling around with some random girls on facebook. I can't take it anymore.

He would always say, "Hindi naman ako seryoso sa kanila."

"F*#&k you, Max."

I changed my relationship status to Single. Ang daming nagcomment. May mga nagtanong kung bakit. May mga feeling concern at nakikitsismis. Maraming cry at heartbroken emoji. Kasi daw akala nila forever na talaga kami. Forever my face!

I need to be strong this time. Hindi na ako makikipagbalikan sa kaniya kahit ano pang gawin niya.

The day after our breakup, pumunta siya sa aming university at nakipagkita sa mga kaibigan ko. Pero ang hindi niya alam kinausap ko na sila lahat na huwag tumulong sa mga paandar niya. Puro lang naman kasi siya sorry at inuulit lang naman ang mga trip niya. When I asked my friends what he wanted to do, sabi nila nagsorry daw si Max sa kanila. He said, "Please help me win her back." Sobrang lungkot nga daw ng mukha niya. Pero they said to him that I'm hurting too much to forgive.

Totoo naman. Masakit para sa akin isipin na hindi ako enough for him. Bakit pa siya naghahanap ng fling sa facebook. Ano ba ako? Nagbago na ba definition ng girlfriend? Ewan.

***

Kupidoros: Matchmaking fail ba tayo?

Kupidomori: Nakakainis.

Kupidoros: Ilang arrow pa ba kailangan natin maubos?

Kupidomori: May lima pa. Kapag tuluyan silang naghiwalay, babalik na naman sa atin yung isa. Anim na arrow ulit.

Kupidoros: Ayaw na ni Helen.

Kupidomori: Kasalanan ni Max.

Napaiyak si Kupidomori sa sama ng loob. Kumuha ng kendi si Kupidoros mula sa kaniyang bulsa. Nakita ni Kupidomori ang kendi at agad niyang kinuha mula kay Kupidoros. Imbis na sermonan dahil hindi nakapaghintay, tinitigan na lamang ni Kupidoros si Kupidomori at ngumiti.

***

Messages from Max:

"Helen, please hear me out."

"I miss you."

"Again, sorry. Let's talk. Bakit ba hindi ka sumasagot sa calls ko?"

"Helen... please naman."

"If you want, I will deactivate my account."