7 Chapter Seven

They're heading now at Lilac, a place where NBI of Lilac Unit gathered. Kung ang Cosmos Unit na pinanggalingan niya ay sumasakop sa buong siyudad ng Cosmos. Ang Lilac Unit naman ay sumasakop sa buong siyudad ng Lilac. Kumpara sa Cosmos at iba pang siyudad sa CALABARZON, ang Lilac ang pinakamaliit. Dito nakapaloob ang bayan ng Helios.

Together with Agent Clint, they took the previlage to lead the investigation team. Not knowing what the Lilac Unit will say when they heard it. Hindi pa sila nakatatawag sa Team Manager doon. Ngunit dahil sa katigasan ng ulo niya at kagustuhan na mahanap kaagad si Moni, nagdesisyon siya na manguna sa imbestigasyon. Kahit walang pahintulot ng mas nakatataas sa kanila.

"Do you know Eris Vergara?"

Bumaling siya sa nagdri-drive na si Clint. Sa daan nakatutok ang mga mata nito. Nagkibit balikat lamang siya. Hindi niya ugaling alamin ang buhay ng isang tao o maging ang pangalan ng mga ito kung hindi kinakailangan. Kaya nabansagan siya na "The Girl who only knows her enemies". Wala siyang pakialam sa isang tao kung labas ito sa trabaho niya.

"Kaya naman pala malakas ang loob mo na pangunahan ang desisyon niya para sa imbestigasyon," sabi nito. He smirked at me.

"Meaning?"

"He's the Team Manager of Lilac Unit assigned by Director Francis Santiago. He knows for being rude and smart mouth. Well I guess you will know about it when we got there."

Nagkaroon ng ilang gitli ang noo niya. Habang tumatagal, dumarami yata ang mga taong dapat niyang kilalanin.

It took 1 hour before they arrived at Lilac. Ilang pasikot-sikot pa ang dinaanan nila bago makarating sa mismong opisina. Pinaalalahan muna siya ni Clint na huwag munang aalis ng sasakyan hanggat wala itong sinasabi.

"Wait me here. Titingnan ko muna ang timpla ni Eris," sabi nito. Napatawa ito nang makita ang pagtaas ng kilay niya.

Inilibot niya ang tingin sa lugar na tinigilan nila. Doon niya napansin na kasya sa daan dito ang Fortuner niya. Siguro'y itatanong niya kay Clint kung saan ang iba pang daan dito para makapasok ang kaniyang sasakyan hanggang Helios.

Tahimik ang paligid, may iilang mga tao na sa tingin niya ay kapwa Agents kagaya niya. Pansin niya na parang lahat ay nagmamadali sa paglalakad, may bitbit na case. Puro nakaitim na coat ang mga ito at itim na slack.

Napukaw ang pagmamasid niya nang may kumatok sa bintana ng sasakyan. Nakatayo sa labas si Clint at sinesenyasan siyang lumabas. Bumaba na siya. Maliban sa baril at ID, wala na siyang ibang dala papunta rito.

"He wants to see you. Don't worry, he won't bite," pukaw nito. Napailing lamang siya sa huling sinabi nito.

Nagtuloy sila sa isang modernong gusali. Napapatingin sa kanila ang bawat madaanan nilang tao sa loob. Ngayon lamang siya nakapunta at nakapasok sa lugar na ito. Napakaraming pinto na siguro'y naghahati sa bawat opisina sa loob.

avataravatar
Next chapter