webnovel

Prologue

"Laguna!!"

A loud noises for the crowd were heard because of that announcement, dictating the overall grand winner from the Philippines' pambansang laro.

I can't believe I'd be here, today. And that I am the spotlight of the crowd, the darling of the night and the star that shines among everyone, kids, adults and yes, everyone.

I am the spotlight of today's journey.

I smiled. "Salamat." I bowed my head. "Salamat!" And I shouted it, above my lungs.

"Now that you took the pride of the people of Laguna, as you can see to the crowd," The reporter pointed the people who are still cheering for me. "How do you feel, Mr. Riego? For being the M.V.P for this season?" Nakangiti niya pang tanong.

Ngumiti ako sa kaniya ng napakalaki. "I feel both great and relieved. That finally, finally, I gained the honor and glory that I've always prayed for. So as the moment I am waiting for."

"And for everyone who's watching and supporting you?"

Mas nilawak ko ang ngiti ko at tumingin sa camera. Narinig ko kaagad ang mas malakas na hiyawan sa mga tao sa stadium kasi naka-live kami sa oras na ito.

"Salamat! Maraming salamat sa suporta ninyong lahat. Hindi ako mapupunta rito kung hindi dahil sa mga suporta ninyo. Maraming maraming salamat po!" masaya kong saad.

"Yes, so that's the energy and life!" She cheered me. "For the last question, now that you got your medal and honor, as you said earlier, what will you do now?"

That question leave me open.

I know what I am going to do next. But how?

I smiled.

"I am yet not sure about what am I going to do next, or what. But I am able to say that the next things I'll do, will make me the happiest. Thank you."

I bowed as a respect. The interviewer smiled at me and bowed too as a sign of respect and also telling to leave already.

Syempre, umalis ako roon. Nag-outro narin siya kaya dumaretso ako sa pamilya kong hinihintay ako, offset.

Naunang sumalubong si Mommy na kinakabahang niyakap ako ng mahigpit. Napangiti naman ako.

"Oh anak ko, ayos ka lang? Masakit ba 'yung na-injure sa iyo? Ano?" alala niyang tanong.

Ngumiti ako.

Oo, dahil nga football ang laro ko ay hindi maiiwasan ang injury. Lucky for me, I still played good and we won, after I fell to the ground repeatedly, and now, I am suffering on it.

We still won, tho. Nice sacrifice.

"Mom, I am fine." Inakbayan ko narin siya habang naglalakad kami pabalik sa kwarto ko. Ganoon din sa mga kasama namin. "Isa o dalawang masahe lang nito, ayos na ulit!" tawa ko pa.

Tinapik niya ako. "Nagbiro ka pa, bata ka talaga! Oh siya, mauna na ako sa bahay para maayos ko iyong kwarto mo. Ang tagal mo na ring hindi bumabalik dito oh." Nakabusangot niyang ani.

Pinisil ko ang pisngi niya habang nakangiti.

"I love you, Mom."

"I love you too, sweet cupcake."

Nauna na ito gaya napahinga ako ng malalim. Sumunod sa kaniya ang mga tauhang nagbabantay sa kaniya kaya napahinga ako ng maluwag.

"Totoo ang sabi ni Tita, ang tagal mo na ngang hindi bumalik dito."

Nagulat ako noong may sumingit na boses. Pero kaibigan ko lang pala. Pinag-kabilaan nila akong dalawa pero iyong nagsalita ang umakbay sa akin.

"Ilang taon ka ba sa Thailand, bro?" tanong pa niya.

"Pitong taon."

"Ang tagal! Grabe."

Ngumiwi lamang ako. Nagpatuloy parin naman kami sa paglalakad, iyon ay noong narinig ko ang sinabi ng reporter bago kami makapasok sa kwarto ko, nakareserba para sa mga athletes.

"But before we leave, I just want to remind everyone that our one and only King of Modeling will be our Royal Guest for tomorrow for the recognition of winners!" Bahagya siyang lumapit sa camera. "But it's only a secret, okay?" Biro pa niya.

King of Modeling...?

"Mapapa-aga ata pagkikita niyo." sa kanan ko, nasabi iyon ng isa sa kaibigan ko.

"Akiro, mananakot ka pa e." asar na ani Range sa kaniya.

Napalunok ako.

King of Modeling, huh?